BMDN Chapter 52

132K 2.8K 218
                                    

"Catch mo to kuya.. Weeee!"



Natigil sa pag tatype sa kanyang laptop si Spencer at tinignan ang dalawang batang nag lalaro sa loob ng kanyang opisina. Schedule nya ngayon sa mga bata at Isinama nya sa trabaho ang dalawa dahil gusto nyang makasama ang mga ito, gusto nyang bumawi sa mga pag kakataon na hindi nya ito nakasama. Hanggang ngayon ay hindi sya makapaniwala na may anak sya, wala syang alam sa nakalipas na taon. Nakaramdam sya ng galit ng malaman na may anak sila ni Nina pero hindi agad pinaalam sakanya, pero inuna nya ang unawain ito kaysa paunahin nanaman ang galit nya. Alam nyang nasaktan nya ito kaya mas pinili nitong huwag ipaalam sakanya ang tungkol kay Styler at Scarlet at naiintindihan nya iyon.

Nag sisisi sya na inuna nya ang galit nya noon kaya eto ang kinalabasan. Sya rin ang nasasaktan sa mga katangahan nya, sa pagigibg makitid ng utak nya. Kung sanang inintindi nya ito, nakinig sa mga paliwanag nito ay baka kasama nya ito noong mga panahong nag bubuntis ito. Na sana hawak nya ang kamay nito habang sinisilang ang mga anak nila. Pero kahit na anong pagsisisi ang gawin nya hindi ngayon wala na ring mangyayari. Nag papasalamat nalang sya kay Nina na kahit nasaktan nya ito ay hindi nito tuluyang inilayo sakanya ang mga anak nila.




"Dad! Catch"




Agad nyang sinapo ang bolang ibinato ni Styler sakanya, tuwang tuwa naman na nag tatatalon si Scarlet sa tabi nito. Si Brinella Scarlet, kaya pala may naramdaman syang kakaiba noong nakita nya ito sa Mall noong minsang mahiwalay ito kila Nina. Naalala nya noon si Kisza dahil malaki ang pag kakahawig ng mga ito, nakuha ng dalawa ang mata at ilong ni Nina. At si Styler, nakikita mya ang sarili dito noong bata sya, halos lahat dito ay nakuha sakanya.




Napangiti sya habang nakikita ang dalawa kung paano ginugulo ang opisina nya, nakakalat ang ibang papel at ang ibang gamit sa kanyang opisina ay nakakalat na rin kung saan saan. Halos na basag na rin nila ang ilang untique base, pero bali wala sakanya yon dahil masaya sya habang kasama ang mga anak. Sayang nga lang at masa school pa si Kisza at hindi nya ito naisama, alam nyang alam na ni Kisza ang tungkol sa kambal inaasahan naman nya iyon dahil inasahan na niya na pag balik ni Nina ay si Kisza agad ang pupuntaha nito. Masaya rin sya na okay na amg dalawa, aaminin nya noong una na gusto nya ang nararamdamang galit ni Kisza sa totoong ina. Dahil pakiramdam nya ay may kakampi sya, na makakaganti sya dahil sa ginawa nitong pag pasok sa buhay nilang mag ama. Pero napatunayan nyang mali sya, maling mali sya at napakalaking katangahan ang naisip nyang iyon.





"Sir, si Mr Wayland po nasa labas" ani ng kanyang sekretarya,



"Sige, papasukin mo" aniya saka ibinaba ang telepono. Si Pierre Wayland ay pinsan nya at ang best friend nya, si Pierre ang nakinig sa lahat katangahang nagawa nya kay Nina noon. Alam nito kung paano sya nag sisi sa lahat ng nangyari at dito rin sya humingi ng tulong upang mahanap si Nina, pero katulad ng sabi nya may humaharang sa lahat ng inuutusan nilang mag hanap dito.

Naalala nya ang sinabi nito ng minsan, 'Kung marunong kang mag mahal dapat ay marunong ka ring makinig. Hindi puro katangahan at galit ang inuuna' anito sakanya saka sya sinuntok ng dalawang beses sa mukha. Alam nyang tama lang sakanya ang ginawa ni Pierre noong mga araw na iyon, alam nyang kailanga nya iyon o kung maaari nga lang ay mas matindi pa sa suntok na ibinigay ni Pierre ang makuha nya.





"Watch out!" sigaw nya kay Pierre, pero huli na dahil tinamaan sya ng bola na binato ni Scarlet. Sapul ito sa ilong.



Tumakbo si Scarlet papunta sakanya at nag tago sa likod ng swivel chair nya. Napatingin muli sya kay Pierre na nakahawak parin sa ilong nito na tinamaan ng bola, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya at sa anak nyang nag tatago sa likod nya.






Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon