BMDN Chapter 61

109K 2.2K 80
                                    

"Sir, si Sir Scott po gusto daw kayong makausap"

Napatingin si Spencer sa kanyang sekretarya ng sumilip ito sa kanyang opisina, hindi na sya nagulat sa pag sulpot ni Scott. Inaasahan na nya ito, at isa pa alam na alam nya ang dahilan nito sa pag punta dito.





"Let he come in" aniya,


wala pang ilang minuto ay nakita na nya ang pag pasok ni  Scott. Mag kaibigan na sila Scott simula ng high school, pareho silang happy go lucky at walang iniintindi sa buhay kaya sila nagkasundo. Pareho sila ng tingin sa buhay, at pareho sila ng opinyon sa lahat. Mag kasundo sila sa lahat ng bagay, mag kasama sila sa lahat ng katarantaduhan sa buhay. Alam nito lahat ng pinag gagagawa nya noon at hanggang ngayon. Pero alam niya na pag dating kay Nina ay magiging mag kaiba ang opinyon nila sa unang pag kakataon. Tumayo sya para salubungin ito.


At isang nalakas na suntok ang tumama sa kanyang mukha. Kita nya ang galit sa mata ng kaibigan, hindi nya ito masisisi kung bakit galit ito sa kanya noon. Simula ng mag kita sila sa exhibit ni Gin ay ramdam na nya ang galit nito sa kanya, hindi nya nga lang alamang dahilan nito noon. Hanggang sa malaman nya na kapatid ito ni Nina.





"Gago ka! Stay away to my Sister." nanggagalaiting sabi nito. Namumula ang mukha nito dahil sa galit.



"Pasensya na Scott pero hindi ko magagawa ang gusto mo. Mahal ko si Nina" aniya saka pinunasan ang lasang kalawang sa kanyang labi. Ngumisi si Scott.



"Mahal mo? Mahal ko pero sinaktan mo?" Anito, Saka sya kinuwelyuhan.



"Alam mo ba kung gaano mo sya nasaktan noon? hindi ko alam kung gaano sya kasaya ng magkasama kayo, pero nakita ko kung gaano sya nasaktan sa ginawa mo! Kaya huwag kang umasa na hahayaan ko nalang na maulit iyon" galit na galit na sabi nito.





"Alam ko Scott! Alam ko kung gaano ko sya nasaktan noon. Kaya gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa ko, at sa lahat ng pag kukulang ko sa mga anak ko. Babawiin ko si Nina kahit ang kapalit noon ay ang pag kakaibigan natin!" Aniya, muli syang nakatikim ng malakas na suntok mula kay Scott. Napadaing sya dahil sa sakit ng kanyang sikmura, doon kasi tumama ang kamao noti. Gusto nyang matawa, nasa sarili nyang teretoryo si Scott pero heto sya at hinahayaang saktan sya. Pero Wala syang planong gumanti dahil alam nyang deserve nya ang mga ito. Deserve nya ang lahat ng sakit, mura, o suntok ng kahit na sino dahil sa ginawa nya noon kay Nina. Kaya nyang tiisin ang lahat huwag lang sabihin ng mga ito na layuan nya si Nina dahil hindi nya kaya iyon.




"Tarantado! Simula ng paalisin mo sila sa bahay na ibinigay mo sa kanila noon. Tinapos ko na ang pagkakaibigan natin! Alam mo sa tagal nating mag kakilala hindi ko alam na ganoon ka katanga! Ganon ka kachildish! Ano yon? Binigyan mo ng candy at ng nag kagalit kayo binawi mo mo ang ibinigay mo! Tang-ina mo!" Galit na galit na sabi nito.





"Hindi ko sila pinaalis noon!" Aniya saka tinanggal ang ang kamay nito. Naguguluha sya, hindi nya pinaalis sila Nina. Pumunta sya sa bahay na tinitiran ng mga ito ilang araw nang umalis si Nina sa kanyang bahay ngunit wala ng tao doon.




"Wag mo kong gawing tanga Spencer! Nandon ako noon! Kaya sabihin mo? Paano ko ipag kakatiwala sayo si Nina? Sinaktan mo sya!" Madiing sabi nito



"Alam kong alam mo na hinanap ko si Nina noon" aniya, at alam nyang si Scott ang humaharang sa kahat ng detective na inuutusan nyang hanapin ito. Hindi nya alam kung paano nito nagagawa iyon, pero malakas ang hinala nya na may connection ito sa pilipinas habang nasa ibang bansa ito kasama sila Nina.





"Mahal ko si Nina, at lahat gagawin ko makasama ako lang ang mag iina ko" aniya dito. Nag titigan silang dalawa at kita sa mata ng kaharap ang pag hahamon.




Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon