Kabanata 64

1.6M 39.8K 18.1K
                                    

SPG: Sa kalandian. hahaha!

--------------------------------------

Kabanata 64

Wa'g na Lang

"Pupunta tayo dun para makita nilang hindi nila tayo kayang paghiwalayin. Kailangan nilang malaman na pagkatapos ng paninira nila, tayong dalawa parin. Na walang makakapigil satin." Sabi ni Jacob.

Nakumbinsi niya akong pumunta ng Alegria pagkatapos ng finals namin. Paparating na rin kasi ang birthday niya. Nagpapa-party yung daddy niya tuwing birthday niya kaya kinailangang umuwi. Gusto niyang isama ako saan man siya magpunta.

Driver nina Jacob ang naghatid samin sa Alegria. Siyam na oras ang papunta doon kaya mahaba-haba kaming nakaupo sa likuran.

Inanyayahan namin si Maggie at James na pumunta pero busy sila kaya kami lang dalawa ni Jacob.

"Rosie..." Sumandal si Jacob sa balikat ko.

"Hmmm?"

"Ang bango mo talaga." Inamoy niya ang leeg ko.

Kinurot ko na at sumulyap sa driver. Kainis ang pagiging PDA nito.

"Aray!"

Napangiti ako.

"Ito naman oh, naglalambing lang naman ako. Lagi na lang tayong nag aaway eh kailangan ng lambing." Aniya.

Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Kainis talaga! Bakit natatawa talaga ako sa kanya? Haaaay!

Yinakap ko siya pagkatapos kong tumawa. Mahal na mahal ko talaga siya, sobra. Natakot ako nung huling away namin. Akala ko siya ang ama ng pinagbubuntis ni April. Gusto ko na siyang iwan pero hindi ako readyng iwan siya. Kung sakaling mangyari ulit yun, ewan ko na lang.

Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at ngumisi sa ginawa niya.

"Pinangako ko sa sarili kong hindi na ulit ako uuwi ng Alegria kung hindi kita kasama." Bulong niya sa leeg ko.

"Eto na nga diba, kasama mo na ako." Napangiti ako.

"Pakasal na tayo, Rosie? Tingin ko magkakaheart attack na ako kung may humadlang o may mangyari pang masama eh." Aniya.

"Hmm? Ayoko! Bata pa tayo. Marami pang mangyayari. Mag aaral pa ako."

Kumalas siya sa pagkakayap niya sakin at itinaas ang ulo para magkatinginan kami.

"Ano pa bang pwedeng mangyari? Ayoko na. Gusto ko na lang mamuhay kasama ka. Yun lang. Wala ng mangyayari. Baka mamaya makahanap ka pa ng iba. Baka mamaya kayo pala ni Karl. Baka mamaya may makilala kang iba. Rosie, hindi ka ba natatakot?" Tanong niyang seryoso.

Napatawa na naman ako. Ang cute niya talaga.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon