Chapter 17

69.8K 1.6K 125
                                    

Dedicated to @ real_ecka

"Cass, ok ka lang? you look pale." nag alala na tanong ni Liza sa akin.

Hindi ako sumagot. I can't answer her even if I wanted to.

Napapikit na lang ako para mabawasan ang hilo na nararamdaman ko, para nanaman akong dinuduyan ng malakas na pakiramdam ko mahuhulog ako sa kinauupuan kaya napasandal na lang ako sa katabi ko.

Kay Dave.

"Masama ba ang pakiramdam mo cheesecake?" si Dave. He asked while rubbing my back.

I just barely nodded my head.

My nausea hit me anytime of the day. Walang pinipiling oras. Ngayong araw lang, limang beses akong inatake ng pagkahilo. But I tried to hide my nausea from my friends as much as possible, because I don't want to raise their suspicion regarding my condition.

That I'm pregnant.

Dahil paano ko maipapaliwanag sa kanila na buntis ako, kung ang pagkaalam nila ay wala akong boyfriend.

Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko. A warmth feeling enveloped me knowing there's another life growing inside of me.

Alex's child.

Our child.

Pero ang saya na naramdaman ko ay nahahaluan ng pangamba. There's nothing more than I wanted in my life than to become a mother of Alex's children, that I don't mind to put hold of my own dreams as long as kung ang kapalit naman nito ay magiging isang ina.

But will Alex feel the same?

He's young with a promising future in politics.

Ngayon pa nga lang, unti-unti na siyang naagaw ng pulitika sa akin, ng mga pangarap niya. And one way or the other, my pregnancy will affect his campaign. His plan.

Iisipin ng mga taong nakapaligid sa kanya na magiging sagabal ako at ng pinagbubuntis ko sa kampanya nito, sa karera niya sa pulitika. At sapat na ba ang pagmamahal niya para panagutan ako, para ipaglaban sa sariling pamilya niya? Paano kung hindi.

What if he doesn't see me worthy to carry his child?

Ang daming naglalaro na mga katanungan sa utak ko, mga katanungan na nagpapadagdag sa aking pag alala.

Dahil masakit man aminin. Alex never once discussed his future with me, ni hindi ko alam kung kasama ako sa plano niya sa buhay.

***

"Darating ako mamaya pangs, but I might be late kaya huwag mo na akong hintaying mag dinner. Yes, promise pabalik na ako ng Maynila." I assured Cass.

"Ingat ka sa biyahe." her voice lifeless.

"Something wrong baby? you sound so down?" napakunot ang nuo ko. It's not the reaction I expected from her, akala ko magsisigaw ito sa tuwa na magkikita na kami pagkalipas ng halos isang linggo.

"I'm okay babe, just come soon at mag ingat ka sa biyahe."

"I will pangs. I love you my panggu."

"Love you too babes." she answered me tonelessly.

I let out a long sigh.

Alam kong nagtatampo na si Cass sa akin. Pero makababawi na rin ako sa mga pagkukulang ko sa kanya, dahil sa wakas natapos ko na rin ang mga obligasyon ko sa San Diego and from now on, masosolo na ni Cass ang oras ko.

Napangiti ako sa sarili ko. I'll shower her with my attention hanggang sa maumay ito sa akin at magreklamo na ito.

I missed her so much that I'm dying to go straight to her so I can wrap her in my arms, to taste her sweet lips again. But I choose to delay it.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon