Prologue

71.6K 1.2K 41
                                    

Prologue

"ATE..." Maiyak-iyak na ako habang papalapit sa hospital bed kung nasaan si Ate.

"Wag kang umi-yak... Aria, ayos lang ako." Pinilit pa ni Ate Andrea ang isang ngiti, kahit halatang nahihirapan na siya. "Promise me this Ariana... kahit anong mangyari, wag mong papabayan ang pamang-kin mo. Love Cassia..."

"Ate..." 'Yon nalang ang masabi ko dahil sa kaba ako, parang namamaalam na kasi si Ate.

"And don't let her father know about her...promise me ple-ase."

"Oo Ate," napipilitang sagot ko na, kasi naaawa ako sa paraan ng pakikiusap ni Ate.

"Salamat..." At kusa nang bumagsak ang luha ko ng marahang ipikit ni Ate ang mata niya.

"Ate....ate..." Malakas ng palahaw ko, wala akong pakialam kung pagtinginan ako dito, mawawala na sa 'kin ang Ate ko. Ako na lang mag-isa.

"I'm sorry Miss, pero wala na ang Ate mo." Sabi sa 'kin ng doctor na nagrevive kay Ate.

Halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak ko. Wala na si Ate, wala na nga kaming magulang nawala pa siya.

"Ma'am, mawalang galang lang po, kailangan na po namin siyang dalhin sa morgue, bibisitahin n'yo na po ba ang pamangkin n'yo?" Natigilan ako sa sinabing iyon ng isang nurse, at sa tanong niya sa akin.

At naalala kong may pamangkin nga pala ako. Naipanganak nga pala ni Ate ng ligtas ang baby niya pero hindi niya kinaya dahil sa sakit niya sa puso.

"Asan ang baby?" Tanong ko nang makabawi ako.

"Samahan ko na po kayo sa Nursery."

***

Nakatitig ako sa isa sa maliliit na bata na nasa loob ng nursery. Si Cassia, ang iniwang remembrance sa 'kin ni Ate. Ang natira sa akin. Napangiti ako ng makita ko siya.

Mamahalin kita Cassia, sisiguraduhin kong paninindigan ko ang maging magulang sa 'yo, kahit mahirapan ako. Nangako ako kay Ate.

~~~

Author's Note:

Dedicated to sweet_aria  sana ay kiligin ka talaga sa story mo 💕

Hope you'll be patient until I finished this story and series. 😘

~Leyn 💙

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon