[39] Tonight, I've fallen. And I can't get up.

6.2K 88 38
                                    

Chapter Thirty Nine 

NORMAL POV

Nasa Neverland pa rin sila Patch at Sage. Tuloy sa pagkukwentuhan sila Sol, Regine (na kasalukuyan ng kumportable sa isa’t-isa), Jessica, Corriel, Ruselle, Patch and Sage. Ngunit mas dumoble ang pagbabantay ni Sage kay Patch dahil may mga pares ng mata pa rin ang nakatitig sa kanya. Kanina pa nga niya sinasaamaan ng tingin ang mga lalaki na hindi naman kalayuan.

“Hey.” Bulong ni Sage kay Patch. “I would love to pull out their eyes.”

“Huh?” Naguguluhang tanong ni Patch.

Napailing na lang si Sage. Bakit ba laging unconscious si Patch sa mga nangyayari sa paligid niya. Hinaharass na siya ng ibang mga lalaki sa utak nila pero si Patch, wala pa ring alam.

“Those bastards are staring at you. Gusto mo ba sapakin ko na?”

That hit her. Napatingin ulit siya sa mga lalaki kanina at nakatitig pa rin ito sa kanya. Lalo na yung isa na mukang lider ng grupo. “Wag na! Baka magkagulo pa.”

“Aba’t magkakagulo talaga kapag hindi ka nila tinigilan.”

“Guys!” Natigil ang pag-uusap nila nang magsalita si Ruselle. “Hindi ba talaga kayo couples? Bagay kasi talaga kayo!”

Patch blushed. “We’re not, really. Just friends.”

“With benefits? Haha.” Natawa sila sa sinabi ni Corriel.

“Haha. Hindi ah.” Pigil tawang sabi ni Sage. “Sabihin na lang natin na ang bestfriend ko ang ka-PBB Teens ni Patch.”

Namula na naman si Patch dahil naisip niya agad si Lewis. Pero bumawi agad ito ng asar. “At ang bestfriend ko naman ang ka-PBB Teens ni Sage.”

“Wow! Cool love story!” Amused na sabi ni Jessica.

Namumula na rin ang tenga ni Sage. Alam na kaya ni Patch na may gusto siya kay Aicel? Na hindi lang niya basta gusto ito dahil mahal niya ito. If ever na alam nga ni Patch ang tungkol dito, he can trust her with his feelings. Afterall, Patch trusted her kanina nang tanungin niya ito kung mahal na niya si Lewis.

“Patch, CR lang ako ha.” Paalam ni Sage kay Patch.

Tumango ito at tumayo na. Pero bago pa man siya umalis, nagbilin agad ito kay Patch. “Patch, don’t drink. Huwag kang aalis dito, don’t talk to strangers and don’t remove my jacket.”

Natatawang tinulak ni Patch si Sage. “Oo na. Go ahead!”

Umalis na nga si Sage. Hindi siya familiar sa bar na ito dahil lagi siyang nasa Pacific kaya medyo nahirapan siyang hanapin ang comfort room.

xxx

PATCH

There is this one guy who keeps on glancing at my direction (or maybe me). Nahahalata na iyon nila Ruselle, Regine at Jessica kaya inaasar nila ako. Isa siya sa mga lalaki na kanina pa malagkit ang tingin sa akin. He must be the leader of that group of boys.

“Oh my god! Grey is staring at you, Patch.” Siniko ako ni Jessica na halatang kilig na kilig. “Ikaw na, girl! Haba ng hair. Nag-rejoice ka ba, girl?”

“I used Sunsilk.” Sarcastic kong sabi sa kanila.

The three girls frowned at me. “Hindi ka ba kinikilig? Grey is so handsome! Heartrob siya sa school namin. You must be lucky. You got his attention.” Said Ruselle.

“The hell is Grey? Wala akong pakialam kahit maging Blue pa siya or Green.”

“Gregory Anderson is a total hottie. Normally, dapat kinikilig ka sa kanya. Babae ka ba talaga?” Nagtatakang tanong ni Regine sa akin.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon