Chapter 6 : Bad & Good News

79.7K 2.5K 253
                                    


[ A L E X ' S  P O V ] 





"What?! Ba't ngayon niyo lang sinabi sa akin? Damn! Babalik na ako kaagad diyan!" nagmamadaling sabi ko kay Marc sa telepono bago ko ito ibinalibag pabalik sa lalagyanan nito sa side table. 



I can't help but to tsk-ed due to frustration and concern. Bara-bara kong hinatak ang mahabang kumot na puti pambalot sa katawan ko upang bumangon at tunguin ang bathroom para magshower at para makapag-ayos na ng empake. I let my long hair strands to fall on to my shoulders and to my bare back. Nasalubong ko si Spade na kagagaling lang sa pagsha-shower. 



"Oh, bakit nagmamadali ka? May problema ba?" he asked with his face filled with worry. It's our 5th day here in Maldives for our honeymoon and we spent each day only with laughter and joy. Unfortunately, this news came up. Sinugod sa ospital sina Rennei, Dereen, at Fiacre noong nakaraang araw pa at ngayon ko lang nalaman. Ayos lang sana kung na-injured lang or what dahil alam ko namang malalakas naman ang mga kaibigan ko kaso ang balita na in-ambush sila sa isang hotel room? Magkakapatayan muna bago nila masaktan ang mga taong mahahalaga sa akin. 



I did my best to avoid his question. Sigurado kasing kapag sinabi ko sa kanya ay mag-aalala lang siya. Oo, understandable naman na na mag-aalala siya sa akin dahil sa kanya ako at akin siya. Asawa ko siya at asawa niya ako kaso ayoko ng umabot pa sa kanya ang balitang ito. Sinubukan kong dumaan sa kung saan saang direksyon pero pilit niya akong hinaharangan ng malaking katawan niya. 



"Answer me, Kirsten." napatigil ako sa paghahanap ng lulusutan nang sumeryoso na ang boses niya. Napunta ang tingin ko sa mukha niya. Magkasalubong na ang dalawang kilay niya at walang mababakas na kahit anong pagbibiro sa mukha niya habang may mga tumutulong butil ng tubig mula sa basa niyang buhok. 



Napatingin ako sa ibang anggulo. It's hard to lie in front of him. "I must to go back to the Philippines. My friends need me." I answered, feeling so defeated. I tried to glance back at him and I found his face more confused. "Huh? But they're doing good, aren't they?" he replied. 



Napabuntong hininga ako. "May nang-ambush sa kanila habang nananalagi sila sa isang hotel room 5 days ago. Bugbog sarado silang tatlo at under observation pa rin sila hanggang ngayon." napakuyom ako. Hindi ko alam kung sino ang gumawa nun sa kanila pero itinataga ko sa bato na hindi ako titigil hangga't hindi ko sila natatagpuan.



Sumunod na naramdaman ko na lang ay ang paghawak niya sa braso ko ng marahan. I can feel him being worried. "Alright. Let's go back. I'll ask my butler to book a flight for us now. Don't worry too much. Everything will be fine." tugon niya at ginulo niya ng bahagya ang buhok ko gamit ang isa pa niyang kamay bago niya tuluyang binitawan ang braso ko para tumuloy sa may walk-in closet.



I somehow felt some butterflies in my stomach. He never failed to put me in ease everytime I am having a hard time. It is the same feeling as to what I'm feeling when we're just small kids. And now that we are one, I would never regret marrying the man with a name of Spade William Vantress because he is the man who can make me feel treasured, comfortable, loved, and most of all, protected. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon