Chapter 4 : Sole Way

84.7K 2.6K 356
                                    


[ R E N N E I ' S  P O V ] 




"W-what?" tangi kong nasambit matapos maproseso ng utak ko ang mga salitang binitawan ni Marc. Is he insane? Him? Has feelings for me? What the heck?! 



Mula sa pagkakatalikod ay napagdesisyunan kong harapin siya at komprontahin siya tungkol sa mga sinabi niya. Nais ko mang tanungin siyang muli kung ano ang mga nakakabingi niyang sinaad ay hindi ko rin magawa. Dahil ito sa kadahilanang alam ko at narinig ko ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. 



I am suppressing myself to hug him and tell him about these butterflies inside my stomach. I can't speak about these fluttering feelings everytime I see him and talk to him. Just like a wind, he came into my life swiftly. Just like a wind, he was able to pass through me. Just like a wind, he was able to sway my stoned heart. And just like a wind, I must ... I must ignore him. 



Pagkaharap ko ay natagpuan ko ang eksistensya niya sa harapan ko. Nakatitig ng malalim sa walang kasing itim na mga mata ko. I didn't see that coming. I never expected that those eyes will finally look at me. I tried to pull myself altogether. Hindi dapat akong manghina. Hindi ko dapat ipakita ang kahinaan ko. Gamit ang madaling pagpulot ng mentality ko sa sitwasyong ganito ay ibinalik ko sa normal ang ekspresyon ng mukha ko. Mukha na nakasanayan na ng lahat na makita. Ang mukhang alam nila ay pagmamay-ari ng isang Renneisme Martin.



"I said, I have feelings for you. Don't you feel the same for me? Rennei, eversince I had you in my life, I was able to confront any trouble on my path. You're the only girl who can understand me. The only girl who can see through me. We've been together a lot." he said softly. 



Alam kong sa kaduluduluhan ng mga makikinang na mata na tinitignan ko ngayon ay ang kaba at takot niya. Pakiramdam na nabuo dahil sa kasalukuyang reaksyon ko. Kung pwede lang, gusto kong yakapin siya at sabihin lahat pero wala akong magawa kundi iligtas siya sa mas masakit na kakahinatnatan. 



"Marc, I can't." how could I ever say what's on my mind? How could I ever hurt the man I love? And how could I ever scream the name that my heart desires? 



"You can't? What do you mean? May iba ka bang gusto? Am I not good enough for you? T-Tell me, what's wrong? I can improve, you know." he is panicking. No, I hate seeing him like this. 



"It's just that ... ugh. I think you should go home now. I'm not in a good condition to talk about this. Can you please give me a little time?" I didn't wait for his answer. I just did what my feet told me to do. I walked as fast as I can. I forced myself not to look back because I may not be able to stop myself ever again once I look back. 



Wala akong narinig na kung ano angal sa kanya. Walang kamay ang pumigil sa akin sa paglalakad at wala ring kamay na nag-abalang pigilan ako sa pamamagitan ng pagpigil sa balikat ko. Pero hindi ko naman ikinadismaya ito. Bagkus, pinasalamatan ko pa ito. Sa mahabang pag-iisip ko kanina pa ay siguradong imposible nga na wala akong maisip na paraan para matulungan si Alexandria. May isa akong paraan na naisip. Ang paraan na naisip ko na siyang dahilan kung bakit isinantabi ko ang sarili kong kasiyahan. Kaso wala akong ibang choice dahil nag-iisa lang ito. 



Imbes na pumasok sa loob ng mansyon ay pinili kong magpunta sa may garahe namin at kumuha ng kahit anong susi sa may drawer na naroroon. Isang itim na kotse ang nakuha ko at sinakyan ko. Pagkapasok ko sa loob ay inayos ko na ang seatbelt ko at saka pinapalabas ang sasakyan na dala ko. I texted Fiacre and Dereen so that I can inform them about my plan. This risky plan. 



We decided to meet on one of our family's hotels. Naging maingat rin ako kung sakaling masundan ako ni Marc tulad ng ginawa niya kanina. Pumili ako ng isang VIP room na soundproof at isang rare choice. Pagkarating ko ay inabot ko sa isang assistant ang susi ng sasakyan ko upang siya na ang magpark nito sa helera ng iba pang mga kotse ng mga guests. Kilala naman na ako rito kaya naman binabati ako ng mga empleyadong nadadaanan ko. Hindi ako gumamit ng elevator. Instead, I used the fire exit way. Nasa 4th floor lang naman ang kwartong pinareserved ko kaya kakayanin ko naman na akyatin na lang ito gamit ang hagdan. 



Nang nasa harapan na ako ng napag-usapang kwarto ay agad na akong pumasok at isinarado ang pinto. Doon ko nakita ang dalawa kong matalik na kaibigan na nagsasalin na ng red wine sa mga wine glasses nila habang nakadekwatrong nakaupo at nakatingin sa abalang daloy ng trapiko sa labas. 



"Pinaghintay ko ba kayo?" pagtatawag ko sa kanilang pansin. Agad naman silang napalingon sa direksyon ko at naibaba na lang nila ang mga basong hawak nila. 



Naglakad ako papalapit sa kanila at saka hinatak ang natitirang upuan na hindi pa okupado at doon na umupo. Nakatingin lang sila sa akin na siyang hindi ko naman na pinansin. Inabot ko na lang ang bote ng red wine at naglagay din sa wine glass ko. Mabilis kong nilagok ito at saka ipinatong ang baso sa lamesa. 



"May problema ba?" pambungad sa akin ni Fiacre na naiinip lang na tinignan ang basong ininuman ko. Napabuntong hininga naman ako dahil sa tanong niya. Marami. 



"May naisip na akong paraan para hindi magamit ng council na iyon si Alex kung sakali ngang makuha siya ng mga ito." pagbubukas ko ng usapan na gayun din ay ang pag-iiba ko rin ng usapan. 



Nawala naman tuloy ang atensyon nila sa alak at napatingin sa akin bigla. May nag-aalalang mga mukha sila habang naghihintay ng sagot mula sa akin. 



Right. This is the only way to lessen the pain and suffering in the near future. The only way to at least reduce the chaos which might come when this council interferes. And so, if there's only one way to do it and to save our fate, then I'll risk everything even if it means my life.








"Let's get infected as well. If we were able to handle 'Escape', I'm sure we can manage to have that blood disease on us, am I right? If she'll die, we'll die." 






****

A/N: Hindi ko muna ilalagay pala 'yung ibang stories ng characters. Basta sa mga susunod na lang~ Sorry sa matagal na update. Busy lang po talaga :( Salamat po sa patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa mga stories ko! ^.^ God bless! 


Please join to our group of readers in facebook! www.facebook.com/groups/ARECamp

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon