Chapter 44

1M 21.9K 7.2K
                                    

Chapter 44

Umuwi na ako mag isa pagkatapos kong mabasa yung text ni Tripp. Wala ako sa mood makipagusap sa kanya tungkol sa mga jokes niya.

"Alys, honey, what's wrong?"

Nagulat ako nung nakita ko si Tita Liana sa bahay namin. Namiss ko siya! Parang second mom ko na din kasi siya dahil fiance siya ni Dad. Super bait niya!

Umiling ako, "wala po. Bakit po kayo nandito?" I asked.

Ngumiti siya sa akin tapos tinuro niya yung mga paper bags na nagkalat sa living room namin. "I just landed from SG. And I'm very excited to give you your pasalubongs!" Sabi niya. Mejo slang magsalita si Tita Liana since Half-German siya.

Hinug ko siya, "wah! Thanks, Tita!"

She patted my head, "no problem, kiddo. Where's your mom?"

Nagshrug ako. Baka kasi nasa office si Mommy. Hapon pa lang kasi, mamayang pagabi pa yun uuwi. Pati si daddy. All alone ako sa bahay, buti na lang napadaan si Tita Lian.

She winked at me, "good, then. You know I can't handle your mom." Then she laughed. True kasi! Hindi sila magkasundo ni mommy sa kahit na anong bagay! Pareho naman silang mabait, maganda, tapos medyo related din yung trabaho nila since designer si mommy tapos event coordinator si Tita. Weird.

Naupo kami sa tabi ng fish pond sa garden. Ewan ko ba kung bakit may fish pond sa bahay namin. Minsan kasi hindi ko maintindihan trip ni daddy sa buhay. Siya kasi nagdesign ng bahay namin kaya ang weird ng bahay namin.

Naalala ko, buti na lang nandito si Tita Liana kasi at least hindi ako mag-iisa. Pag nag isa kasi ako, malamang sa malamang iiyak lang ako. At ayoko ng umiyak, please lang. Hindi ako nabuhay ng 17 years para umiyak ng umiyak lang.

"So?" Tanong ni Tita Liana.

"Ano po?"

She poked me, "come on, kiddo! Your dad told me you got yourself a boyfriend. Wanna talk about him?" Tapos nginitian niya ako ng parang nanunukso. Napaka chismoso talaga ni dad nakakainis!!

"No, tita. Hindi ko boyfriend si Tripp," sabi ko. Kainis. Bakit ba ini-issue kami ni Tripp? Duh! Pinsan niya kaya si Drake! Ano ko? Palipat lipat lang sa magpinsan? Nakakaloka!

She pouted omo napaka cute!! "Why? Cy told me Tripp's a nice guy."

Ew. Kasuka suka!!

Nagsmile na lang ako para iwas chismis oha! "No, Tita. He's super mean!!"

"Oh? Tell me about him!"

Ayun nga, nagkwento ako kay Tita Liana tungkol sa wonder adventure namin ni Tripp. From day 1 to the present. Kahit anong pilit kong iwasan yung topic tungkol kay Drake, napupunta pa din dun. Parang inevitable? Ganun. So sa huli, dun din ako natapos sa nakakapangambang text ni Tripp. Ano ba meaning niya?! Joke as in siya na lang? Joke niya mukha niya kakainis!!

Nagnod siya. "You know? For once, I agree with your Dad. Tripp seems nice. Why don't you just dump your ass of a boyfriend and move on with Tripp?"

Natigilan ako dun. Kahit na sobrang sama ni Drake sa akin, hindi ko maisip na iwan siya. Sobrang nabigla lang talaga ako kanina kaya nasabi ko yung tungkol sa break up... Sabihin niyo na na masokista ako pero hindi ko talaga kaya... Drake's a part of me. Kahit na mean siya or sweet siya, mahal ko siya. Ganun naman yun, di ba? Loving someone means loving him completely and unconditionally.

Umiling ako kay Tita, "no, hindi ko po kaya eh."

Nakita ni Tita na nangingilid na naman yung luha ko. Nung na feel ko na maiiyak na ako, napatingin ako sa paligid ko! Mamaya kasi nandyan na naman si Tripp tapos bigla maka receive na naman ako ng weird na text niya! Swear minsan natatakot na akong magbukas ng messages dahil sa kanya.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon