WA [DR] 43 - Feel At Home

48.3K 1.7K 346
                                    

Been reading your comments and I'm so happy that you guys are finally all out for this. Again, your comments will be highly appreciated.

Ship sinking, eh?


WA 43 – Feel At Home

Napaupo ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. The travel was longer than expected. Tatlo kaming napaupo sa iisang sofa. Liz is on my side while Briz is on her side. Walang katao-tao sa bahay namin. I wonder where are the people.

"Welcome home," Liz stated.

Briz chuckled and patted her head, "Welcome home sa inyo." Sabi niya.

I roamed my vision inside the living room, "It's actually screaming Christmas here." Sabi ko.

The whole house was already decorated with different kinds of decoration for Christmas and such. May malaking pine tree na sa loob ng bahay—na hindi ko alam kung papaano pinagkasya. Sa itaas ng fireplace, nandoon ang mga nakasabit na medyas. May mga pangalan pang nakasabit sa tabi. Napailing ako—for sure, si Papa na naman ang may gawa nito.

My father is somewhat much childish than me and Liz. He's very happy-go-lucky. Minsan, mas siya pa ang napapagalitan ni Mama sa tuwing nagkakatuwaan dahil sa sobrang daldal niya. Guess, he's the best father. I saw some pictures of mine hanged in our wooden walls. Nang lumingon ako doon, napalingon din sina Liz at Briz.

"Is that you?" Tanong kaagad ni Briz at umakmang tatayo—pero napigilan ko.

"Yes and don't dare look at them. Ang bata ko pa dyan," My Mom is really a fan of me. Well, perks of being an only child. Lahat ng magagandang memories na nangyari sa akin ay naka frame at nakasabit sa wall namin. She always says that, "Some things may disappear, but memories never fade." And I really value her judgement.

Briz is staring intently at me, "Well, this is better than those pictures." Sinapak ko na dahilan ng pagtawa niya. Alam ko! Nakatitig lang siya sa akin na para bang sinusuri niya ang bawat parte ng mukha ko. "Seriously, T... Mas okay pa ngang sayo ako nakatingin kesa sa mga luma mong litrato. This, is way beautiful than the old you." Ayan, hihirit pa. Awtomatikong pinamulahaan ako sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin at ibinaling kay Liz na may malaking ngiti sa labi.

"Anyway," Pag-iiba ko sa topic. "Wala bang sinabi o pinadalang sulat sina Mama Esme sayo? Bakit walang tao ngayon?" Tanong ko kay Liz.

Nagkibit balikat siya. "Wala eh. Baka nasa Knerahm Market sila kasama sina Mama. Namimili siguro ng ipanghahanda para sa pasko." Sabi niya. Tumango lang ako... Baka nga.

"Briz, okay lang bang maghintay muna tayo kahit saglit? Wala pa kasi sina Mama at Papa." Tanong ko.

Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti, "Yeah, I'm cool here." Sabi niya.

Tumayo ako at lumapit sa fireplace para sindihan ang nakapile na kahoy doon. Ang ginaw kasi dala ng panahon. Medyo may kakapalan na ang namumuong yelo sa labas. Nanginginig na rin ang mga kamay namin sa ginaw. "Ate, mamaya ah, sa kwarto mo ako matutulog. Ayokong tumabi kina Kuya. Iipitin lang nila ako sa gitna." Pagmamaktol niya habang kinakalimbang ang mga bells na nakasabit sa Christmas tree.

"Okay. Ang sabihin mo, ayaw mo lang talagang katabi ang mga kuya mo." Panunuya ko.

"May kapatid ka Liz?" Tanong ni Briz sa kanya.

Tumayo si Liz at lumapit sa amin. Naupo siya sa kaharap naming upuan at umirap. "Sa kasamaang palad, meron. Mga lalake," May iritasyon sa pagkakasabi niya. She really hate her brothers. Ewan ko ba sa babaeng 'to, wala namang ginagawa 'yung mga kuya niya... maliban sa palagi siyang inaasar. Kuya Zed and Kuya Chip are cool. In fact, para ko na rin silang mga kapatid.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon