"Congratulations to the newlyweds, Mr. and Mrs. Alejandro!"
Nakisabay sa palakpakan sina Francine at Abigail para sa kanilang kaibigang si Cassandra. Sino nga ba ang mag-aakala na may patutunguhan din pala ang paghahabol ng kanilang kaibigan sa crush nitong doktor na si Ezekiel Alejandro?
"Sweetheart, bakit mukhang hindi naman masaya si Zack? 'Yong hitsura niya para siyang bibitayin." bulong ni James kay Francine.
"Shh!" sita ni Francine sa asawa. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo, James? Baka naman hindi lang mahilig ngumiti si Zack."
"No, I think there is more to it than that. See that woman over there?" Pasimpleng itinuro ni James ang isang babaeng nakatayo sa likuran ng function hall. Maganda ito at nakasuot ng isang itim na maiksing damit.
Tumaas ang isang kilay ni Francine at binigyan ng isang nagbabantang tingin si James. Itinaas naman ni James ang mga kamay na para bang sumusuko ito. "Oh, come now, sweetheart. Alam mo naman na ikaw lang ang babae sa puso ko. Ikaw at ang prinsesa natin."
Napangiti si Francine sa huling binanggit ni James. Ang prinsesang tinutukoy nito ay ang anghel sa kanyang sinapupunan. Anim na buwan na siyang nagdadalang-tao. At hindi niya inaasahan na mas excited pa si James sa paglabas ng kanilang anak kaysa sa kanya. Sa katunayan ay kung ano-ano na ang nabili ni James para sa magiging anak nila. Kailangan pa nga niya itong pigilan dahil pati mga laruan at damit na pang-toddler ay nais na nitong bilhin.
"Napansin ko lang kasi na panay ang tingin ni Zack sa babaeng nakaitm," paliwanag ni James sa kanya.
Nahalata rin iyon ni Francine, ngunit hindi na lamang niya pinansin iyon dahil nais niyang maging masaya para sa kaibigan. "Ikaw talaga, ang dami mong napapansin. Puwede naman sanang ako na lang ang pansinin mo."
"Ang asawa ko talaga, nagseselos na naman!" tatawa-tawa pa nitong sabi. "Sweetheart, you know that you already own my heart."
Nag-ikot na lamang ng mga mata si Francine. Ngunit hindi niya maikakaila na lubos siyang nagagalak dahil sa naging takbo ng mga pangyayari. Simula noong pag-amin ni James sa nararamdaman nito para sa kanya, araw-araw na nitong ipinararamdam sa kanya ang pagmamahal nito. Nais nitong bumawi sa mga nagawa nitong pananakit at kasalanan sa kanya.
At dahil gusto ni James na mag-umpisa muli ang pagsasama nila bilang totoong mag-asawa, nagawa nitong lakasan ang loob at aminin sa ama ang ginawa nitong naunang areglo kay Francine. Sa umpisa ay dismayado ang ama nito, ngunit sa 'di kalaunan ay napatawad din ang anak sa tulong na rin ni Granny. Inamin din ni Francine ang buong katotohanan sa nagawa nito kay James noon bilang si Monique. Ang akala niya noo'y magagalit ang ama ni James sa kanya, ngunit tumawa lamang ito at sinabing, "Thank you for teaching my son a lesson he will never forget."
Lagi namang lamang ng kantiyawan si James ng pamilya. Ayon kay Lawrence ay sa wakas nakahanap na rin ng katapat si James sa katauhan ni Francine. At ang kapatid naman nitong si Bianca ay sinabing, "Masuwerte talaga ang kuya ko sa 'yo ate Francine."
At si Villanueva? Kung nais man nitong sirain muli si James o ang kanilang pagsasama, si Francine na mismo ang makakalaban nito.
Kahit hindi naging maganda ang umpisa sa pagitan nilang dalawa ni James, sa huli ay naging maayos naman ang lahat. Napangiti si Francine sa isipang sila nga ni James ang nakatadhana para sa isa't isa, na kahit paliko-liko pa ang daan ng kanilang nakaraan bago narating ang masayang kasalukuyan, sa bandang huli ay natagpuan pa rin nila ang isa't isa.
Ngayon ay natagpuan na niya ang kanyang The One.
Matapos ang kasiyahan, umuwi na ang mag-asawa sa kanilang tahanan.
Isang aktibong Ramen ang sumalubong sa kanila sa pinto, winawagayway pa ang buntot nito bilang pagbati. Yuyuko na sana si Francine upang buhatin si Ramen ngunit pinigilan siya ni James.
"Bakit ba lagi na lamang nagpapansin ang asong ito sa 'yo?" tanong ni James habang ipinuwesto ang aso sa tabi ni Francine sa sofa. "Akala ata ni Ramen isa siyang Chihuahua na madali lang kargahin!"
"Eh, kasi nga alam niyang magkakaanak na tayo, at iniisip niya na hindi na natin siya papansinin kapag lumabas na si baby Monica."
"Selosong aso. Mana talaga sa amo niyang--" Nang ipinukol ni Francine ang nakataas na kilay niya kay James, biglang bawi naman ang asawa sa kanya. "--maganda at sexy at ubod ng bait pa!"
"Hmp! Bolero ka pa rin kahit kailan!"
Bumungisngis lamang si James. "Mabuti nga at isang Japanese Spitz ang napili ko noon. Papaano na lang kung 'yong bear Chow-Chow ang binili ko? Ang laking aso no'n kung nagkataon!"
Hinimas-himas ni Francine ang ulo ni Ramen. "Teka nga--ang ipinagtataka ko ay kung bakit mo nga ba naisipang bumili ng aso noon? Hindi ka naman mukhang mahilig sa aso, ah."
"Ah, iyon ba?" nakangising sabi nito sabay kamot sa batok. "May ipapakita ako sa 'yo. Dito ka lang at babalik din ako agad."
Makalipas ng ilang minuto ay bumalik si James sa tabi niya na may bitbit na isang kahon.
"Ano 'yang dala mo?" usisa ni Francine, habang pinipilit na silipin ang lamang ng kahon.
Ngumiti naman nang nakaloloko si James at inilabas ang isang pares ng sapatos mula sa kahon.
Namumukhaan agad ni Francine ang stilettos na hawak-hawak ni James. "Aba! Sa akin 'yan, ah! Naalala ko na naiwan ko iyan sa... saan nga ba?"
"Sa bahay ko," dugtong ni James para kay Francine. "Noong una tayong nagkita."
"At itinago mo pala? Bakit? Itininapon mo na lang sana..."
"Eh, kasi... ano..." pakamot-kamot pa si James sa ulo, nahihiyang sabihin kay Francine ang dahilan nito. "Kasi... ipinaaamoy ko kasi kay Ramen ito noon at baka makilala niya ang amoy mo kapag inilalabas ko siya... at baka mahanap niya ang nagmamay-ari ng sapatos na ito."
Hindi napigilan ni Francine na humalakhak sa dahilan ni James. At sa sobrang lakas ng kanyang tawa ay pati si Ramen iniangat ang ulo nito at tinitingnan ang tumatawang amo.
"So, you find it hilarious, huh?" nagtatampong obserbasyon ni James. "Pasensya na kung nakakatawa ang ginagawa ko noon. It's stupid, but I was that desperate to find the owner of the shoes."
"Eh, kasi naman ginawa mo pang isang hound dog si Ramen!"
Kaya pala kahit noong unang beses pa lamang nakita ni Francine si Ramen ay kampante na ito sa kanya, na para bang matagal na nito siyang kilala. Iyon pala ay dahil ito sa amoy ng sapatos niyang matagal na niyang naiwan kay James.
"Mabuti na lamang pala at walang amoy ang paa ko. Kundi baka namatay na si Ramen sa kakaamoy sa sapatos ko!"
"Oo na, sige na... nakakatawa na ang ginawa ko. Hahaha. Happy now?"
Itinapon ni Francine ang mga braso kay James at niyakap ito. "Hindi naman kita pinagtatawanan. Masaya lang ako na kahit pala noon ay hindi mo pala ako nakalimutan."
"How can I forget you? I may not have realized it then, but I already fell for that eyes of your the very first time I saw them."
Lumawak ang ngiti ni Francine. Bumalot sa kanya ang init ng pagmamahal ni James.
"I love you, Francine," anito. "Forever and always."
"Mahal din kita, James. Till infinity and beyond."
---THE END---
#ThePastMistake
Kung nagustuhan po ninyo ang aking akda, sana po ay masuportahan po ninyo ako by buying me a coffee at:
https://ko-fi.com/maxinelaurel.
Maraming salamat! ♥
xoxo
MaxineLaurel ♥
BINABASA MO ANG
The PAST MISTAKE
RomanceSa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok kay Francine upang kamuhian ang lalaking dati niyang minahal. At sa pangalawang pagkakataon ay mulin...