Chapter 22

4K 216 95
                                    

Jodi's POV

I decided to go back to office and continue my work. Hindi ako pwedeng magmukmok nalang dahil lang sa inakusahan ako ni Xander ng kung ano-ano. After the new year celebration, I did a little reflection and decided not to get too affected by what others say or think about me. Basta ako, gagawin ko ang trabaho ko, mababayaran na ako, at aalis na ako sa kumpanyang 'to.

Habang papalapit ako sa office namin ni Angela, I saw someone sitting at a table outside Mikaela's office I didn't know there was before. Nang mas makalapit pa ako sa kanya, du'n ko na siya namukhaan.

"Francis," I called. Napatigil siya sa pag arrange ng kung ano man ang mga ina-arrange niya at saka napabuntong-hininga habang hindi parin nakatingin sa'kin. Bahagya akong natawa at saka siya tinawag ulit, "Francis Xerley Oh."

Naparolyo siya ng mata at saka tumayo, "Please don't call me by my full name, Jodi Choi." Natawa ako at saka napa-iling, "What's wrong with Francis Xerley? It's cute." Napasapo naman siya ng noo, "Just shut up."

"Francis?" Nang marinig namin ang boses na iyon, agad na lumingon si Francis sa likod ko at saka napangiti. "Hello, Angela." So, ganon? Kapag tinawag ko siya 'di niya papansinin pero kapag si Angela, ngingiti-ngiti siya?

"Francis! Oh my god, long time no see! Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong niya at saka lumapit pa sa amin ni Francis.

"I'm working as a secretary. Mikaela Miranda's secretary."

At saktong pagkasabi no'n ni Francis, bigla nalang lumabas si Mikaela galing sa office niya.

"Mikaela, hindi ko alam na may secretary ka na pala. Classmate namin 'tong si Francis dati eh." Nakangiting sabi ni Angela at saka hinawakan ang braso ni Francis.

Tinanguan lang siya ni Mikaela. Aalis na sana si Mikaela nang napansin kong maraming siyang bitbit at may dala pa siyang kamera kaya hinawakan ko siya sa braso niya."Saan ka pupunta?"

"Sa dorm ng bangtan. Mag-iinvestigate ako doon. Maghahanap ako ng mga evidence."

Napabitaw naman ako sa kanya at saka napakunot ng noo. Investigate? Sa crime scene? "Sabi ng mga pulis, silver bracelet lang raw talaga ang nakitang ebidensya. Wala nang iba."

She looked at me and scoffed, "At naniwala naman kayo? I know there's more to that. At sisiguraduhin kong hindi ako uuwi ng walang dalang ebidensya."

"'Wag ka na pumunta dun, Ms. Miranda. Sinasayang mo lang ang oras mo." Sabat naman ni Francis.

"Why do you even care?" Nag new year nalang, wala paring nagbago sa ugali ng babaeng 'to. Akala ko makakausap ko na siya ng matino dahil naging maayos naman ang usapan namin nung magkasama kami sa birthday ng kapatid ni Taehyung. "Or do you even care? Baka naman may motive ka kaya gusto mo 'kong pigilan?"

Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Just because she's focused too much on work, kahit na secretary niya, tinatanong niya pa kung may motibo ba. Napapraning na siya dahil sa trabaho niya. She's half percent near crazy.

Francis shrugged and raised both of his hands as if saying that he's surrendering. Mikaela just rolled her eyes on him and went out.

Hinarap ko naman agad si Francis at tinanong, "Aminin mo nga sa'kin Francis, paano mo napagtyatyagaan iyang si Mikaela?"

"Baka nahulog na siya kay Mika? Concerned pa nga eh. Uy~" Sabat naman ni Angela sabay sundot sa tagiliran ni Francis. Itong si Francis naman, ngumingiti-ngiti lang.

Baka nahulog na talaga.

"Bahala na nga kayo diyan. Punta muna ako sa comfort room." Sabi niya naman habang nakangiti parin.

Who Killed Jeon Jungkook?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon