BMDN Chapter 62

110K 2.3K 88
                                    

Walang Spencer  na pumuslit sa kwarto ko, walang Spencer na dumaan sa bintana at walang Spencer na tumitig sa mga bata habang mahimbing na natutulog..


Hindi ko magawang lumabas ng kwarto ko, nawalan ako ng ganang bumangon. Katulad ng mga bata nakatulugan ko ang pag hihintay kay Spencer pero walang dumating.



"Good morning Mommy"

Pumukit ako ng halikan ako ni Styler sa pisngi, katulad ko ay kagigising lang nya. Si Scarlet at Kisza ay tulog pa.



"Mom, why are you sad?" Tanong nya saka umupo at tinitigan ako. Umiling ako bilang sagit pero parang nararamdaman nya na may problema ako dahil yumakap sya sakin.



"I love you Mom" aniya, yung lungkot na nararamdaman ako ay nawala dahil sa sinabi ni Styler.


"I love you too anak" sabi ko saka hinaplos ang mukha nya at pinaliguan ng maliliit na halik. Tawa sya ng tawa sa ginawa ko dahilan para magising ang dalawa.



"Good morning" bati namin ni Styler sa ate nya at sa kambal nya. 



"Mommy, pumunta ba ulit si Daddy kagabi?" Masayang tanong ni Scarlet, ngumiti ako saka tumango. Ayokong biguin ang anak ko, ayokong sabihin na hindi pumunta si Spencer dahil alam kong malulungkot sila. Kahit na mag sinungaling ako basta huwang lang malungkot ang mga anak ko.








Sabay-sabay kaming tatlong bumaba, dumiretyso kami sa kusina at pinag timpla ko muna sila ng gatas bago ako nag luto ng almusal. Mukang tulog pa si Kuya Scott , kadalasan kasi ay pag ganitong oras ay gising na iyon.



Pinag masdan ko lang sila habang kumakain, masaya ako dahil mag kakasundo silang tatlo. Lalo si Kisza kita ko na mahal na mahal nya talaga ang mga kapatid nya, at alam kong ganon din ang kambal. Nang matapos silang kumain ay sinabihan ko silang mag handa dahil gusto ko silang igala, gusto ko ring libangin ang sarili ko para maiwasan ang mag isip. Tinapos ako ang gawain ko sa kusina saka pumunta sa kwarto ko para makapag ayos na rin, dumaan muna ako sa kwarto ni James at nakita kong tulog pa sya, sa kwarto naman ni Daniel ay walang tao.



Mula sa labas ng aking kwarto ay rinig na rinig ko ang halakhakan ng tatlo, pinag aayos ko sila pero mukhang nag lalaro pa sila. Binuksan ko ang pinto at halos mapatigil ako sa pag pasok ng makita si Spencer na nakikipag laro sa tatlo.



"Hey" malaking ngiti sya ng makita ako. Lumapit sya sakin saka dinampian ng halik ang akong labi. Hindi ako makapag salita, walang pumapasok aa utak ko.



"Mommy, sasama daw satin si Daddy. Maliligo na po kami" ani Kisza, hindi na nila hinintay ang sagot ko at nag punta na sila sa banyo.





"Hey, okay ka lang?" Nag aalalang tanong nya saka hinaplos ang mukha ko. Tumango ako saka tuluyang isinarado ang pinto, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisip ko na hindi na sya mag papakita samin.




"Anong nangyari sayo? Wala ka kagabi?" Aniko, imbis na sagutin ay ngumisi lang sya saka ako sinunggaban ng halik. Halik na kahit na gusto mong tumangi ay hindi mo magawa. Nang bumitaw sya sa labi ko ay isinandal nya ang noo nya sa noo ko, ramdam ko ang mainit at mabangong hininga nya na tumatama sa mukha ko. Gamit ang dalawang kamay ko ay hinawakan ko ang mukha nya.





"May inasikaso lang ako" aniya na parang alam nya na muli akong mag tatanong.





"Ano yon?" Curious na tanong ko,



"Gusto ko kayong isama sa bahay na ipinagawa ko three years ago" aniya,




"Bahay?" Takang tanong ko, tumango sya




Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon