Chapter 59

888 24 1
                                    

Chapter 59: Limang Segundo

- Issa's POV -

"Oh my gosh! May takoyaki balls?!" I exclaimed as soon as dumating si Raymond sa table at dala-dala yung plate niya na may takoyaki. Umupo siya at tumabi sa akin. 

"Ha ha!" Bumelat sa akin si Raymond at nagsimula na rin kumain. Sumimangot nalang ako sa kanya at kumagat na rin sa sandwich ko. Bakit ba kasi hindi ko nakita na may nagtitinda ng takoyaki balls kanina?! Minsan lang kasi magbenta nu'n dito sa school kaya inaabangan ko 'yun. Favorite ko din kasi! Kaya lang, ayun, hindi ko nakita kanina kaya napabili nalang ako ng sandwich. Paubos pa naman yung pera ko! Tapos ininggit pa ako ni Raymond. Kainis talaga!

It's been almost three weeks since nag-birthday ako. Which means, three weeks na rin ang nakakaraan magsimula nagstart ang pasukan. How's everything? It's been really busy! Dahil mga seniors na kami, nandito na yung pinakamahirap na level ng lessons. Idagdag pa na nagrereview pa kami para sa mga entrance exams. May mga applications din na aasikasuhin. It's been really tiring, but then again... nag-eenjoy naman ako eh. I love studying! Haha.

Kumusta naman kami ni Dave pagkatapos ng hiniling ko nung birthday ko? I'm not so sure I could completely say that we're fine. Pero pagkatapos nung araw na 'yun, hindi na niya ako ginulo. He stayed true to his word of letting me go. He didn't bother me anymore. Hangga't maaari, hindi na niya rin ako kinakausap except for a few 'papasa ng ketchup' o 'pahingi ng one-fourth sheet'. Tumigil na rin siya sa pagyaya sa akin na sabay pumasok o umuwi. Hindi na rin niya ako tinitingnan.

At first, it was really hard for me. There were times when I feel like I'm regretting my decision to ask him to let go of me. I miss him... I miss him so much. Pero habang tumatagal, mas kinakaya ko na. Isa pa, busy na rin kami ngayon kaya hindi ko na rin siya masyadong iniisip. There are so much things to do in life other than think about him! Distance nga siguro ang kailangan ko.

Nagpapasalamat din ako dahil mukhang naintindihan ng mga kaibigan namin yung nangyayari. Raymond was the only one who asked, and of course, kinuwento ko ang nangyari. Sinabi lang niya na sana makabuti yun sa akin. But the good thing was, he never left my side. Lalo pa kami naging mas close ni Raymond dahil lagi kaming magkasama. Sinagot na rin kasi ni Claire si Justin kaya lagi na silang nagkasama! And I'm super happy for them! At syempre, laging magkasama si Dave at Miles. But Raymond's actually fun to be with. Sometimes, I think we could just be the best of friends!

Kaya thankfully, naging okay naman ako. Although I couldn't completely say that I don't love Dave anymore. Ganun pa rin. Kahit na magkalayo na kami, hindi ko pa rin alam kung paano tumigil magmahal sa isang tao. Paano nga ba? Posible nga ba 'yun?

At ngayon, nasa cafeteria kaming apat - Raymond, Dave, Miles at ako. Kakatapos lang namin mag-study session at nagutom kami kaya napagdesisyunan naming magmeryenda dito sa caf bago kami umuwi. And thus, my bitterness over not being able to eat takoyaki balls!

Kaya tinuloy ko nalang ang pagkain ko ng sandwich at nakinig sa pagkukwento ni Raymond tungkol sa pagkakaroon ng crush ng kapatid niya. Tawa nga ako ng tawa dahil ang protective niyang kuya! Haha.

Parang kami nga lang ang nagkukwentuhan ngayon eh. Dave is quiet, katulad ng dati. Hindi naman siya talaga palakwento, lalo na ngayon na hiniling ko pa na maglayo muna kami. But Miles is unusually silent. Madalas kasi siya yung tawa ng tawa at comment ng comment. Pero ngayon, tahimik lang siyang kumakain ng sandwich. Actually, it's been going on for days. Madalas siyang tahimik kapag magkakasama kami. Tinanong ko siya kung anong problema pero ngumiti lang siya sa akin at sinabing wala naman. Mukhang ayos din naman sila ni Dave. Sabay pa rin silang pumapasok at umuuwi at nakikita ko silang nag-uusap at nagngingitian. Ano kayang meron?

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now