BMDN Chapter 55

127K 2.7K 244
                                    

Tatlong oras ang naging byahe namin papuntang Allergen, maaga ang naging pag alis namin sa syudad dahil walang pasok si Kisza ngayong friday kaya imbis na sa hapon ay umaga na kami umalis para masulit na rin ang dagat. Si Scarlet at Styler ay nakatulog habang nasa byahe, kandong ko si Styler at nakahiga naman si Scarlet sa backseat at nakaunan sa hita ng ate nya.




Huminto kami sa tapat ng malaking bahay, at sa bakuran ay nakita ko ang binata ng si Artemis kasama ang cute na si Daenerys. Bumaba ako karda ang natutulog na si Styler, si Spencer naman ay binuksan ang backseat at kinuha si Scarlet.




"Kuya!" Pag kuha ni Kisza sa atensyon ni Artemis. Agad namang ngumiti ang huli ay tumakbo papunta samin habang hawak ang kamay ng babaeng kapatid. Nakakatuwa lang dahil may binata na si Kallen at Pierre.



"Hello Kisza! Hello din Tita, Tito" aniya ng makalapit samin.





"Where's your Dad, Artemis?" Tanong ni Spencer,


"Nasa loob po pinapatulog si Vinerys" aniya.


"Sino po yan?" Tanong ni Daenerys.




"Sya si Styler tas yung karga ni Daddy si Scarlet, kambal sila. Pagkagising nila mag lalaro tayo" ani Kisza. Sunod sunod na tumangon si Daenerys saka kami hinatak papasok sa loob.




Walang nag bago sa mansion, ganito pa rin ang itsura nito noong unang punta ko dito. Umakyat kami sa second floor para ilapag ang dalawa sa kama.


"Mag pahinga ka muna" ani Spencer bago lumabas, huminga ako ng malalim saka pumunta sa bintana at hinawi ang kurtina. Bigla akong nasabik ng matanaw ang kulay asul na dagat, pumunta ako sa sliding door na nag dudugtong sa kwarto at terrece ng bahay. Napapikit ako ng salubungin ako ng malamig na hangin, ganito ang masarap sa ganitong probinsya sariwa ang hangin at walang halong polusyon hindi katulad sa syudad.





Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Kisza at Daenerys sa likod nila ay si Kallen na malaki ang ngiti ng makita ako.


"Hi" aniya, napangiti ako. Isa si Kallen sa masasabi kong naging kaibigan ko kahit na ilang beses ko pa lang sya nakikita. Napatingin sya sa kambal na natutulog sa kama bago lumapit sakin at bumeso.




"Kamusta?" Tanong nya,  saka upo sa upuan na nasa terrece


"Ayos lang, ikaw? parang hindi apat ang anak mo ah" natatawang sabi ko, naalala ko ng huli ko syang makita ang laki ng tyan nya dahil pinag bubuntis pa lang nya ang bunsonya pero ngayonpara syang hindi na nganak ng apat.



"Ikaw rin naman parang hindi ka nanganak ng tatlo" aniya, napailing ako.




"Nakwento sakin ni Pierre ang nangyari sa inyo ni Spencer three years ago" aniya, nakinig lang ako kahit alam ko na ang sasabihin nya.





"Nagulat ka ba?" Tanong ko.



"Slight lang, natatandaan mo yung humingi ka ng opinyon sa pag papaampon ng anak? Alam ko malapit sayo ang taong may pinag daanan ng ganon, pero sumagi na rin sa isip ko na baka ikaw iyon pero ayoko lang pangunahan ka." Aniya, saka huminga ng malalim. Pareho kaming natahimik at parang pinapakiramdaman lang ang isa't- isa.






"Alam mo may mga bagay na kayang gawin ang ina na hindi kayang intindihin ng iba. Lahat ng ina kayang gawin ang lahat para sa mga anak nila, kaya nilang mag hapong mag trabaho para lang may mapakain sa anak nila kaya naiintindihan ko ang ginawa mo." Aniya, tumingin ako sa kanya at nakita ko ang saya sa mata nya.





Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon