Epilogue

433K 8.8K 4.8K
                                    


[ R E N N E I ' S  P O V ] 





Limang taon na ang nakalilipas. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng trahedya, hinagpis, paghihirap, at pangungulila na naramdaman namin. There's this feeling of accomplishment and relief that keeps on bouncing within my heart. But, no one can get this nervousness and incompleteness out of me. The time is running. 



Naririto ako ngayon sa loob ng second headquarters ng mga Cromello at Dela Vega. Naaalala niyo pa ba ang gallery walk dito? 'Yung pasilyo kung saan matatagpuan mo ang mga nagdaan na miyembro at head ng pamilya Cromello at Dela Vega. Nilalakaran ko ang napakahabang red carpet habang iniisa isa ang mga larawan. Hindi ko lubos maisip kung paano tumagal ang pamilya na ito hanggang ngayon. Dumaan na ang pagpatay ni Hitler sa mga Hudyo, World War II, at Martial Law, buhay pa rin. Malaki ang posibilidad na mas matanda pa nga sa pambansang bayani natin ang pinakaninuno nila kuya Xander eh. Anyway, ang mahalaga ay ang napanatili pa rin nila ang bloodline at ang bandera ng angkan nila. 



"Quelle belle photo de famille." nabigkas ko nang napatigil ako sa tapat ng tatlong malalaking litrato na may gintong frames na nakapaligid sa kanila. (Translation: "What a beautiful family picture.") 



Una ko munang nilapitan ang larawan kung saan may nakalagay na pangalan sa ibaba na, "Lady Alexandria Kirsten Cromello-Vantress, the only daughter of Lady Alexandra Dela Vega and Master Kristoffer Cromello." Sa totoo lang, ako ang kumuha ng litrato na ito. Kinuha ito noong nakaraang tatlong taon. Bumalik na sa tunay na kulay ang buhok niya, nakaformal na white dress, at higit sa lahat, may matamis na ngiti sa mukha niya. Kusa na lang tuloy na lumapad ang magkabilang sulok ng labi ko. 



Parang noon lang ay galit kaming apat sa mundo dahil may kung anong kemikal na naiturok sa amin at nilayo namin ang mga sarili namin sa mga tao. Hindi ngumingiti at mas lalong hindi nakikipag-usap ng walang dahilan. Nakaaway namin ang 10 heads at hindi nagsawa sa kakabara sa kanila hanggang sa natutunan na namin silang ituring na mga kaibigan na may magandang layunin pala sa mga buhay namin. Ang bilis ng panahon. Hindi ko inaakala na aabot pa kami sa araw na ito na kinatatayuan namin. Akala ko wala ng katapusan ang muhi namin sa sarili namin. Akala namin wala ng tatanggap sa amin kahit kailan pero heto, isang malaking pamilya na ang nabuo namin. Hindi man kami lahat magkakadugo, may nagdudugtong sa amin na isang bagay na sa tingin ko ay panghabangbuhay ng magtatagal. It's friendship. 



Tinungo naman ng mga mata ko ang family picture na una kong napansin kanina. Napakagandang tignan ng picture na ito kahit matagalan. Wala kasing katumbas ang mga ngiti ng tatlong taong nasa frame. Magandang ina, gwapong tatay, at ubod ng gwapong anak. Never kong naisip na ang aso't pusa ang magkakatuluyan sa huli. Kung makapag-away ang mga iyan dati akala mo ay magpapatayan na pero heto sila ngayon, magkasabay na pinapalago ang sarili nilang emperyo ng magkasama at magkatuwang.



Nakadikit naman ang huling litrato sa pasilyo na ito. Sa baba ay may nakalagay na, "Young Master Alexei Wasyl Vantress, son of Lady Alexandria Kirsten Cromello and Master Spade William Vantress." mas lumapad ang ngiti ko. Siguro nga may posibilidad talaga na maging good-looking ang anak kung parehas gwapo at maganda ang mga magulang. Balang araw siya naman ang magmamana ng pamumuno. At alam kong hindi siya mabibigo sa bagay na iyon dahil lagi siyang pinapatnubayan ng mga magulang niya. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon