BMDN Chapter 37

97.1K 2.2K 78
                                    

Si Spencer ang ama ni Kisza.... Hindi ba dapat maging masaya ako sa nalaman ko na sya ang lalaking 'yon? Pero bakit takot ang nararamdaman ko ngayon? Takot sa mga susunod na mangyayari.

Anong iisipin nya sa oras na malaman nya? Na ang baba kong babae? Na ang sama ko at nagawa kong ipamigay ang anak namin? Pero anong magagawa ko kung hindi ko talaga kayang buhayin si Kisza?

Napapitlag ako ng mag ring ang cell phone ko, nang makita ko ang caller ay nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko, kinakabahan  ako parang hindi ako handang makipag usap kahit kanina. Huminga ako ng malalim saka sinagot ang tawag, dahil alam kong mag aalala sya.



"Babe" malambing na bungad nya pag kasagot ko sa tawag nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil naiiyak ako, nanikip ang dibdib ko pag karinig ko sa boses nya.




"Spencer" sabi ko at pilit pinagaan ang boses.



"Asan ka? Wala ka pa daw sa bahay?" Aniya at bakas sa boses ang pag aalala nya. Tumikhim ako at huminga ng malalim. Ganito pa rin kaya  kalambing ang boses nya pag nalaman nya ang sekreto ko?



"May dinaanan lang ako, pauwi na rin ako" sabi ko, saka nag simulang maglakad palayo sa lugar kung saan nag umpisa ang lahat.





"Where exactly? Susunduin kita" aniya, umiling ako kahit na hindi nya ako nakikita.


"Wag na pauwi na ko"



"Where?" Aniya , huminga ako ng malalim saka sinabi sakanya kung nasaan ako. Pinatay ko ang tawag saka umupo sa isa sa mga benches na nakakalat sa park.

Nag kakutob na ako noon ng nasa Allergen kami pero bakit pinag walang bahala ko 'yon? Kung sana... Kung sanang agad kong inalam hindi na aabot sa ganito. Hindi na aabot sa puntong minahal ko sya, sana noon pa lumayo na ako kung nalaman ko lang ng maaga. Kung sanang tumupad ako sa usapan namin ni Raquel, baka wala ako sa sitwasyong ito ngayon.

Naalala ko ang huling pag uusap namin ni Raquel. Three years old si Kisza ng huli kaming mag usap ni Raquel. Nag kita kami sa isang Coffee Shop noon, doon sinabi nya sakin lahat ng plano nya para sa anak ko. Gusto nyang sa New York ito mag aral at doon na sila manirahan kasama ang asawa nya. Noon din nya pinutol ang koneksyon namin, sinabi nya na huwag na akong mag pakita at huwag ko ng hilingin na makita ang anak ko para hindi maging magulo ang lahat. Pumayag ako dahil alam kong iyon ang makakabuti, may tiwala ako sakanya at alam kong hindi nya pababayaan ang anak ko. Pumayag ako at pag katapos non ay hindi na kami muling nag kita, umalis kami ng lungsod ng mga kapatid ko at nanirahan malayo kanya, malayo sa anak ko. Kung sanang pinanindigan ko ang sinabi ko na hindi na muling mag papakita sa anak ko, baka hindi ganito kahirap ngayon. Hindi ako maiinlove kay Spencer at hindi ko masasaktan ang anak ko.



Napaangat ako ng tingin ng may humintong kotse sa harap ko. At mula doon ay lumabas si Spencer. Ang lalaking ito ang totoong ama ng anak ko, kaya ba mahal na mahal nya si Kisza ay dahil nararamdaman nya ang koneksyon nila sa isa't-isa? Matatanggap nya kaya ako sa oras na lumabas lahat ng tinatago kong sekreto? Mamahalin nya pa kaya ako pag nalaman nya na nagawa kong ipamigay ang anak namin?





Tumayo ako saka sya sinalubong, habang papalapit sakanya ay parang sumisikip ang daluya ng hangin sa katawan ko. Parang walang hanging pumapasok sa baga ko, pinigil ko ang pag hinga ko para mapigilan din ang pag iyak ko. Habang nakatingin sa nakangiti nyang mukha ay lalo akong nakakaramdam ng sakit, kung sanang noon pa nalaman ko na ang totoo baka nagawa ko pang dumistansya. Dahil aminado ako ngayon na hindi ko na kayang lumayo sakanila ng anak ko. Ang tagal ko na palang kasama ang mag ama ko.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon