CHAPTER TWELVE

74.7K 996 36
                                    


Maagang umuwi si Clyde dahil sa inis nito sa probinsyana. Nang makarating na siya sa bahay nila, agad-agad siyang pumunta sa kwarto ang hinagis ang sariling bag sa sahig.

Ewan ko ba! Nababadtrip ako dyan sa probinsyanang yan! Tinaggihan niya ako para lang sa unggoy na Gab na yan! Wala ba siyang taste? Tanong ni Clyde sa sarili.

Sinubukang tawagan ni Clyde si Kier nang sa gayon ay may makausap siya at may mapaglabasan ng sama ng loob. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kanyang bestfriend.

"Anong nangyare?" tanong ni Kier habang inabutan si Clyde ng Pepsi can.

"Yung tag-araw na yan. Kainis."

"Bakit ba kasi?"

"Niyaya ko siyang gumala, or mamasyal, or manuod ng movie or what—pero hindi siya date, okay?" kwento ni Clyde. "Pero tinaggihan niya ako!"

Nag-isip muna saglit si Kier. "Malay mo, may importante siyang gagawin?"

"Kung importante nga yun, okay lang sakin. Kaso hindi eh! Makikipag-date daw siya sa unggoy!"

Yung mukha ni Kier, medyo naging qestion mark. "Bakit unggoy? Hoy ikaw nga, sabihin mo nga sakin, sped ba talaga yang si Summer at sa unggoy pa makikipagdate?"

"Bobo. Hindi literal na unggoy pero...kilala mo si Gab?"

"Oo, siya yung transferee rin dito diba? Anong meron sa kanya?"

"Siya lang naman yung ka-date ni Summer. Saya diba?" at uminom si Clyde ng Pepsi.

"So, kaya ka naiinis kasi pinagpalit ka niya kay Gabby?" tanong ni Kier.

Tumango si Clyde. "Kasi naman nakakainis siya eh! Mas nauna niya akong nakilala kesa kay Gabby kaya dapat ako rin ang priority niya!" Priority mo mukha mo, Clyde, OA mo lang? Eh kung makapag-sungit ka nga nga kay Summer eh wagas!

Binatukan siya ni Kier at sinabing, "Drama mo!"

"Aray!" reklamo ni Clyde. "Wala ka kasi sa sitwasyon ko ngayon kaya ka ganyan!"

Minsan na nga lang ako mag-effort ng sobra tapos babaliwalain niya lang? Psh! Kaya ayaw ko sa mga babae eh. Napaka-unpredictable! Naiinis na sabi ni Clyde sa isip niya.

"Nagseselos ka ba?" natatwang tanong ni Kier kay Clyde.

"Ako? Selos? Psh! Asa naman!" Aba eh loko pala 'tong si Clyde eh, halata naman na in denial siya! Naku po!

"'Bat ba kasi ayaw mo pang aminin?"

"Ayaw kong aminin kasi wala akong dapat aminin! Hindi ako nagseselos! Tsaka bakit naman ako magseselos eh obvious naman na mas gwapo pa ako sa Gabby na 'yan!"

Ang sarap iumpog ang ulo ng bestfriend ko ngayon, promise. Ani Kier sa kanyang isipan. "Okay, sabi mo eh."

Hindi nalang siya sumagot kay Kier at nag pinagpatuloy pa rin ang pagd-drama. "Yang Summer na yan, ang landi, kala mo kung sinong maganda! Pero hindi naman, abnormal pa nga eh." Bulong ni Clyde. Ang hindi niya alam, naririnig pa rin ito ng bestfriend niya.

"Well, it's her loss. Not mine!" sabi ni Clyde.

"Eh kung loss niya yun, bakit ka nagagalit?" pagkontra naman ni Kier. Tinignan lang siya ni Clyde. "Aminin mo na kasing nagseselos ka."

Huminga ng malalim si Clyde. "Eh bat naman ako magseselos? May gusto ba ako dun?!"

"That's the question. May gusto ka ba 'dun?"

Hindi nanaman sumagot si Clyde sa kanya bagkus ay tinignan nalang siya nito ng masama. "Kier."

"What?"

"Shut up."

Hindi ni Clyde maintindihan kung kaibigan niya ba si Kier o hindi. Aba malamang dahil mukhang iba ang kinakampihan nito! Basta ang alam lang ni Clyde ngayon, ay kailangan nang maka-alis ni Kier sa teritoryo nila kundi baka makapatay pa ng wala sa oras si Clyde.

"Umuwi ka na nga lang!" Utos ni Clyde kay Kier habang nakaturo sa pintuan.

"Uy, teka lang. Akala ko ba gusto mo ng makakasama ngayon?"

"Hindi na! Mas okay pa nga yata siguro kung mag-isa na lang ako kesa kasama ka! Alis!"

"Pero pwed—"

"LABAS!" At ayun, kinaladkad na nga siya ni Clyde papunta sa pintuan.

Biyernes na—ang pinakahihintay na araw ni Summer sa buong buhay niya. Awtsu so feeling niya eh ikakasal na siya ngayon, ganun? Hindi pa, ang harot talaga neto. Ngayon palang ang date nila ni Gabby! Wala pang kasal!

"Umm, sorry. Napaghintay ba kita ng matagal?" tanong nito kay Gabby.

"Hindi naman." Ngumiti nalang si Gabby nang makita niya si Summer sa suot nitong dress. Isa itong itim na sleeves at may matching na red belt pa. Hindi naman ito masyadong showy dahil sinabayan niya ito ng itim na stockings na talagang bumagay sa kanyang mahaba at makinis na buhok. At tagalang nagpractice pa si Summer na maglakad gamit ang heels para lang dito!

Sinundo siya ni Gabby sa condo unit nito, feel na feel naman yun ni Summer. Wala eh, gentleman si Gabby eh.

"By the way, ang ganda mo pala ngayon." ngumiti siya.

"S-salamat." Mahinang sagot ni Summer, syempre, pahinhin effect muna siya ngayon.

"Soooo," tumayo siya. "Shall we?" inabot ni Gabby ang kamay niya.

"We shall." Ay sus! Buti nalang at nantutunan ni Summer ang dapat i-reply sa mga ganung tanong!

KTp

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon