CHAPTER 108 : INTERHIGH

5.8M 112K 365K
                                    

MAX'S POV

"Wala kang laro?"

Napahinto ako sa paghithit ng sigarilyo ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

Hindi ko naman sya nilingon at nagtuloy lang ako.

"Anong makukuha mo dyan sa paninigarilyo mo? When I was your age.. inom lang ang bisyo ko.."

"Umiinom rin naman ako.. kapag trip ko.." seryosong sagot ko at nagtuloy sa paghithit nun. Hindi ko sya nilingon munit nakikita ko sya sa gilid ng mga mata ko.

"Katulad na katulad ka talaga ng Mommy mo.."

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko sya nilingon.

Hindi rin ako nabigla.

Nakinig lang ako.... kay DADDY.

"Namana mo ang mukha ko pero.." tumawa pa sya ng bahagya. "..ang kabuuan mo ay nakuha mo sa kanya.." bumuntong-hininga pa si Dad. "Sana lang.. kung ano ka ngayon.. kung ano ka man ngayon.. h-hanggang dyan ka na lang.. wag ka ng lumayo pa.. Wag ka sanang magaya sa kanya.."

Tagalog naman ang sinabi nya pero..

Hindi ko maintindihan..

Malakas naman ang pagkakasabi nya pero..

'Wala akong naintindihan..'

"Ano ba sya?" pilit ang ngiting tanong ko na nilingon pa sya. Tumingin naman si Daddy sakin.

Pilit kong binasa ang emosyong meron sa mukha nya pero parang 'AWA' ang nakikita ko don..

Nanghihinayang..

Naaawa..

Nalulungkot..

Dahil ba lumaki ako ng hindi ko sya nakasama?? Tss.. Hindi ko naman kasalanang wala sya sa tabi ko hindi ba?

"Hindi sya kasing buti mo.." pilit rin ang ngiti'ng sagot ni Dad sakin. At nung marinig ko yun ay ramdam ko kung paanong ang pilit na lamang na ngiti sa mukha ko ay napalitan pa ng pagkunot ng noo ko.

Anong ibig nyang sabihin?!

"Hindi ka ba manonood ng mga laro sa loob??" biglang tanong nya at dun naman nabaling ang atensyon ko.

"W-Wala namang laro ang school namin sa billiards ngayon.. maya maya pa---"

"May laro ang BIS ng Basket ngayon hindi ba?"

"H-Hindi ko alam.." sagot ko.

Hinintay kong sumagot si Daddy pero hindi sya nagsalita kaya naman nilingon ko sya at bahagya pa akong nagulat nung makita kong nakatingn sya sakin at nakangiti!

"B-Bakit?" tanong ko.

"Are you trying to avoid him?" nakangiting tanong ni Dad sakin at mas nagulat ako!

"Tss.. bakit ko naman gagawin yun?" tanong ko na muling iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Dahil may gusto sya sayo.."

Pano nya nalaman!?

Saglit pa akong natigilan pero hindi agad ako tumingin kay Dad..

Inalis ko muna ang pagkagitla sa mukha ko at saka ako dahan dahang tumingin sa kanya!

"Bakit mo naman nasabi yan?" muling seryosong tanong ko.

"Nararamdaman ko lang.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon