Kabanata 5

37.4K 991 53
                                    

Kabanata 5

Naalimpungatan ako nang pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Kaya kahit inaantok pa ay iminulat ko ang mga mata ko. Napapikit pa nga ako dahil sa pagkasilaw sa taong nakatayo sa harap ko e.

Pero iminulat ko ulit iyon dahil gusto kong makasiguro kung tama ang nakita ko kanina. Sa pagdilat ko ay nasalubong ko ang nakangiting mukha ni Konsehal Casimiro. Kaya napabalikwas ako ng bangon.

Tinakpan ko ang dibdib ko ng kumot na nasa kandungan ko. Masyado kasing manipis ang damit na nahiram ko mula sa mga naiwan nung kapatid daw ni Konsi. Tapos wala pa akong bra, nilabhan ko 'yon kagabi.

"Ba--bakit ho?" nauutal na tanong ko sa kanya. "M-may kailangan ka ba sa akin?" Tanong ko ulit nung hindi siya sumagot at lumapit sa akin. Napaatras ako mula sa pagkaka-upo sa kama. Napaatras pa ako hanggang sa headboard na ang nasa likod ko.

Unti-unti siyang lumapit at inilapat ang kamay sa kama, parang ang dating ay kinokorner niya ako. Para siyang gumagapang palapit sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Damang-dama ko ang bawat galaw niya dahil sa paglubog ng kama. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

Nawala ang kaba ko at napalitan iyon ng excitement at kilig. Unti-unti nang lumapit ang mukha niya sa akin.

"I want you to live here..." Nambibiting bulong niya na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan, ang sexy ng boses niya. "Because I want you here..." Patuloy niya na bumaba ang tingin sa labi ko at unti-unting nilapit ang mukha sa akin. Napapikit ako at inantay ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

"Mam? Mam?" Napabalikwas ako ng bangon sa pagtawag na 'yon. Napatingin ako sa pinto may kumakatok d'un. Hinanap ko si Konsi sa buong kwarto, pero wala siya.

Nananaginip lang ako. Pero bakit gan'un yong panaginip? Kinurot ko ang pisngi ko para magising ako ng tuluyan.

"Mam?" Napatingin ulit ako sa pinto kung saan may kumakatok.

"Sige po lalabas na ako." Sigaw ko nung ma-realize ko na kanina pa pala ako kinakatok. Tumayo ako at inayos ang hinihigaan ko. Kahit naman sabihing buhay mayaman na ako sa bahay na ito, hindi naman ibig sabihin n'un ay magbubuhay prinsesa na ako dito, nakikitira na nga lang ako dito e.

May sariling banyo ang kwarto na ibinigay sa akin, kaya dumiretso ako doon para maghilamos at magtoothbrush nung matapos kong ayusin ang higaan ko. Ang sarap ng tulog ko sa malaki at malambot na kama, grabe ilang taon din akong nagtiis sa manipis na kutson no! Pero nawala ang masarap kong tulog dahil sa isang magandang bangungot! Letse, hindi 'yon maganda, kaya nga bangungot e. Mabilis na inalis ko na iyon sa isip ko at baka kung saan pa umabot ang imahinasyon ko.

Kumpleto ang gamit sa kabinet ng banyong ito. May mga bagong sabon, toothbrush at kung ano-ano pa sa loob kaya may nagamit ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sinuot ko ang bra ko buti na lang talaga at strapless 'yon kasi spaghetti strap lang ang damit na nakuha ko sa mga damit niya tapos isang maigsing cotton shorts. Pantalon at palda na kasi ang iba. Sobrang revealing nga ng suot ko. Feeling ko wala na akong suot. Sanay naman ako mag sando at shorts pero hindi manipis ang strap at hindi maiksi.

Binilisan ko ang kilos ko nang makita kong alas diyes na. Nakakahiya naman kung gantong oras ang gising ko, para akong boss. Maaga naman talaga akong magising kaya lang ay talagang puyat at pagod ako kahapon.

Pagkababa ko ay tumuloy ako sa kusina, ayon kasi sa katulong na nakasalubong ko ay nand'un daw si Cassia at pinapakain.

Sinusubuan ito ni Ate Fe nung pumasok ako sa kainan. Agad namang nagkukumawag si Cassia pagkakita sa akin at itinaas pa ang kamay para magpakarga.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon