"Kahit pala no'ng kabataan mo, gago ka na pala talaga, 'no?" hindi naiwasang ilabas ni Francine ang kanyang saloobin sa ikinuwento ni James. Nakaramdam siya ng awa sa babaeng nasa istorya ni James-si Grace. Kung siya man ang nasa katayuan ni Grace ay masasaktan din siya. May nag-udyok siguro sa babae upang lakasan ang loob at ihayag kay James ang totoong nararamdaman nito, ngunit sa kasamaang palad ay tinanggihan ni James ang pag-ibig ni Grace para rito. Kahalintulad din ng nangyari sa kanya, nang inamin niya ang totoong nararamdaman para sa asawa, ngunit nauwi lang sa pait at sakit dahil tinanggihan din ni James ang pag-ibig niya.
"Hey, I was a kid back then," depensa ni James. "I made a mistake."
"Ang totoo, napaka-awkward talaga na pinag-uusapan natin ang talambuhay n'yo ng ex mo. Pero ito, ha-kung isa lamang ako sa mga kaibigan mo at nandoon din ako sa prom n'yo, baka sinabuyan na kita ng asido sa mukha at nang wala ng ibang makinabang diyan sa mukha mo, at nang mabawasan naman ang mga feeling guwapo, manloloko, mahilig manakit ng damdamin ng mga-"
"Okay-I get it, Francine. Geez, buti na lang at hindi kita naging kaklase noon."
"Pero paano naman nakapasok sa eksena si Mr. Villanueva?"
"After we graduated from high school, Grace left for the States. A year later, she came back. She became a different Grace-iba na siya kung manamit, kung kumilos..." Napangiti pa ito bago idinugtong ang sasabihin. "Nagdalaga na ang binatilyong kaibigan ko." Ngunit mabilis ding napawi ang mga ngiting iyon nang itinuloy nito ang pagkukwento. "Nagkataon pa sa university na pinapasukan ko siya nag-enroll. I saw her from afar. At tuwing lalapitan ko siya, umiiwas si Grace. Months later, I heard she was with Darwin..."
"At inagaw mo si Grace sa kanya?"
"No!" Humingang malalim si James bago nagpaliwanag. "No'ng umalis si Grace, nakaramdam ako na para bang may butas ang puso ko. Parang may kulang. Lagi ko siyang naaalala. I tried to talk to her, kaso pati ang mama ni Grace galit din sa akin. Then when I saw her again, that was the time I had realized Grace was the missing piece in my heart. Mahal ko pala siya, at ang tagal bago ko iyon nalaman."
"Tapos inagaw mo siya kay Mr. Villanueva?"
Nagsalubong ang mga kilay ni James at mukhang naaalibadbaran na sa kanyang paulit-ulit na akusasyon. "Nakikinig ka ba? Ang sabi ko hindi, 'di ba?"
"Fine. Pagkatapos, ano'ng nangyari?"
"Hindi ako nakatiis. Humanap ako ng pagkakataon at kinausap siya ng masinsinan. Sinabi kong mahal ko siya at nagsisisi ako na hindi ko iyon agad nalaman. Then she admitted she still loved me. Pagkatapos no'n nalaman ko na lang na hiniwalayan pala ni Grace si Darwin. Si Grace ang kusang humiwalay sa kanya-hindi ko siya pinilit o kinumbinsi man lang na iwan si Darwin."
"Pero ang buong akala ni Mr. Villanueva ay inagaw mo si Grace sa kanya. At dahil doon ay naging matindi ang galit niya sa 'yo. Sa sobrang tindi ay magpahanggang ngayon ay galit pa rin siya sa 'yo na siyang nagtulak sa kanya upang gantihan ka. Pero bakit? Hindi ko pa rin maintindihan-sigurado ka bang wala kang ginawa kay Grace kaya ganoon na lamang ang galit sa 'yo ni Mr. Villanueva?"
Hindi naka-imik si James, at iyon ang naging sagot ni Francine sa kanyang sariling tanong. Pakiramdam niya ay mayroon pang mas malalim na dahilan ang dalawang lalaki kaya pareho nilang hindi mabitiw-bitiwan ang kanilang nakaraan kasama si Grace.
"Ang sabi ni Mr. Villanueva, parati mong pinapaiyak si Grace," dagdag ni Francine. At lagi mo lang din daw ako paiiyakin...
"May... may mga bagay lang kasi na pinagdaraanan si Grace noong mga panahong iyon na lingid sa kaalaman ko..."
Iyon lamang ang isinagot sa kanya ni James bago nito ibinalik ang atensyon sa pagkain nito, halatang hindi na nito nais pang dugtungan ang naunang sinabi. Ano kaya ang nangyari? Ayaw man ungkatin iyon ni Francine dahil nasasaktan siya tuwing naiisip niya kung gaano kalalim ang pagmamahal ni James para kay Grace, alam pa rin ni Francine na naroroon ang kasagutan kung bakit ayaw pa rin ni James na bumitiw sa nakaraan nito. At marahil naroroon din ang kasagutan kung papaano maghilom ang sugat ni James sa puso.
BINABASA MO ANG
The PAST MISTAKE
RomanceSa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok kay Francine upang kamuhian ang lalaking dati niyang minahal. At sa pangalawang pagkakataon ay mulin...