"She was dying... She had cancer..."
Napasinghap si Francine sa narinig. At nang tinitigan niya si James, nakita niya ang matinding kalungkutan sa mga mata nito. "Hindi mo na kailangang ituloy... kung nahihirapan kang ikuwento..."
Ipinilig ni James ang kanyang ulo. "No. Gusto ko kong malaman mo ito. Para maintindihan mo ako."
Walang nagawa si Francine, bagkus ay nakinig na lamang siya sa kuwento ni James.
"She was diagnosed with Osteosarcoma at the age of sixteen," salaysay ni James. "Ang bata-bata pa niya para magkasakit ng ganoon, but she was one of the unlucky ones who got the disease. Kaya niya nagawang aminin sa akin noong senior prom na may gusto siya sa akin. She thought she was going to die anytime soon back then... Tuwing maalala ko ang isinagot ko sa kanya noong mga panahong iyon, nakokonsensya ako.
"Kaya siya nawala ng isang taon dahil nagpagamot siya. Nang bumalik siya, akala niya unti-unti ng gumagaling ang kanyang sakit, o kung hindi man lubusang gumaling ay mapapahaba pa ang kanyang buhay. Hindi ko pa rin matanggap kung bakit inilihim niya sa akin ang lahat ng iyon..."
Kaya niya nagawa iyon dahil mahal ka niya, ang nais sanang sabihin ni Francine, ngunit itinago na lamang niya iyon sa sarili at hinayaang magsalita si James.
"'Yung sinasabi ni Villanueva na nakikita niyang umiiyak si Grace? That was the time she had found out her treatment was failing. Before we graduated in college, her mom was hinting me that it was time for Grace and I to get married. It's funny really-usually ang mga magulang, sinasabi nilang h'wag munang magpakasal nang maaga ang kanilang mga anak. But they were so open with that idea, that I just had to grab the opportunity and asked Grace to marry me. 'Yun pala everyone knew about her sickness-my dad, Granny, even Villanueva. Everyone, but me. Inilihim nilang lahat sa akin iyon."
"May dahilan siguro sila..."
"Oo, mayro'n nga. Ipinakiusap ni Grace sa lahat na h'wag ipaalam sa akin. Pero mas lalo lang niya akong sinaktan dahil sa iba ko pa nalaman... dahil huli na nang nalaman ko iyon. Hindi siya nagpakita sa araw ng aming kasal dahil lumalala na ang kanyang karamdaman at ayaw niyang akuin ko ang responsibilidad ng pag-aalaga sa kanya. Ayon sa ina niya, iyon ang dahilan ni Grace... dahil ayaw niyang maging pabigat sa akin, dahil ayaw niyang masaktan ako..."
"James..." Ipinatong ni Francine ang palad niya sa nakakuyom na kamay ni James. Nais niyang yakapin ang lalaki upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutang nararamdaman nito, upang maramdaman nito na naiintindihan niya ang pinagdaanan nito. Ngunit pinigilan niya ang sarili.
"I mean, how could she do that to me? Wala ako sa tabi niya noong panahong nahihirapan siya dahil sa sakit niya. Wala ako sa tabi niya no'ng inoperahan siya sa buto ng binti dahil sa lumalalang sakit niya. Wala ako sa tabi niya noong mga panahong nahihirapan siya, dumadaing dahil sa tindi ng kirot ng katawan matapos ang chemotherapy niya. Wala ako para alalayan siya... para tulungan siya... Lahat ng mga pinagdaanan niya, lahat ng mga naramdaman niya't paghihirap nalaman ko na lamang no'ng nawala na siya." Naramdaman pa ni Francine ang pagkuyom ng kamay ni James sa ilalim ng palad niya. "I was hurt beyond measure! I could have been there by her side... I could have been there to help her, comfort her... But she chose to drive me away, out of her life! I loved her... pero wala akong nagawa para matulungan siya."
Ngayon ay lubusan na niyang naiintidihan si James, kahit pa hirap ang lalaking intindihin ang mismong nararamdaman nito. Minahal nito si Grace, at nagagalit ito sa sarili dahil hindi nito nagawang samahan ang babae sa mga huling sandali ng buhay nito.
"Hanggang ngayon, hawak pa rin ni Grace ang puso ko..." Naalala niyang sinabi iyon ni James sa kanya noong gabi ng kanilang pagtatalo. "Tuwing maalala ko ang isinagot ko sa kanya noong mga panahong iyon, nakokonsensya ako..."

BINABASA MO ANG
The PAST MISTAKE
RomanceSa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok kay Francine upang kamuhian ang lalaking dati niyang minahal. At sa pangalawang pagkakataon ay mulin...