Chapter 26 - Gail in Confusa Part 19 {Talk Talk Talk}

1.2K 48 0
                                    

Hello readers!!! grabe nakakapagod din pala ang tournament. Kakainis lang dahil magagaling din ang nakalaban namin ni hindi nila ako hinayaan halos na makapasok sa line. Tapos ang sakit pa nang sa may legs ko grabe lang...

Para nga akong nagdadalawang isip kong sasaktan ko iyong nasa harapan ko. Pero kinausap nila ako ate atsaka kahit ayaw ko naman manakit ay sinabi naman nila na game iyon at huwag akong magpa-agrabyado. Ayaw ko naman silang ma-dissapoint ng pagkakataon na iyon kaya bigay lahat na ako.

Atsaka rinig ko na nakaktuntong ng championship game ang team namin eh kaso hindi ko alam dahil sinundo kami ni kuya ni mama dahil magsisimba pa. Atsaka sa mga readers sa susunod na lang ang pag-mention ko nang name dahil pagod na ako.

Atsaka happy mother's day to all mothers! Have a good and blessful day. Enjoy Reading!

______________________

TO BE CONTINUED...

Hunter: Bakit kayo magkasama?

Ano na naman ang ikinikilos ni Hunter sa ngayon?

Gail: Naglalakad kasi ako ng makita ko siya. Kaya nag-usap kami at nagkatuwaan hanggang sa hinatid niya ako dito.

Hunter: Huwag ka ng lumapit sa kanya.

Ano na naman ba ang pinagpuputukan ng sama ng loob ng isang ito? Nakakainis na ah... wala pa naman ako sa kalagayan para sabayan siya sa ayos niya ngayon.

Gail: Pwede bang umayos ka? gusto ko ng kumain dahil sa gutom na ako.

Kung kaya iniwan ko na siya habang ako naman ay dumiretso na sa kwarto kung saan kami palaging kumakain. Si Hunter naman ay tahimik lang na sumunod sa akin habang ako naman ay kumain na. Aba bahala siya dyan ano.

Dylan: Hunter, may problema ba?

Hunter: Wala naman.

Hannah: Sus! sabihin mo na kasing oo! tumatanggi pa.

Valentina: Ay! Gail nakita ko kayo ni Jayden na magkasama kanina ah! ang saya-saya nga ninyong nag-kwentuhan.

Bahala nga kayo dyan gutom na nga ako tapos hindi lang ako makakain ng maayos. Dahil lang sa hindi ninyo ako tinigilan sa pakikipag-usap sa akin.

Lucas: Totoo ba iyan?

Valentina: Oo naman. Nakita ng dalawang mata ko.

Ayon bigla namang tumawa silang lahat liban na lamang kay Hunter, Valentina at sa akin. Paano ba naman hindi talaga ako magsasalita hanggang kumakain ako ano!

Valentina: Bakit ba kayo tumatawa?

Lucas: Alam na kasi namin kung bakit nagkakaganyan si Hunter.

Hunter: Pwede ba?! tigilan ninyo ako.

Hanggang sa tuluyan ng tumayo at biglang umalis si Hunter. Hindi na niya tinapos ang pagkain niya pero bahala siya kung magutom siya. Siya naman ang umalis kaya siya din ang bumalik ano. Alangan naman na kaladkarin ko pa siya pabalik dito.

Valentina: Bakit ano ba kasi ang dahilan kung bakit naging ganyan si Hunter?

Lucas: Nagseselos lang siya.

Wala lang akong ginawa kung hindi ay kumain hanggang sa nabusog na ako ay tinigilan ko na ang pagkain. Saka naman ako tumayo at naglakad. Ang alam ng iba ay sa kwarto na ako didiretso pero ang totoo ay hindi naman sa kwarto ang diretso ko eh...

Pumunta kasi ako sa burol kung saan kami nag-uusap dati ni tiyo. Dito kasi naramdaman ko na natatahimik ang loob ko dito. Madami na kasi akong naiisip ngayong mga araw eh...

[BOOK 2] A Gangster is a REAL long lost PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat