Chapter 9: Cocktail Dress

301K 14.1K 2.4K
                                    

Chapter 9: Cocktail Dress

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking mansion. Ang mansion na ito ay malaki ang pagkakaiba sa bahay ni Landon. Makikita ito sa gitna ng kakahuyan. Madilim ang paligid maliban sa maliliit na ilaw sa gilid ng daan na parang airport runway.

Walang makikitang nakabukas na ilaw sa mga bintana o sa entrance door. Pero may naaninag akong liwanag sa bandang likod ng mansion. Bumaba si Landon nang mabuksan ang pintuan sa bahagi ko.

I was so confused and alarmed in this horrid place. Mas madilim pang tingnan ang mansion sa harapan ko kesa sa grayish na langit sa itaas kung saan natatakpan ng ulap ang mga bituin.

Pumasok si Landon sa main door nang hindi man lang kumakatok. Hawak niya ang kamay ko at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi ko mapigilan na magisip ng hindi maganda. My imagination is on its peak again.

This is the Monaghan's mansion. Landon Monaghan's family. A family of vampires! Napakatahimik sa loob nang pumasok kami. Tahimik at madilim. Walang bumati sa amin. Hindi ko alam kung may tao ba dito.

"Shit. Will you stop stepping on my shoes?"

"Malay ko ba?" asik ko bago inalis ang paa mula sa pagkakatapak sa leather shoes niya. "Nakikita ko ba ang dinadaanan ko?"

I heard him muttered. "Humans."

I rolled my eyes at him. Sure, maybe he can see through the dark or something. Maybe they can all see through the dark. Who knows? Terror started to sip into my system. Now doubled.

"You're trembling." natatawang sinabi ni Landon.

It was the first time I heard a hint of humor in his voice mula noong umalis kami sa university. Kaya sa halip na sumagot, hinayaan ko nalang. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng madilim na mansion.

Once in a while nakakakita ako ng liwanag. Miniature balls of light in mid-air, like floating candles. Pero baka nakapatong lang ang mga ito sa muwebles na hindi ko makita dahil masyadong madilim.

Maya maya pa ay unti unti ng lumiliwanag ang paligid. May hinawi si Landon sa harapan namin. It gave me the impression na isa itong makapal na kurtina o tela. Nasilaw ako sa liwanag na bumati sa amin.

Kinailangan na mag adjust ng paningin ko dahil sa liwanag. Nang magawa ko yon, bumungad din sa akin ang mga boses. Nang buksan ko ang mga mata ko ay napagtanto ko na nasa likod na bahagi na kami ng mansion.

Ang una kong napansin ay ang tuktok ng mga puno sa madilim na kakahuyan di-kalayuan sa amin. Nakasabit ang mga paper lamp size lights sa mga tali mula sa mansion hanghang sa bungad ng kakahuyan.

It reminds me of summer bonfire parties. Pero instead sa beach, nasa likod kami ng isang mansion sa gitna ng kakahuyan, and instead of summer, we're in the middle of September.

It was indeed a party. A small gathering. With people— gorgeous, stunning, graceful people, wearing tuxedos and elegant cocktail dresses, smiling and talking with each other— all while exposing their gleaming white fangs. Holy shit.

"Whoa! What do we have here—"

Napalingon agad ako sa lalakeng papunta sa amin. He was wearing a white tux; his brownish hair quite messy, he grinned amiably and I can see a hint of his dimples. Dimples and there's the fangs.

Natigilan siya nang magtama ang paningin namin. He squinted his brown chinky eyes as if assessing me. Maya maya pa, napa awang ang labi nito na tila hindi makapaniwala. He has the same thin captivating lips like Landon. Pero sa halip na ngisi, ngiti ang nangingibabaw sa kanya.

The Devil's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon