[W.O.S] CHAPTER 13: RULES ARE MADE TO BE FOLLOWED

3.2K 156 5
                                    

A S H E

Naka-upo kami ngayon at nagpapahinga. Thankfully, naubos na din ang mga kalaban. Tumingin ako kay Mist at kinausap siya.

"Salamat nga pala Mist kanina ah. Niligtas niyo nanaman ako." sabi ko sa kanya.

"Wala 'yun Asky. Lagi lang kaming lilitaw if you need help." napatawa kaming dalawa sa sinabi niya.

"Teka, bakit parang mag-isa mo lang ata? Where's Kiro?" tanong niya at napayuko nalang ako.

"Don't tell me, iniwan ka rin niya?" sabi niya.

"Hindi naman siguro sa ganun Mist. Sa tingin ko naman may dahilan siya kung bakit niya ginawa 'yun." sabi ko.

"Tsk. Ganun na din 'yun. Hobby niya na nga ata ang mang-iwan eh. Dapat talaga hindi kinakaibigan 'yang Kiro na 'yan." sabi ni Silver.

Ayokong maniwala sa kanila dahil hindi naman ganun ang pagkakakilala ko kay Kiro. Gusto ko mang magpaliwanag pero alam kong hindi naman sila maniniwala.

"Tama si Silver. Dapat hindi ka kaagad naniniwala sa ibang tao. Don't worry dahil simula ngayon, kami na ang makakasama mo. You can trust us. Hindi kami katulad niya, right Silver?" sabi niya at tumango naman si Silver.

"Hindi niyo naman kailangang gawin 'to." sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba, gusto naman namin 'to. Tsaka, we will help you. We'll help you to become strong." sabi niya.

"She's right. Tsaka pare-parehas tayong iniwanan ng iisang tao. Papatunayan natin sa kanya na hindi siya kawalan." sabi naman ni Silver. Nginitian ko nalang sila at hindi na sumagot.

"I think okay lang na dito muna tayo magpapalipas ng gabi. Mukha namang safe dito diba? Tsaka nandyan naman si Silver. Siya naman ang ipapain natin kung meron man hahaha!" biro ni Mist at tiningnan lang siya ng masama ni Silver.

"Ikaw ang ipain ko dyan eh." sabi niya at tinawanan lang siya ni Mist. Humiga na sila at pinatay na 'yung apoy na nagsilbing ilaw namin.

Malaki ang utang na loob ko sa mga taong 'to. Hindi ko alam kung bakit nila ako tinutulungan pero sana naman wala silang masamang intensyon. Ayokong pag-isipan sila ng masama dahil mukha naman silang mabait.

Masaya na rin ako kahit papa'no. Muntikan ko nang hindi matupad ang pangako ko sa'yo kanina. Mabuti nalang at dumating ang mga kaibigan mo.

Wag kang mag-alala Kiro. Babaguhin ko ang pananaw nila sa'yo. Papatunayan ko na nagkamali sila sa paghusga sa'yo.



K I R O

Hindi ako makatulog. Takbo ng takbo 'yung isip ko, hindi man lang napapagod.

Tsk. Nahulog na talaga ang loob ko sa kanya. Pero kada naiisip ko si Asky, naaalala ko din 'yung babaeng pinangako ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko. Ang gago ko talaga. Ni hindi ko man lang kayang panindigan.

Ayoko namang isipin na sana hindi ko nalang nakilala si Asky. Tsk! Ang dami ko namang problema.

"Hello." nagulat ako nang may biglang lumapit sa'kin. Teka, kilala ko ang mukhang 'to ah. Umupo siya sa tabi ko.

"Mahusay ang ginawa mong pagtanggol sa kanya kanina." sabi niya. "Ikaw 'yung lalakeng kasama ni Asky diba?" dagdag niya.

"Kilala mo siya?" gulat kong tanong.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon