chapter 24

469K 15.6K 3.9K
                                    

Chapter 24


[Timi's POV]


"Oh my gosh Stan!!"

Napahawak ako bigla sa braso ni Stan nang bigla niyang suntukin si Ice.

Halos mapatumba si Ice sa semento dahil dito. Nakita ko rin ang pagdudugo ng labi nito.

"Hindi sapat ang suntok na yan sa ginawa mo kay Timi!"

Tinabing ni Stan ang pagkakahawak ko sa braso niya at nilapitan niya si Ice at kinwelyuhan.

"Ang kapal ng mukha mo na lumapit nang lumapit kay Timi after what you did to her! Leave her alone dude! Wala ka nang karapatan sa kanya!"

Hindi umimik si Ice. Busy siya sa pagpunas ng dugo sa labi niya.

Tinitigan ko siya. I want to see his expression.

Ba't hindi siya nagsasalita? Ba't hindi siya lumalaban? Tatanggapin na lang ba niya lahat ng sinasabi ni Stan?

Bigla kong naalala yung panahong sinabi ko kay Ice na sinadya kong hindi siya siputin sa date namin. Hindi siya nagalit. Tinanggap niya lang yun.

Iniisip niya na he deserves it.

Napalunok ako.

Deserve naman niya 'di ba? Deserve niya yung ginagawa ko pati na rin ang pagsuntok sa kanya ni Stan.

Pero ba't naninikip ang dibdib ko? Ba't gusto kong ipagtanggol naman niya ang sarili niya?

Ice naman! Tatanggapin mo na lang ba?

Deserve mo ba talaga?

Napa-angat ang tingin ni Ice at nagtama ang mga tingin namin. Agad niyang iniwas ito at tinignan niya si Stan at tinabing nito ang kamay ni Stan na naka-kwelyo sa kanya.

"Sinaktan ko si Timi at pinagsisisihan ko yun. Ma-iintindihan ko kung magagawa niya akong saktan," tinignan ako ni Ice.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ice naman!

Ibinalik niya ang tingin niya kay Stan, "pero hindi ikaw ang sinaktan ko kaya wala kang karapatan na suntukin ako."

At bago pa ako makapag-react, gumanti ng suntok si Ice kay Stan.

This time, napatumba si Stan sa semento.

"What happened?!" dinig kong sabi ng isa sa mga staffs ko.

"Oh my gosh Sir Ice!" at nagkumpulan sila kay Ice.

Tinulungan nila si Ice. Tinanong kung okay lang siya. Kung ba't nagdudugo ang labi niya.

Mukhang walang nakapansin sa kawawang lalaking sinuntok nitong yelong 'to at napa-upo sa semento.

Nilapitan ko si Stan.

"Hey! Are you okay?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin at kita ang frustration sa mukha niya.

"Ba't mo kasi siya sinuntok!" sabi ko dito.

Napahinga ng malalim si Stan, "he reminds me of someone."

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon