Kabanata 2

40.4K 1.1K 41
                                    

Kabanata 2

"Baby, ano ba nangyayari sa 'yo? Bakit ka ba iyak nang iyak?" Nag-aalalang kausap ko kay Cassia, andito lang kami sa kwarto ni Sheila. Isang linggo na kami nakikituloy dito sa bahay nila. Okay naman siya nung mga unang araw. Actually nung dalawang sunod na araw na may raket ako, naiwan ko pa si Cassia sa kapatid ni She na babae.

Nag-aalala na ako, kasi halos thirty minutes na siyang umiiyak, tumitigil naman siya pero kapag nakakuha ulit ng enerhiya, iiyak na naman. Kapag hindi pa siya tumigil ay baka madaala ko na siya sa ospital natatakot talaga ako. Baka may sakit siya o ano.

Nahihiya na rin naman ako sa mga kasama namin, dahil sa ingay ng iyak niya. "Ssshh, tulog ka na lang." Inilapit ko pa sa kanya ang gatas na tinimpla ko, pero ayaw niya pa rin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ngayon lang siya nagmanya ng ganito.

Nang sa awa ng diyos ay tumigl din siya ay dumedede na tapos natulog. Hapung-hapo akong napahiga sa kama. Pakiramdam ko nawala lahat 'yong kinain ko kaninang hapunan.

Lumipas pa ng isang linggo tapos ganun siya lagi, nadala ko pa nga siya sa ospital nung isang beses kasi nag-aalala na ako. Pero nag-aksaya lang ako ng pera, kasi ayos lang naman siya, baka daw namamahay lang.

Grabe ngayon lang ako nahirapan ng ganito sa pag-aalaga sa kanya. Ultimo raket ko nga ay hindi ko na mapuntahan, kasi hindi ko na siya maiwan sa kahit sino sa bahay.

"Cassia, tumahimik ka na please, hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo." Parang gusto ko na ngang sumuko. Naisip ko tuloy kung ibigay ko na lang kaya siya sa ama niya, tutal mayaman 'yon, at hindi na siya makakaranas ng hirap. Pero hindi ko naman kaya, dahil bukod sa pangako kay Ate, napamahal na sa akin si Cassia. Anak na nga kung ituring ko siya e.

Nung mga sumunod na araw, kinabahan ako nung nakita ko na namumula 'yong pisngi niya hanggang sa buong katawan niya na. Napasugod na naman ako sa ospital.

Hindi ko nga alam kung saan ako hahagilap ng limang daan para lang mapa-laboratory. As usual, si She na naman ang naglabas.

Nalaman kong may allergy siya sa alikabok at init. Medyo mainit nga kasi dun kina She kumpara sa dati naming inuupahan kasi maraming puno dun.

Nang makauwi kami sa bahay nila She ay bumalik na naman si Cassia sa kakaiyak siguro noon niya pa nararamdaman yong pagkairita sa allergies niya. Pero hindi ko lang napansin pati nung pinacheck-upan ko nung una.

"Tahan na Cassia, tulog ka na." Hinehele-hele ko na siya pero wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.

Napatingin ako sa pinto nung bumukas iyon. "Ate hindi po ba siya mapapatahimik? Hindi po kasi kami makatulog sa kabilang kwarto e." Tanong ni Sherry, 'yong kapatid na babae ni Sheila.

"Ay pasensya na, pinapatulog ko na nga e." Hinele ko na lang ulit si Cassia. Mabuti nga't nakatulog na. Nahihiya na tuloy ako, nung isang gabi nandito si She, nahiya na nga lang ako kasi hindi siya makatulog sa pagpalahaw ni Cassia. Tapos eto sinaway pa kami ng ibang nakatira dito.

Tapos masyado pa siyang sensitibo.  Ayoko man gawin yong nasa isip ko. Pero eto na 'yong pinakamakakabuti sa kanya.

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising.

"Sigurado ka na ba diyan Aria?" Ilang beses na akong tinatanong Shiela pero desidido na ako. Ayaw ko nang patagalin pa kasi baka biglang magbago ang isip ko.

Alam kong sa gagawin kong ito ay bibiguin ko si Ate at sisirain ko ang pangako ko sa kanya, pero para rin naman ito sa ikakabuti ng anak niya.

Hinatid kami ni She sa sakayan ng bus papunta sa kabilang bayan kung saan ko makikita ang pakay ko.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon