WA [DR] 37 - Anything For His Happiness

47K 1.8K 759
                                    

Can you share why you love #Uryll or #Briz? And what do you think will happen next chapter? Comments will be highly appreciated. Thank you!


WA 37 – Anything For His Happiness


"What do you mean?" malamig kong tanong kay Kristelle.

Umiwas siya ng tingin sa akin at ibinaling kay Catherine na ngayon ay matalim na nakatitig sa akin. "Don't act as if you don't know anything, will you? Nakakabwisit kasi ang mukha mo." Inirapan niya ako. Pinigil siya ni Billy dahil akmang lalapit pa siya sa akin.

Napaawang ang bibig ko dahil sa inasal niya. "Ano bang ginawa ko sayo, huh?" inis kong tanong. Tangina! Umagang-umaga, sira na ang araw ko.

"Don't bitch around, Catherine." Matigas na pigil sa kanya ni Billy. "If you care about Daphne, stop this attitude. Hindi makakatulong 'yan." The tone of his voice is authorative. Kahit ako natinag sa lalim ng boses niya.

Catherine rolled her eyes heavenwards, "Whatever." She even cross her arms and shoot daggers at me.

Hinayaan ko na lang ang matatalim niyang titig. Muling ibinalik ni Kristelle ang tingin niya sa akin, "What I'm saying is... pumapayag na sila na gumawa tayo ng bagong paraan para maibalik ang memorya ni Daphne."

"In what way?" tanong ko. Pinaglipat-lipat ko ang tingin kina Billy at Kristelle. Ayokong dumapo pa ang tingin ko kay Catherine dahil maiinis lang ako lalo sa kanya.

Si Billy ang sumagot, "In a way that no one can see."

Kumunot ang noo ko. "Wala akong maintindihan. Pwede bang ipaintindi niyo na lang sa akin ng mabuti? Kailangan ko pang hanapin si Uryll dahil paggising ko, wala na siya sa kwarto niya. I also need to talk to him."

Do I sound sobitter? Kasi pakiramdam ko, oo.

"Ikaw 'yong tipong iniiwan, Nathalia." Singit ni Catherine. "Bakit mo pa hahanapin eh, iniwan ka—" Billy cut her off. "Tumigil ka na, Catherine!" napatikom ang bibig niya. "Makaalis na nga." Inirapan niya kaming lahat.

"Sorry sa inasal niya." Bumaling si Billy sa akin. "Close sila ni Daphne, she's too possessive when it comes to her friends. Ayaw niyang kinakawawa sila."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. I don't care if I'm being too rude, may mali kasi. "Kinakawawa? Seriously? Sorry ah, pero kasi walang kinakawawa rito. If she's worried about Daphne, so am I! I am worried for my friend—Uryll. Siya ang mas agrabyado dito."

Puta! May sinasaktan ba kami? Wala naman ah.

He took a deep breath. "I'm sorry... hindi naman sa ganoon, Nathalia."

"Nathalia... I know where Uryll is." Bumaling ang tingin ko kay Kristelle dahil sa sinabi niya. Her face is stoic, "He's with Daphne." Napangiwi ako pagkasabi niya. I'm too obvious. Wala akong pakialam.

"Nasaan sila?"

Umiling siyang nakatingin sa akin. My heart sank when she said, "I'm sorry, pero hindi ko pweding sabihin sa'yo."

**

Wala ako sa sarili ko habang gumagawa ako ng flares. Pabalik-balik kong tinitiklop ang palad ko sa tuwing may nararamdaman akong paglabas ng apoy doon. Para ako tanga habang nakatiim bagang at hinihintay ang pagdating ni Uryll. Fucking shit! What am I doing?

Get your shit together, Nathalia! I said to myself.

Gustong-gusto kong manabunot ngayon. Banas! Bakit ngayong araw pa?

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon