CHAPTER 9-Baklang Holdaper

47 1 0
                                    

AJ’s POV

2 weeks na kaming ‘di nagkikita ni Sam. Busy kasi siya sa piano lessons niya. Tuwing vacation daw kasi siya nagpipiano lessons. At ako? Full time tambay. Kaya ang boring ng vacation ko.-_-

Sam’s POV

Sino ba kasing may sabing nag-eenjoy ako sa piano lessons na ‘to? Ughhh. Magaling na ko at hindi yun dahil sa lessons na ‘to. INBORN yung galing ko. Mana yata ‘to kay angkong. :P Si mommy kasi eh. Gusto niya magpiano lessons ako para daw mas gumaling pa ko gaya ni angkong. Ughh. -_-

Buti nalang at mall ang katabi neto. And since tapos na ang lesons, pwede ako dumiretso dun.

Habang naglalakad ako sa kotse ko, (Yes, may kotse ako. Pero hindi ako ang nagda-drive nun. Syempre may driver ako.) May lalaking biglang humablot ng bag kong mamahalin. Pero dahil mabilis ang kamay ko, naagaw ko agad. Kaya eto kami ngayon, nag-aagawan.

“Hoy ano ba! Bag ko ‘to!”-Ako

“Alam ko! Ibigay mo nalang sakin kung ayaw mong masaktan!”

“Alam mo pala eh! Bakit mo kinukuha!”-Ako

“Siguro kasi nanghoholdap ako ‘diba? Akin na yan!”

“Wala ka bang bag? Pambabae yan kuya! Bakla ka ba?”-Ako

“Miss wag ka nalang maingay, ibigay mo nalang sakin yan kung ayaw mong saksakin kita!”

“Eh pa’no mo ko sasaksakin eh wala ka naman kutsilyo! Baril meron ka, pero hindi yan pansaksak kuya! Wag shunga!”-Ako

Nasan nab a kasi si kuyang driver!!! Kung kelan naman kailangan oh!!!!!

“Ibigay mo nalang saken yan miss wag ka na maingay!!!”

“Bakit ba, wala naman tayo sa library ah!!!”-Ako

Lee’s POV

Grabe, wala ng parking space sa mall. Buti nalang may katabi tong studio at may parking are. Pwede siguro ako dito magpark.

Habang nagpapark ako, may nakita akong babae at lalaking nag-aagawan ng bag.

“Ibigay mo nalang saken yan miss wag ka na maingay!!!”

“Bakit ba, wala naman tayo sa library ah!!!”

Teka….. Si Sam yun ah?!

Si Sam nga!!!

Lumabas ako sa kotse ko at tumakbo papunta sa kanila.

“Hoy bitawan mo yan!” Sabi ko kay kuyang holdaper sabay suntok. Papalag pa sana siya kaya sinuntok ko ulit. Tapos sinuntok ko nanaman. Nung tumakbo siya papalayo, tska dumating si kuyang driver.

“Ma’am Sam, sir Edward.” Sabi ni kuyang driver habang nagtatanggal ng headset. And yes, magkakilala kami.

“You’re too late kuya! Nakaalis na yung baklang holdaper!”-Sam

“Okay lang yun kuya, buti nalang at nakita ko sila.”-Ako

Tumingin lang sakin si Sam tapos naglakad na papunta sa kotse niya.

“Teka Sam, wala bang thank you diyan? I saved your life.”-Ako

Sam’s POV

“Teka Sam, wala bang thank you diyan? I saved your life.”-Lee

“I didn’t ask you to save me! And in case na sabihin mong hindi ko kaya ipagtanggol ang sarili ko, well, kaya ko! At hindi kita kailangan!”-Ako

“Kuya, mauna ka na sa kotse, magsoundtrip ka ulit. Sige na.” Sabi ni Lee kay kuyang driver.

“Bakit ka ba ganyan Sam? Hindi ka naman ganyan dati ah? Nasan na yung Sam na mabait at hindi marunong magalit?”-Lee

“Wala na siya, pinatay ko na. Ibang Sam na ang kaharap mo ngayon. So you better be ready. Coz I’m gonna make sure that you suffer. You and Abby.”-Ako

Naglakad ako ng mabilis papunta sa kotse ko. Mahirap na baka magsalita pa yun. Wala pa naman ako sa mood makipag-bangayan. Napagod ako sa pakikipag-agawan ng bag dun sa baklang holdaper nay un.

Habang nasa kotse ako at naghahanap ng parking space…

*ring ring ringggg*

“Wei?” (Hello)-Ako

“Sam, gusto ko lang sanang malaman mo na……………….”

FLYING IPISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon