Chapter 47

1.2M 24.2K 14K
                                    

Chapter 47

"Iniiwasan mo talaga ko, no?" Napatingin ako sa gilid ko. Anak ni Tripp Marco Palma nga naman oh!

Nakakadalawang successful day na nga ako na naiwasan siya, pumalpak naman ako sa third day! Shemay, anong sasabihin ko kay Drake pag nagtanong siya? Ayoko pa namang nagsisinungaling!

Patuloy pa din ako sa paglalakad tapos siya naman, sumasabay sa akin. Ang bigat pa naman ng dala ko kasi may baking class ako ngayon! Puro strawberry laman ng bag ko eh, ang dami kasing natira kaya iuuwi ko na lang. Hehehe.

"Hindi ah. Sensitive ka lang masyado," sabi ko na lang sa kanya. Sorry, Tripp. Hindi mo naman deserve 'tong kagagahan na ginagawa ko pero mahal ko talaga si Drake. Alam mo naman siguro yun sa dami ng iniyak ko sa harap mo.

Huminto siya sa paglalakad at unconsciously, napahinto din ako. Okay, sabi ko nga dapat hindi ko pinapansin si Tripp eh. Pero hindi ko talaga kaya. Dahil nga No-Tripp-Allowed ako, tuwing breaktime ko, kahit one hour lang ang break ko, umuuwi pa ako sa amin kasi wala din naman ako makakausap sa Brent. Napaka friendless ko talagang tao. Nakakaiyak.

Nakatalikod pa din ako sa kanya kasi nga nasa unahan niya ako. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya dahil nahihiya ako sa ginagawa kong pag iwas sa kanya. Sobrang nagguilty ako eh...

Naramdaman ko siyang naglalakad papunta sa akin. Lord, bigyan niyo po ako ng lakas ng loob! Konting konti na lang po, bibigay na ako at kakausapin ko na si Tripp, promise!!

"Happy Birthday na lang. Tutal ayaw mo naman akong kausapin." May naramdaman akong malamig sa leeg ko, at pagtingin ko, may kwintas na nakasuot na sakin. Grabe naman,Tripp! Gusto mo bang sobrang konsensyahin ako?!

Hinawakan ko yung kwintas. Ang ganda niya, yung pendant niya ay dalawang pahabang silver line tapos may gem na pink sa dulo. May naka engrave na Z sa una at letter Y sa pangalawa. Wala na! Sobrang nakokonsensya na ako!

Nung paglingon ko, nakita ko si Tripp na naglalakad palayo sa akin. Ang layo niya na. Siguro naman hindi niya ako narinig nung sinabi kong, "Namimiss na kita..."

Sumakay ako ng taxi pauwi. May klase pa ako mamayang 4 pero lecture lang naman yun. Ayokong pumasok kasi natatakot akong makita si Tripp. Hindi ko na kinakaya yung konsensyang nararamdaman ko! Feeling ko ang sama sama kong tao sa mga ginagawa ko sa kanya. Kasi naman, wala naman siyang ibang ginawa kundi patawanin ako pero ano? Ganito pa ang iginanti ko sa kanya, yung itrato na halos parang hindi siya nag eexist?

"Alys, why are you idling? Your gowns are upstairs. Go, sukatin mo na," mom said. Oo nga pala, debut ko na nga pala bukas. Haaay.

Umakyat ako sa kwarto ko. Akala ko pa naman magiging masaya ang debut ko kasi pumayag si Drake na escort ko siya but what happened? Parang hindi naman ako sobrang saya kasi galit naman yata si Tripp. Ang labo ng life!

"Ang pangit mo na nga, lalo ka pang pumapangit. Are you really my sister?"

=______=

Nakalimutan kong nandito nga pala ang napakagaling kong kapatid!!

Tumakbo ako papunta sa kama ko at tumalon para sakalin si Dane. Waah! Si Dane na lang nagpapasaya sa akin ngayon! Buti na lang nandito siya ngayon, akala ko kasama niya na naman si Felice eh.

"Ikaw talaga! Kung magsalita ka parang hindi mo ako ate ah!" sabi ko sa kanya sabay gulo sa buhok niya. Tignan mo 'to, parang hindi talaga mas bata sa akin ng four years! Mas matangkad pa sa akin tsaka matalino. Napaka unfair ng buhay!! Tapos favorite pa siya ni daddy at nana!! So unfair!

Nagsmirk siya. "Because I'm cool," sabi niya sabay continue sa binabasa niyang encyclopedia. Buti na lang siya ang nagmana ng intelligent genes ni mommy at daddy, ayaw ko yatang mabuhay na nagbabasa ng makakapal na libro. So not me!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon