CG#20

1.9K 47 11
                                    

Someone's P.O.V

"Any news?" Tanong ko sa aking tauhan na halos maglupasay na sa panginginig dahil sa takot.

Am I that too scary? Well, I dont care.


Nakaupo lang ako dito sa dulo ng malawak kong silid aklatan, nakalapag sa aking harapan ang mga papel na kailangan kong asikasuhin sa bussiness at sa organisasyon.

Humigop muna ako ng kape na di man lang pinuputol ang tingin sa kaharap.

"We found out that she is still alive, Sir." Sagot niya.


Great. Bumuntong hininga ako.

Should I'll be thankful, because she's still alive and breathing? Eventhough, I already expected it. After that bloody accident, her body was nowhere to be found. So I conclude.

"Where to?"

"Somewhere back in Manila, Philippines Sir."

Tumango tango ako. Should I follow her? And will be back to that country again, after a years? Well, I have a lot of time for that. But not now.

I need to fix some fucking problems to make things easier. Those bastards are crossing my line. I need to eliminate them first before I have her, before they will knew and harm her. She's the only person that I have.

Natrauma na ako sa nangyare three years ago. Kaya habang humihinga pa ako, gaganti at iiwasan ko ulit ang ganung sitwasyon. Sitwasyong bumawi at nakakitil ng buhay ng iba.

"Send some agents to guard her. You need to protect her from any harm as long as possible."

"Yes Sir. But we have still a problem Mr. Sullivan." Aniya. Na nakapagpakunot sa noo ko.

Bahagya pa siyang napasinghap.

What now?

"I think she can't remember anything, Sir."

Jia's P.O.V

"Letse kang unggoy ka! Eto sayo!" Sabay hampas sa kanya ng unan dito sa couch.

Tawa lang siya ng tawa na parang di man lang nasasaktan sa mga hampas ko. Buong lakas at effort ko na ang ibinuhos ko sa paghampas sa kanya, tapos di man lang nasasaktan?! Aba't mas nanggigigil ako tuwing naiisip yun.

Nakaupo siya habang ako nasa harap niya at nakatayo.

Hindi pa ako umuuwi dahil pinapasabi ni Radon sa maid na hintayin ko muna daw siya. Kaya ganun nga ang ginawa ko. Si Norika naman, kanina pa nakaalis. Buti pa ang masungit nayun.

"Ako pa sayo, titigil na ako. Di man lang masakit. Parang hampas ng pabebe lang eh." Aniya. At tumawa ulit kaya pinaghahampas ko na naman.

Buwisit talaga tong lalaking to! Imbes ako pa yung makaganti sakanya, ako tuloy ang laging naaasar sa huli!

Mas lumapit ako sakanya para mas mahampas pa siya ng todo.

At sa di inaasahang pagkakataon, biglang akong natalisod sa mga paa ni Van at ang naging resulta ay naglanding ako sa katawan niya.

Napapikit ako at hinintay ang masakit na impact ngunit marahan lang ang naramdaman ko.

Napadilat ako , at ganun na lang kung man laki ang mga mata ko nang sobrang lapit pala namin sa isa't-isa. At sad to say. Ilang sentimetro nalang ay magkakahalikan na talaga kami. Naramdaman ko pa ngang nakapulupot din ang magkabilang braso niya sa bewang ko.

Nagkatitigan kami. Seryoso lang ang titig niya ngunit di rin malamig. Habang ako, parang di makaget over at inaabsorb pa ang nangyayare.

Spell akward. Pareho kaming tahimik eh.

Contract Girlfriend Of Mr. Mafia Boss (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon