BMDN Chapter 44

102K 2.6K 260
                                    

Nagising ako ng marinig ang malakas na pagtunog ng cell phone ko.



"Hello?" Paos ang boses na sagot ko, dumilat ako at tinignan ang oras sa wall clock alas dos na ng gabi. Walang sagot sa kabilang linya, muli akong pumikit dahil antok na antok ako.


"Nina"


Muli akong napadilat ng marinig ko nag pamilyar na boses na iyon, parang biglang nawala ang antok ko sa marinig ko. Hinawakan ko ang cell phone ko at tinignan iyon, unregerstered number ito yung kanina pa tawag ng tawag sakin pero wala namang nag sasalita.



"S-spencer?" Kinakabahang tanong ko, pero wala akong narinig sa kabilang linya. Maaari kayang dala lang ng antok kaya akala ko narinig ko ang boses nya na tinatawag ang pangalan ko? Napapitlag ako ng makarinig ako ng pag kabasag sa kabilang linya, kasabay non ay ang mahabang daing na parang may nasasaktan. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa narinig ko.


"H-hello? S-spencer" kinakabahang sabi, alam kong sya to... Nararamdaman ko.




"Shit..... Nina"

Lalo akong kinabahan, nanginginig na kumuha ako ng jacket at tahimik na lumabas ng bahay.



"Spencer asan ka?" Tanong ko, kailangan ko syang puntahan baka mamatay ako sa pag aalala.


"SB" rinig kong sabi nya, nag papasalamat ako at may taxi akong nakita, sinabi ko ang address ng bahay na kung saan pinatira nya ang mga kapatid ko. Nang makarating doon ay agad akong bumaba ng taxi, nakita ko sa labas ang kotse ni Spencer. Binuksan ko ang gate at pumasok sa bahay, bumungad sakin ang napakaruming bahay. May mga beer in can at mga bote ng alak, mag balat ng chips.




"Spencer?" Tawag ko,  pero wala akong narinig na sagot. Pumunta ako ng kusina pero wala sya, binuksan ko rin ang tatlong kwarto pero malinis doon. Napatingin ako sa Cr at doon ko sya nakitang nakaupo sa tiled na sahig at wall ng banyo, gulo-gulo ang buhok nya at mukhang nag suka sya dito.




"Spencer" tawag ko saka umupo sa paharap sakanya, naka sarado ang mata nya at amoy na amoy ang alak sakanya.


Napaatras ako ng tumayo sya at lumabas ng banyo, mabilis akong lumapit sakaya mg muntik na syang mabuhal. Pinalis nya ang kamay ko saka sya nag lakad papasok ng dati kong kwarto, sinundan ko sya hanggang sa makahiga na sya. Tinitigan ko sya, pumayat sya at medyo humaba na ang kanyang buhok, naka puting t shirt sya at pantalon pero parang ilang araw na nyang suot yon. Parang may kumirot sa puso ko dahil nakikita ko syang ganito.

Lumabas ako ng kwartp at kumuha ng maliit na planggana at maliitbma towel, pinugyan ko iyon ng maligamgam na tubig. Nang balik ako ay ganon parin ang pwesto nya, nakalagay ang kanang braso nya sa kanyang mata at mukhang mahimbing na nanatutulog. Umupo ako sa tabi nya at pinunasan ang mukha nya, may tutubo na rin syang facial hai sa mukha, hindi ba sya inaalagaan ng babaeng kasama nya? Pinaksi ko iyon saking isipan saka ipinag patuloy ang pag pupunas sakanya.






Natigil ako sa ginagawa ko ng hinawakan nya ang kamay ko.


"Kumain ka na ba?" Tanong ko, pero wala akomlng makuhang sagot sakanya.




"What are you doin here?" Paos ang boses na sabi nya, nakakunot ang noo nya at nakaigting ang panga.


"Tinawagan mo ko" kinakabahang sabi ko, napatingin ako sa kamay nya na mahigpit na nakahawak sa braso ko.




"Oh? I thought si Maureen ang natawagan ko" aniya,  umiwas ako ng tingin dahil ayokong makita nya ang sakit sa mata ko. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa maliit na towel na hawak ko.






Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon