Chapter 46

1M 22.8K 9.9K
                                    

Chapter 46

Natapos na yung reunion nila pero kami ni Drake, magkasama pa din. Siguro dahil na din ayaw akong paalisin ni Tito Steve at nagdemand siya na dito na ako magdinner. Either way, ayoko pa din namang umuwi. Gusto ko pa dito, kasama ng boyfriend ko. Ang tagal naming hindi nagkasama eh. At isa pa, marami pa kaming dapat pag usapan.

Ayoko na patagalin pa 'to kaya dapat ayusin na namin. Baka kasi lalo pang lumala kung papalipasin namin. Seryoso ako nung sinabi ko na gusto ko si Drake. Gagawin ko yung best ko para magtagal kami.

"What are you thinking?" Tanong sa akin ni Drake. Nandito kami sa garden nila, tinitignan naming isa isang mag alisan yung mga kamag anak nila.

Umiling ako. "Wala. Namiss lang kita."

Ngumiti si Drake kaya sobrang nanibago ako. Madalas kasi, ang sasabihin sa'kin niyan ay 'Tss'. Medyo improving na siya ngayon.

Nilagay niya yung kamay niya sa ulo ko at ginulo yung buhok ko. Ganun talaga. Ibig sabihin nun, namiss niya ako! Hindi kasi talaga vocal si Drake. Dapat tanggapin ko na yun. Aba kung kami talaga forever, dapat tanggapin ko na yung mga disabilities niya noh!

"So, san ka busy ngayon?" I asked him. Busy ba siya kay Shaira kaya nakalimutan niyang buhay pa ako?

"School, stuff. The usual."

Tumingin ako sa kanya. "Drake?"

"Hmm?"

Hinawakan ko yung mukha niya at tinignan ko ng maigi yung mata niya. "Please wag mo na akong paiyakin, ha?" Baka kasi totohanin ni Tripp yung joke niya, natatakot ako...

Nilagay niya yung mga kamay niya sa taas ng kamay ko. "Promises are meant to be broken so I'll just try."

I smiled back at him. Try? Siguro sapat na yun.

Nagstay kami ng ganun for like 15 minutes. Namiss ko yun! Ang dami kong namimiss pag wala si Drake. Namimiss ko yung Tss niya, yung pag irap niya, yung paglait niya sa akin. Basta! Ang dami kong namiss. Feel ko tuloy hindi ako kumpleto pag wala si Drake sa tabi ko... Masama na ba yun?

Bigla kong naalala na itatanong ko pa nga pala yung tungkol sa debut ko!

"Drake?" Tumingin siya sa akin kaya nagtanong na ulit ako. "Pwede ka bang maging escort ko sa debut?" I asked him, half praying na sana pumayag siya! Syempre iba pa din pag si Drake ang partner ko!

He shrugged.

"So ano yun? Yes or yes?"

*U*

Sana yes!! Iba pa din pag boyfriend mo ang escort mo! Magiging A Night to Remember yung debut ko!

"I'll say yes if you promise me one thing," he said then he held my hand! OMO Kinikilig na naman ako!! Nakakalimutan ko na talaga yung galit ko!! Nagnod na lang ako kasi... yun na lang yung kaya kong gawin sa mga panahon na sobrang kinikilig ako kay Drake!! "Stop talking to Tripp."

O_________O

"HA?"

"I said, stop talking to Tripp."

"Hala? Bakit??"

Nagshrug siya.

"Pano ko siya iiwasan kung... siya lang yung lagi kong kasama?" Sabi ko sa kanya. Eto na. Naffeel ko na na magkakaroon kami ng seryosong usap. First time to!

Natahimik kami ng ilang segundo. Siguro iniisip niya din ang sasabihin niya. Ang hirap na kasing magsalita ngayon ng pabigla bigla. Hindi mo alam yung sinasabi mo, nakakasakit na pala ng iba. Mas mabuti na yung matagal na sagot para at least kahit na masaktan ka sa maririnig mo, alam mo na yun talaga. Hindi yung nasaktan ka dahil lang nabigla siya sa sinabi niya.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon