HGG [3]

199K 3.7K 255
                                    

Chapter 3

Janine's POV

Andito na kami sa class at nakasimangot lang ako. Walangya kasi si bes at Riza eh! In-op ako dito! As in di nila ako pinapansin!

Hays.

Nakatunganga lang ako sa teacher na nagtuturo sa harapan. Alam niyo ba kung anong naririnig ko sa kanya?

"The history of the ancient greeks... blablabla... ang cute mo daw Janine... panget si Ellaine! Pero mas panget ang mga mean girls... RIGHT CLASS??" nakangiti pang tanong ng teacher sa amin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Anong ginagawa mo sa buhay mo Janine?? Huhuhu!

"Ok class. We would continue our discussion tomorrow. Goodbye"

And.. lumabas na rin ang teacher.

Sa wakas! Bored na bored na ako sa pakikinig eh. Psh.

Nag-aayos na ako ng gamit ko para sa next class nang narinig ko ang malakas na tilian ng mga kababaihan. Grabe. Alam kong cute ako pero masyado ata kayong oa?

Biglang dumikit sa akin sina bes at Riza.

"Sino yun Riza?" tanong ni bes.

"I-it's the Ace. At mukhang dito siya papunta" Nanigas naman si Riza sa kinatatayuan niya.

"A-ace? Anong klaseng pangalan yu--?"

Naputol ang sasabihin ni bes dahil nasa harapan na namin ang isa pang gwapong lalake.

Lapitan ba talaga ako ng mga gwapong kalalakihan ngayon? Ahihihihi. Ang cute ko talaga.

"Hey, I'm Jarett Reid.. call me Ace. Ikaw ba ang babaeng tinutukoy ni Devon na ite-train niya?" pacool na sabi nito.

Dahan-dahan naman akong tumango. Mygawd koya. Wag kang ngumiti. Nalulusaw ako!!

But wait. Isn't he the famous playboy ng gang? Aish. Gwapo nga.

"Bes? Anong pinagsasabi niya? Anong bang pinag-uusapan niyo? Wala akong maintindih--"

Naputol na naman ang sasabihin ni bes dahil nag-shh ako sa kanya.

"Well, goodluck cutie. You'll need it. Give your best shot" sabi niya bago ngumisi at guluhin ang buhok ko. Then he walked out like a king. 

"Woah! Nakausap ka ng dalawang royalties' in less than a week! Pano ka ba nila napapansin? Are you that special?" manghang sabi ni Riza with matching shining eyes pa. 

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon