Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 10

1.3M 33.5K 35.9K
                                    

Azure's PoV

Ngumisi ako bago ilapag ang barahang hawak ko sa harap nina Papa at Amber.

"Wooo! Panalo na naman ang gwapo!" hiyaw ko nang manalo na naman ako sa tong-its.

"At talo na naman ang maganda."

"At ang mas gwapo."

Hindi mawala ang ngiti ko habang sinasamsam ko ang perang napanalunan ko.

"Kapag sinuswerte ka nga naman talaga oo! Wengya! Iba talaga ang swerteng hatid 'pag pinagpala ng kagandahang lalake."

"Ang kapal ng mukha, Azure," kontra ni Amber. Aba't! Tingnan mo nga naman 'tong kakambal kong 'to.

"Sis! Huwag mo akong itulad sa 'yo na binasted ni Grayson," pang-aasar ko.

"Aba't!" Akmang hahampasin niya ako ng sapatos niyang makapapatay ng tao sa tulis ng takong no'ng awatin siya ni Papa.

"Oh ayan na naman kayong dalawa. S'yempre, kapag magandang lalaki ang ama, magandang babae at magandang lalaki rin ang bunga."

"Ampon yata si Azure, Papa. Lalaki lang naman ang term. Hindi nakasama 'yong ganda." Tumunog bigla ang cellphone ko kaya nawala ang atensyon ko sa kakambal kong pinaglihi sa electric fan.

Anak ng tinola!

"Papa! Pa'no ba 'yan? Labag man sa kalooban ko pero mukhang mapapaaga ang pag-aasawa ng gwapo niyong anak," nakangising sambit ko nang mabasa ko ang mensahe mula sa babaeng patay na patay sa kagwapuhan ng inyong lingkod.

Can we meet?

"Dream on, dude," pang-aasar ni Amber. Inilapit ko sa kanya ang screen ng phone ko para ipakita kung gaano nagkakandarapa si Katana na masilayan lang ang kakisigan ko.

"Ehem, wala eh. Gwapo eh," sabi ko habang nakatingin silang dalawa ni Papa sa phone ko.

"Whoa! Wengya! Manang-mana ka talaga sa 'kin, Azure! Ganyang-ganyan ang Mama niyo sa 'kin noon eh. May umiiyak na emoji pa nga 'yon tuwing magte-text para lang makasilay sa gwapo kong mukha," sabi ni Papa.

"Ano na namang sinasabi mo d'yan, unggoy?"

"Takte, babylabs, nand'yan ka pala."

Tumayo na ako at lumayo sa kanila dahil paniguradong royal rambol na naman sina erpat at ermat. Tsk. Umupo ako at sumandal sa ilalim ng malaking puno sa bakuran at saka nag-isip ng pamatay na reply kay Katana.

Alam kong patay na patay ka sa 'kin, Babes, pero medyo busy gwapo mong crush eh.

Binura ko ulit ang text bago ko pa mapindot ang send. Wengya! Baka bawiin ni Katana ang text niya kapag 'yon ang tinext ko.

Alam kong hindi ka na makapaghintay na makita ako, pero pwede bang i-check ko muna schedule ko? Marami pa akong nakapilang date eh.

Message sent!

"Wengya!" Humiyaw kaagad ako nang may pumindot ng send button.

"You should've thank me. Tinulungan kitang mag-send ng message mo bago mo pa i-delete ulit." Bumunot ako ng mga damo at saka ibinato kay Amber. Panira talaga ng diskarte 'tong kakambal kong 'to eh.

"Doon ka nga! Palibhasa brokenhearted ka kay Grayson eh." Tinext ko ulit si Katana nang makalayas na 'yong kakambal kong hindi nagmana sa 'kin ng lakas ng appeal.

Katana Babes, hindi ako ang nag-text sa 'yo. Tss. Si Amber. Sige kailan ba?

Ngumiti ako pagkatapos kong i-send ang SMS.

My Husband is a Mafia Boss (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon