Chapter 11

79.9K 1.4K 138
                                    

Dedicated to @troubleinlove :-)

Hindi ko maitago ang pagkagulat ko ng mapagsino ang aking panauhin. Nagtataka ako kung paano nalaman ni Tito Manuel ang address ko dahil sa pagkakaalam ko, wala akong iniwan na impormasyon sa opisina niya nung pumunta ako or nabanggit man lang sa kanya kung saan ako nakatira.

"Pasensiya ka na iha kung bumisita ako ng walang pasabi." pagpaumanhin nito.

Katulad ng una naming pagharap kahapon, nakangiti ito at magiliw na nakatingin sa akin.

But there's something else, while he gazed at me adoringly, titig na titig ito sa mukha ko na parang ngayon lang kami nagkita.

"Okay lang ho Tito, magandang gabi po." lumapit ako para magmano sa kanya pero imbis na iabot sa akin ang kamay niya, mainit ako nitong niyakap at halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap nito.

"A, eh Tito." I said uncomfortably ng ilang segundo na ang lumipas at parang wala pa itong plano na bitawan ako.

Is it my imagination or talagang hinalikan niya ako sa ulo?

He took a deep breath at saka niya ako binitawan. I saw him discreetly wiping his eyes with his thumb and forefinger that I looked away. Mukhang hindi na yata mawala sa aming dalawa na maging emotional sa tuwing magkikita kami.

Dahil pareho kaming nagluluksa hanggang ngayon.

"it's okay Tito." I took his hands and clasped them, comforting him.

Tumango ito sa akin and patted my cheek affectionately, ngumiti ito sa akin kahit namumula ang mga mata nito. His eyes gazes at me lovingly pero imbes na maasiwa ako, saya ang nararamdaman ko. I sense a fatherly love from him na matagal ko ng hinahanap sa sarili kong ama.

"Ah Lito, iwan mo na lang lahat at ako na ang bahala. Kumain ka muna and I will call you kung pauwi na ako at saka mo na dalhin yung iba pa." baling nito sa kasama niya .

Nakatayo sa gilid ng pintuan ang kausap niya kaya hindi ko ito napansin kanina. Nilapag nito ang bitbit na dalawang basket at may kasama pang ilang plastic bags at saka ito nagpaalam. Puno ng mga imported canned foods and cheese ang isang basket at ang isa naman ay umaapaw ng iba't ibang klase ng prutas.

"Alam ko ang buhay estudyante iha kaya I brought something for you para hindi ka magutom." inabot nito sa akin ang isang basket na puno ng prutas.

"Tito! ang sobrang dami naman po nito." Nanlalaki ang mata ko na nakatingin sa basket and plastic bags. Halos isang buwan ko na yata itong stock.

He chuckled sa nakita nitong reaction ko. "Actually iha, meron pang naiwan sa kotse at ipapaakyat ko na lang mamaya sa driver ko."

"Maraming salamat po Tito sana hindi na po kayo nag abala." I step aside para lumuwang pa ang pagkabukas ng pinto. "Tuloy po kayo." pag imbita ko.

Tito Manuel's eyes wanders around my condo ng makapasok ito, taking all the detail of my home. Nagulat pa ito ng mapadako ang mata nito kay Alex na nakangiti na sumalubong sa amin para tumulong.

"Umm, Tito Manuel, kaibigan ko pala si Alex. Lex, si Tito Manuel, a family friend." I introduced them.

"Nice meeting you sir." Alex greeted respectfully.

Alex was starstruck that he's shaking Tito's hand vigorously. Kung ang mga ordinaryong mamayan ay nakakilala kay Tito Manuel, paano pa kaya sa katulad ni Alex na kumukuha ng abogasya.

Atty. Manuel Galvez is known and admired in the law community.

"Drop the sir iho, you don't have to be so formal to me at sana hindi ako nakaistorbo sa inyo."

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon