Kabanata 53

1.5M 40.6K 24K
                                    

WARNING: Sobrang daming bad words. SPG: Lengwahe. hehehe.




-----------------




Kabanata 53

Sagad Sa Buto

Hindi ko sinagot si Jacob. Tumayo ako at hinubad ang upper shirt ko. Nakita kong tumayo rin siya...

"Rosie, ba't mo hinubad-"

"Maliligo muna ako, Jacob." Sabi ko at umalis.

Ilang sandali ay sumunod din siya at alam kong lalapit siya sakin. Kitang kita ko ang mga mata ni Callix na nakatoon sa kanya. Basang-basa na ang abs part ni Jacob dahil sa alon. Hindi ako makatingin ng diretso. Pag tinitignan ko kasi siya naaalala ko yung unang halik namin. Yung nasa hot spring kami. Naaalala ko lahat ng alaala namin. Naiinis ako dahil hindi ko mapigilang purihin ang sparkling abs niya. Hindi ko mapigilan ang paglaglag ng panga ko. Hindi ko maiwasang tignan ang paligid at mainis sa mga nakikita kong babaeng nakanganga at tinititigan siya.

Dahil doon, lalong dumami ang mga babaeng lumapit sa kay Jacob. Pinilit siyang kumanta sa stage nung nag dinner kami. Ang ingay ni Belle sa pagchi-cheer kay Jacob at pang-aaway sa mga babaeng lumalapit sa kanya.

"Kala mo naman girlfriend, di pala!" Sigaw nung isang babae na kanina pa lumalapit kay Jacob.

"Eh bakit ikaw? Girlfriend ka ba? Di rin diba?" Sigaw pabalik ni Belle habang umiirap. "Lalaban talaga ako ng patayan para kay Jacob." Biglang sabi niya habang umiiling samin. "Oh, Rosie, ba't ganyan mukha mo?" Kumunot ang noo niya.

Umiling ako, "W-Wala."

Napatingin ako sa nakapikit na si Jacob doon sa taas ng stage. Kahit na di niya kilala ang mga nasa banda, kaya niya paring kumanta na mukhang at-home. Magaling talaga siya. Sa sobrang gwapo at talented niya, di na ako magtataka kung mag sho-showbiz siya. Pero para yatang di ko kaya yun... Hindi ko alam kung bakit. Naririnig ko pa lang si Belle na makikipagpatayan para kay Jacob, hindi ko na masikmura.

"There's a million reasons for you to go, but if you can find a reason to stay, I'll do whatever it takes, to turn this around. I know whats at stake. I know that I've let you down. But if you give me a chance and give me a break. I'll keep us together, whatever it takes."

Iniimagine ko na ako yung pinaparinggan niya. Lumalambot ako. Lalo na't maganda talaga ang buo niyang boses. Pati ang lyrics ng kanta wala akong maisip kundi kaming dalawa.

"OMG! Parang ako yung kinakantahan niya! OMG! Callix!" Sabi ni Belle.

Nabigla ako nang tinawag ni Belle si Callix. Kanina kasi umalis siya, ngayon lang yata nakabalik. Napatingin ako sa likuran. Nakita kong nakangisi si Callix sakin. Kumunot ang noo ko.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon