Chapter 21 "Cortez"

103K 3.6K 1K
                                    

a/n:Dedicated kay Reyndom.

Lyra's POV

"So....anong ginagawa natin dito?"

Nakataas ang kilay na tanong sakin ni Kuya Ken.Nandito kami ngayon sa isang cafe.Present si Ate Nicka,Kuya Ken,Kuya Mirco,Alexa at Louie.Pinapunta ko sila dito dahil sa iisang dahilan.

"Pag-uusapan natin ang birthday ni Kuya."-Ako

Ilang minuto muna silang natahimik bago isa-isang nagreact.

"Woah!Muntik ko ng makalimutan!Sa isang linggo na nga pala yun!"-Kuya Ken

"Ow!Birthday ni Liryu?Anong gagawin natin?"-Ate Nicka

"May party ba?"-Alexa

Nanatili lang na tahimik si Kuya Mirco at Louie.Bakit nga ba mukhang ang tahimik ngayon ni Louie?Tsaka...bakit kanina pa sya tinitignan ni Kuya Mirco?

"Lyra?"

I snapped when Alexa wave her hand in front of me.

"A-ah ano na nga yun?Ah oo.Yung party!Yes,may party."

Kinuha ko sa bag ko yung mga invitation at iniabot ko yun sa kanila.Nung ibinibigay ko na yung kay Louie,hindi nya kagad inabot kasi nakatulala sya kaya mahina kong pinitik sa noo nya yung invitation.Dun lang sya parang natauhan at wala sa sarili na kinuha yung hawak ko.

"Ano bang problema mo?"

Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.Nakakainis na kasi.Bakit ba mukhang lutang ang kaluluwa nya ngayon?Tsk.

"Wala.Don't mind me."-Louie

Inirapan ko na lang sya at ibinalik ang tingin ko sa ibang kasama ko.

"So,what's our plan?Anong ireregalo nyo?"-Ako

"Ako,may naisip na ako.Ewan ko na lang sa inyo."-Kuya Ken

"Ano naman yang naisip mo,Kuya Ken?"-Alexa

"Hm...bibigyan ko sya ng isang special chocolate cake.Hahahaha!"

"Tss...Mukhang chocolate talaga."-Ate Nicka

"Palibhasa,marunong kang mag-bake,Kuya Ken."-Ako

"Ikaw,Lyra?Anong ireregalo mo?"-Alexa

"Si-kre-to."

Kumindat ako habang nakangiti.Ayoko ngang sabihin sa kanila.Baka gayahin pa nila yung regalo ko.

"Si Sai?Bakit wala dito?"-Kuya Ken

Humigop ako ng kape bago ko sya sinagot.

"Tinawagan ko sya kanina pero hindi sya sumasagot.*shrug*Busy siguro si Ate."

Napakibit-balikat na lang din sila.Nag-usap pa kami tungkol sa iba't-ibang bagay.Tungkol sa kung saan gaganapin.Kung may mga sikat ba na imbitado.Kung anong isusuot namin.Nagkasundo na nga rin kami na sabay-sabay kaming bibili ng damit.

Habang nag-uusap kami,hindi ko maiwasang tignan si Louie at Kuya Mirco.Tahimik lang sila.Tulala si Louie at nakatitig pa rin sa kanya si Kuya Mirco habang nakahalukipkip.

Sandali nga....May nangyayari bang hindi namin alam?May away ba tong dalawang to?

Nung magsasalita na sana ako para tanungin yung dalawa,biglang nagsalita si Kuya Ken.

"Lyra,aalis na kami ni Cola.May appointment pa to sa ophtalmologist nya eh."

"Huh?Ngayon ba yun,Choco?"-Ate Nicka

"Geez...Kinalimutan mo na naman?Opo.Ngayon po yun,4 pm.Tara na.Baka ma-late pa tayo."

Inalalayan ni Kuya Ken si Ate Nicka na makatayo.Napapangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon