BMDN Chapter 41

103K 2.5K 263
                                    

"Sigurado kaba na okay lang kami dito sa bahay nyo?"

Tanong ko kay Scott saka inilapag ang bag na dala ko. Sinabi nya na pwede kaming tumira pansamantala dito pagkatapos nyang malaman ang nangyari, nakakahiya man pero wala na talaga kaming pupuntahan. Malaki ang bahay ni Scott at sobrang tahimik, mukhang wala nga ring nakatira.


"Okay lang and besides wala namang tumutuloy dito. Sa condo ko ako umuuwi" aniya


"Pasensya na talaga, wala lang talaga kaming matutuluyan ngayon" sabi ko saka, alam kong hindi ako dapat basta nag titiwala kay Scott pero ayoko ring matulog kami sa kalsada ng mga kapatid ko.

"It's okay, and don't worry safe kayo dito sa bahay. Mag papabili nalang ako ng mga pagkakaing, at iba pang gamit na kakailanganin nyo" aniya,

"Bakit mo ginagawa 'to?" Takang tanong ko, kailan lang kami nag kakilala kung tutuusin pangalang beses palang naming pag kikita ito. Ang dami na nyang nagawa para sakin sa hospital sya ang nag bayad ng bill at ng mga vitamins ko at ngayon itong pag papatira sa bahay nya.


"I told you, may gusto lang akong siguraduhin " aniya, napakunot ang noo ko. Ano ang gusto nyang siguraduhin?

"Mag pahinga kana, ang sabi ng doctor bawal sayo ang masyadong maraming iniisip. May tatlong kwarto sa taas at dalawa sa baba, bahala na kayo kung saan nyo gustong matulog. Ipapadala ko nalang ang mga kakailanganin nyo" aniya saka hinaplos ang ulo ko bago tumalikod.







"Ate sino sya?" Ani James ng lumapit sakin. Hindi ko alan kung paano ko ipapaliwanag kay James na kaibigan sya ni Spencer.

"Isang mabuting tao na handang tumulo" sabi ko saka sya inaya sa taas para pumasok sa isang kwarto dala ang mga gamit namin.


Pumasok kami sa unang kwartong nakita ko, kulay peach ito at sobrang sarap sa mata. Nang nakita ko ang kama ay nakaramdam ako ng pagod, binaba ko ang bag na dala ko at nag lakad papunta ng kama at humiga doon. Pakiramdam ko pagod na pagod ako, pagod ang isip ko at pagod ang katawan ko. Napahawak ako sa tyan ko, dala ko ngayon ang dalawang anak namin ni Spencer. Gusto kong sabihin sakanya ang tungkol sa kambal pero paano kung hindi ako makalapit sakanya. Muli kong naramdaman ang pag kirot ng dibdib ko sa katotohanan na galit sakin ang dalawang taong mahal ko.



"Ate, bakit hindi na pumupunta si Kuya Spencer? Alam ba nya na wala na tayo sa bahay?" Rinig kong tanong ni James, napapikit ako ng madiin. Paano ko ipapaliwanag kay James ang lahat?


Nakatupugan ko ang tanong na 'yon, magising lang ako ng makaramdam ng gutom. Wala pa pala akong kinakain simula kaninang umaga, bigla akong napatayo dahil sa pag kakaalala na hindi pa ako nakakakain. Hindi na ako katulad ng dati na halos isang beses lang makakain sa isang araw dahil sa dami ng trabaho. Ngayon ay may buhay na muli sa tyan ko at kailangan ko silang alagaan.

Lumapit ako sa glasswall para hawiin ang makapal na kurtina, kulay orange na ang langit. Namimiss ko si Kisza at Spencer, ganitong oras ay mag kakasama kami sa pool at naliligo. Napahawak ako sa tyan ko, naaawa ako sa mga anak ko dahil mukang hindi sila mag kakaroon ng pagkakataon na makasama ang ama at ate Kisza nila. Tumalikod ako at nahagip ng mata ko ang picture frame na nakapatong sa ibabae ng maliit na cabinet, parang may sariling buhay ang mga paa ko at nakita ko nalang ang sarili ko na lumalapit don.

Nangunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na mukha, may isang babaeng americana at sa tabi nya ay lalali na may kargang bata. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ito at tinitigan ang mukha ng lalaki, ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin don. Hindi ako pwedeng mag kamali, si Papa 'to. At ang mukha ang babae ito ang ipinakita sakin ni Scott kanina, posible kaya anak ni Papa sa una nyang asawa? Alam kong may unang asawa si Papa pero hindi ko alam kung may anak sila at ang sabi noon sakin ni Mama at devorce na ang mag ito ng mag kakilala sila. Alam ba ni Scott amg tungkol dito at ito ang tinutukoy nya na may gusto syang siguraduhin?




Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon