[41] Something just ain't right.

6K 63 11
                                    


Chapter Forty One

SAGE

On the way na kami sa school ngayon. Ang barkada ko, balik sa kanilang dating gawi. Naglalaro sa mga cellphone nila at nakikinig lang ng music. At ako itong driver nila, busy sa pagda-drive. Ang tahimik pa nitong katabi ko. (-__-’)

“Uy.” Tawag ko sa kanya. I’m just trying to break the silence.

“BAKIT?” Sigaw niya kaya naman nagulat ako bigla. Pati nga ang barkada ko biglang napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa amin dahil sa pagsigaw ni Aicel e. =___=

Minsan talaga, hindi mo maintindihan ang ugali nitong si Aicel. May time na mabait siya, madalas masungit, minsan moody pero laging maganda. Hahaha. Ano ba yan, Sage! Muntanga!

“Tss. Bakit ka ba nasigaw ha?” Sabi ko. “Nasa tabi mo lang ako for Pete’s sake!”

“Ah. Hehe. Sorry naman.” Oh gosh! Ngumiti siya sa akin at nag-peace sign. Ang cute niya lang talaga. Nakakainis! Gusto kong pisilin ang cheeks niya. “Ano ba yun? Bakit?”

“Wala lang. Ang tahimik mo kasi e.” Sumulyap ako ng mabilis sa kanya.

“Bakit? Kailangan bang may dahilan kapag tahimik ako?” She said while raising her brow.

“Hindi naman. Pero pagdating sayo, oo. Dahil sa pagkakakilala ko kay Aicel Bernardo, hindi nage-exist sa kanya ang salitang Silence.” I chuckled.

“Nang-aasar ka ba, Padilla?” Nakataas kilay niyang tanong sa akin.

“Medyo. Hehe.” I smirked at her.

“Tss. I don’t want to argue with you.” (.--)

“Himala ba to? Ayaw mong makipag-away sa akin ngayon? Haha.”

“Ugh!” Humarap siya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. Pero mabilis lang, kasi baka mabangga kami. “You know what, you’re so annoying!”

(o.o) “Ako? Annoying? Bakit? Ano bang ginagawa ko? Eh ang tahimik ko nga dito sa tabi e.” Nakakainis to! Annoying daw ako? May ginagawa ba akong masama, huh?

“Tse! Focus on the road, panget!”

Nagulat ako sa sinabi niya. “Hah. Ako, panget? Hahahahaha! Joke ba yon? Kasi ang corny ha!”

“I’m not joking, freak!”

“Freak naman ngayon? For your information, kung hindi mo lang naman alam eh ipapaalam ko sayo. I’m the most handsome living man on Earth! Kaya sinong tinatawag mong pang—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi may limang lalaki na umepal.

“EHEEEEEMMM.” Zion, Lewis, Pen, Bench and Patrick cleared their throat in unison.

(-____-’) Minsan talaga, mga panira sila ng diskarte.

“Pwede ba guys, huwag niyo kaming pansinin dito. Go back to your business!” Sabi ko sa kanilang lima tapos ay tinignan lang nila ako ng masama. Buti na lang, nag-focus na ulit sila sa kani-kanilang mga ginagawa.

Binalingan ko ulit si Aicel. “So, tell me woman. Paano ako naging annoying?”

Tumingin ako sa kanya. Haha. Pasulyap-sulyap ako kasi syempre nagmamaneho ako e. Baka mamaya, mabangga ko pa tong kotse.

“Argh! Wala! Huwag ka ngang tumingin sa akin. Mamaya, makabangga ka pa diyan e.” Tinulak tulak niya ang gwapo kong muka para alisin ang tingin ko sa kanya. Pero alam ko sa sarili ko na kahit anong tulak niya sa muka ko, hindi mawawala ang pagtingin ko kay Aicel.

WOOOOO! Nice banat, Sage. Banatan na yan! (~.~)

I shut my mouth. Mamaya na nga lang ako mang-aasar kapag nasa school na kami. Hahaha! Annoying pala ha. Ipapakita ko sa kanya kung sino ang annoying.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon