Chapter 48

1M 21K 10.9K
                                    

Chapter 48

"Thanks talaga, Tripp," sabi ko kay Tripp habang nagsasayaw kami. May cotillion kasi na supposedly, si Drake dapat ang partner ko. Pero dahil wala siya, si Tripp ang kasama ko. Buti na lang marunong siya. Pano kung hindi? Sinira na nga ni Drake yung debut ko, mas lalo pang masisira dahil mapapahiya kami ni Tripp sa gitna habang sumasayaw.

Habang nakahawak si Tripp sa bewang ko, binulungan niya ako. "Tama na nga yung thank you mo, nakakadami ka na eh."

"Eh kasi thank you naman talaga..."

"Tsk. Last thank you na yun. Ayoko ng makarinig ng thank you mula sa'yo."

"Ha? Eh ano na lang sasabihin ko? I'm sorry?"

Medyo tumawa siya kahit hindi ko naman alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko. "No. Next time, ang gusto ko, ngumiti ka. Can you smile? For me?"

Nginitian ko siya kahit na ang hirap hirap. Syempre, kanina pa ako nagpipigil ng iyak. Hindi ko nga alam kung paano ko napigilan yung iyak ko nung sinabi ko kay mommy na hindi makakarating si Drake at si Tripp na lang ang partner ko. Alam ko naman na pansin nila yung pag iyak ko kasi ang pula pula ng mata ko pero buti na lang, hindi yun pinansin ni mommy.

Natapos na yung cotillion at umupo na kami. Kanina pa ako napapagod eh. Ang daming program kaya kanina pa ako nakatayo.

Pumunta ako sa table ng family ko. Si Tripp, dun muna pumunta sa table nila Sheen since kilala niya naman si Sheen. Yun lang yata kilala niya dito bukod kay Dad.

"Nasan yung boyfriend mo?" Biglang tanong sa akin ni Dane.

Tinignan ko na lang siya. "Hindi ko alam, okay. Bukas na lang natin pag usapan," sabi ko. Buti na lang umalis si mommy at daddy dahil pinuntahan nila sila Tita Sara. Ayoko kasing makita nila akong umiyak once na magbreakdown ako sa harap ni Dane dahil sa kapipilit niyang tanungin sa akin kung nasan ni Drake.

"You know, if he's this jerk towards you, ditch him. You're my sister and you deserve nothing but the best."

Napangiti ako sa kanya. Who would have thought na may maturity pa lang itinatago si Dane?

"Bakit ang dami mong alam?"

He shrugged. "I don't wanna see you crying, Alys. Minsan na nga lang tayo magkita, iiyak ka pa. Where would that put me?"

"Hindi naman ako umiiyak eh..."

"Yeah, who are you fooling? Anyway, when will you tell me where's that noble boyfriend of yours?"

Natahimik na ako at kinwento ko sa kanya yung kanina. Simula sa text niya na papunta na siya hanggang sa pag U turn niya, sa pagkaway niya, sa pagtawag niya, at sa pag iwan niya sa akin. Alam ko naman eh... Dati niya pa sinasabi sa akin na promises are meant to be broken. Pero sa lahat naman ng promise na yun, bakit yung promise pa na pumunta siya sa debut ko? Hindi niya ba alam na sobrang nakakadisappoint siya?

"You know what, Alys. As your only brother, if he's hurting you that bad, don't you think it's time to forget him and move on?"

"Ikaw, Dane ha! Sino ba talaga ang mas matanda sa atin? Akala mo kung ilang taon ka na ah! Ipinapaalala ko lang sa'yo, 14 ka pa lang!" sabi ko sa kanya. Umiling iling naman siya at tumayo.

"Ewan ko sa'yo," sabi niya at iniwan ako. Tignan mo 'to! Iwan daw ba ako sa table mag isa!

Dahil mag isa na lang ako sa table, lumipat ako sa table nila Aya.

"Besh! Ang ganda mo ngayon!"

"Ngayon lang ako maganda? Nakakaiyak naman!"

Tumawa sila sa akin. Wow ha! Comedian na pala ako ngayon!

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon