OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 26

2.7K 87 16
                                    

CHAPTER 26

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

ELLA'S POV

Andito kami ngayon sa bahay namin.

Oo bahay namin, BAHAY NAMIN NG PAPA KO.

Akala nyo siguro mag-dadate talaga kami ni Ed pero hindi. Hindi pwede, prelim. na kasi next week kaya kailangan naming mag-review ni Ed. Sunugan nanaman to ng kilay! Okay lang kahit mapagod ako kaka-review, pwedeng pwede naman akong mag-recharge kasi andyan si Ed sa tabi ko.

Kinikilig ako. ♥_♥

Excuse me. Ahihihi.

Tungkol naman dun kay Kris at Lawrence, planado namin ni Ed 'yon.

Dapat kasi kasama namin sila sa 'date' kuno namin, pero mag-rereview lang talaga kami. Dahil sa ayaw nilang sumama kaya ayun, napaaga ang pag-uwi nila. Kaya napagdesisyunan nalang namin na ipahatid kay Lawrence si Kris para may time silang dalawa na magkasarilinan at mas maging close sila sa isa't isa. Gusto pa nga sanang sumama ni JK sa paghahatid kay Kris pero tiningnan ko lang sya. Buti nalang at nakuha nya yung ibig kong sabihin.

Ang bad ba ng ideya namin? Well. Balon. xD

Gusto kasi naming magkadevelopan si Kris at Lawrence. Matagal na rin naman kasing walang girlfriend na pinapakilala samin yang si Lawrence kaya naisipan namin ni Ed na, gagawin namin ang lahat para magkadevelopan at magkainlaban ang mga kaibigan namin.

Nice idea, right?

Match Maker na kung Match Maker!

Pwede naman diba?

At hindi rin naman namin nakakalimutan na kagagaling lang ni Kris sa isang matinding break-up, hindi naman namin sya inaapura o pinepressure, kung baga tinutulungan lang namin syang makalimutan yung gag*ng ex nya na yun, syempre sa tulong ni Lawrence, ang magiging bago nyang Knight in Shining Armor. Alam ko kasing hindi pa sya nakakamove on sa past relationship nya. Hindi naman kasi ganon kadali iyon. Madaling sabihin, pero mahirap gawin.

Alam ko ring wala kaming karapatang manghimasok sa buhay nya, pero hindi ko kasi kayang makita syang laging nalulungkot. Nakatulala. Ang hirap sa feeling na makita mo syang nasa ganoong kalagayan. Alam kong umaarte lang syang okay. Kahit halata namang hindi. Kaya eto nalang ang naisip ko. Kaylangan nya ng kaibigan at karamay.

BWISIT kasi yung ex nya! Hay! Umiinit tuloy ang ulo ko pag-naalala ko yung mga araw na nakikita kong umiiyak si Kris dahil sa gag*ng yun! Kakalbuhin ko talaga sya pag nakita ko sya. Hwag na hwag talagang mag-ku-krus ang landas namin, baka mapatay ko pa sya.

Syempre joke lang yun. Hindi ako murderer no.  :p

"Di daw makakapunta si JK. Tayong dalawa nalang daw ang mag-review may aasikasuhin daw sya e may inutos daw yung Papa nya." Pinatext ko kasi si JK kay Ed. Pero mukhang may gagawin sya.

"Ah ganon ba? Sige magsimula na tayong mag-review."

Kamusta kaya si Kris at Lawrence?

NagkaDEVELOPAN na kaya sila? hihihi

* * * * *

LAWRENCE'S POV

Alam mo yung feeling ng may kasama kang naglalakad pero parang wala?

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Where stories live. Discover now