BDOD #7

14.7K 475 61
                                    

While Vice was preparing their breakfast, nakaupo lang naman si Klarisse sa stool habang nasa kandungan ang alagang si Vicekee na tila ba inaantok at nakasalampak lang ng higa sa lap ng bata. The kid was rubbing Vicekee's back habang kumakanta.

"Naniniwaya na 'kuuu sa poweber... magmuya amakiyaya kita!"

"Arf! Arf!"

Pasimpleng nangingiti si Vice habang binabaliktad ang itlog na piniprito niya. Ana Klarisse got the side of her mom na sobrang mahilig sa pets. Halata naman dahil ang bata na ang nag-alaga kila Vicekee at Lucky simula nang nawalay sa kanila si Karylle.

"Daddy! Vicekee's hungry na," Klang said while playing Vicekee's tail. "Nag arf arf na siya po,"

"Wait. Matatapos na si Daddy,"

Once natapos na si Vice, prinepare na niya ang breakfast sa lamesa then naglagay na ng hotdog and egg sa plate ni Klang. The kid placed Vicekee sa kabilang stool para makakain na siya.

"I'll give your food later huh?" pagka-usap ng bata sa aso na para bang naiintindihan siya nito. "Let me finish mine first,"

Vice let Klarisse ate her food by herself. By her age kasi gusto ni Vice na matutunan na ng anak ang mga simpleng bagay na dapat ay kaya na niyang gawin. He doesn't want her to grow up na nakasandal lang sa ama. She has to learn by her own moves.

"After mo diyan sa foods mo, brush your teeth na ha? Baka malate na si Daddy sa work," tatango-tango lang naman si Klarisse habang nakafocus parin sa pagkain niya.

Habang busy si Vice sa pagkain ay hindi niya namamalayan na may kabalbalan na palang ginagawa ang anak sa gilid. His attention was caught nang tumahol si Vicekee. He looked at her daughter at nakita niya itong sinusubuan ng hotdog ang aso, then dun din siya mismo kakagat sa part ng kinagatan ni Vicekee.

"Ana Klarisse naman!" kapwa nagulat si Klarisse at Vicekee dahil sa sigaw ni Vice. "Don't share your food with Vicekee. Magkakahalo pa kayo ng laway eh. Baka bukas makalawa ikaw na yung tumatahol at siya na yung nagsasalita,"

"What'dya say Daddy?" nalilitong tanong ng bata. Napaface palm naman si Vice dahil hindi nga pala nakakaintindi ng diretsong tagalog ang anak.

"Basta! You can give her another piece of hotdog... just don't share your food with her, okay?" then Klang nodded. "Nakakaloka kang bata ka! Mamumuti lahat ng balahibo ko sa 'yo,"

Pagkatapos kumain ng mag-ama ay binuhat na ni Vice ang anak papunta sa kwarto para makapagprepare na. He asked her to brush her teeth para maiayos na niya yung gamit nilang dalawa.

Klang went inside the bathroom with Vicekee. She placed Vicekee sa may sink before putting toothpaste on her brush. Sinunod naman niya yung utos ng Daddy niya na magbrush ng teeth... yun nga lang, nakagawa nanaman ng kabulastugan with her pet. Salitan niyang bina-brush yung teeth niya at yung kay Vicekee using the same toothbrush.

"JUSKO NAMAN KLANG!" nangungunsiming sabi ni Vice nang mahuli ang ginagawa ng anak. He immediately put Vicekee down the sink. "Napaka-pasaway mo naman eh!"

"What? I'm just brushing her teeth. Bad bwet na Bayski," sabi nito. She was about to brush her teeth with the same toothbrush nang maagap na siyang pigilan ng ama. "I'm not yet done, Daddy!"

"No. Papalitan natin yang toothbrush mo. Kay ganda-ganda mong bata ang salahula mo,"

"What?"

"Ay ewan ko sa 'yo. Humanap ka ng kausap mo,"

//

"Wait me here ha? Maliligo lang si Daddy," sabi ni Vice sa anak pagkatapos niya itong suklayan. Mabilis namang tumango si Klarisse habang kumukuyakoy pa sa may bedside.

"Daddy, can I borrow your phone? Play ako while waiting,"

Vice handed her the phone. After nun ay kinuha na niya yung towel at tuluyan ng pumasok ng bathroom. Vicekee and Lucky went inside the room habang naghahabulan. Natuwa naman si Klang sa nakita so she went down at nakipaghabulan narin sa mga aso.

"Hey! Don't run too fast," sabi ni Klang habang hinahabol parin yung dalawang aso. She's still holding Vice's phone hanggang sa makababa sila sa Sala.

Vicekee and Lucky sat down kaya naupo narin si Klang sa may sofa at pinagmasdan nalang ang dalawang aso na nagpapahinga. Maya-maya'y napansin niya na tumayo si Lucky at kinagat sa tenga si Vicekee.

"Lucky! You're bad," sigaw nito sa tono na tila nagbabanta but Lucky didn't stop biting Vicekee's ear.

Klarisse opened Vice's phone at dinala sa Camera para makuhanan ng video ang ginagawa ni Lucky kay Vicekee. Ang kagat na ginawa ni Lucky ay napunta sa leeg ng huli hanggang sa dinaganan na niya si Vicekee. As a kid, Klang has no idea kung ano ba talagang ginagawa ni Lucky sa kasama niya. She keeps on taking video sa ginagawa ng dalawang aso. The video took for almost 5 minutes.

"Yagot ka kay Daddy, Lucky! Palo ka." tila nananakot na sabi nito habang pini-playback yung video na kinuha niya.

//

One hour pa naman bago magstart ang show when Klang and Vice arrived sa studio. They headed on Vice's dressing room at naabutan na naghihintay doon si Anne. Maya-maya'y pinatawag ni Direk si Vice kaya iniwan na muna niya ang anak sa ninang nito. Habang naghihintay ay naalala naman ni Klang ang nakuha niyang video kaya kinalkal nito ang bag ng ama to search for his phone.

"Nangnang look!" naeexcite na sabi ni Klang sabay pakita ng phone ni Vice. "I took a video of Lucky and Vicekee while fighting. Vicekee got lose. Look!"

"Patingin nga," Anne took the phone from Klang at pinanuod ang sinasabi nitong video. Habang patagal ng patagal ang video ay palaki naman ng palaki ang mata ni Anne dahil sa napapanuod.

"I just can't stop wondering why Lucky have to go on top of Vicekee,"

"Oh my god, Klarisse!" natatawang sabi ni Anne sabay pause ng video. Sakto namang bumukas ang pintuan ng Dressing Room at pumasok sila Vhong at Billy.

"Anong meron? Ba't tumatawa ka, Anning?" curious na tanong ni Vhong. Anne just handed her the phone at let them watched the video.

Habang nanunuod ay tawa ng tawa ang dalawang binata na sinasamahan pa ng hampas sa isa't-isa. Vice went back at nagtatakang tinignan ang mga kaibigan na nagtatawanan.

"Anyare?" he asked while looking at Billy. "Anong meron nanaman sa cellphone ko hoy? Akin na nga,"

"Anne, cover mo nga muna yung tenga ni Klang." utos ni Vhong na natatawa parin. Instead of covering Klang's ears ay inilabas nalang ni Anne ang bata.

"Oh? Ano ngang meron? Pinalabas mo pa yung anak ko," nalilito parin nitong tanong. Billy showed him his phone at nanlaki naman ang mga mata niya sa nakita.

"Kalibugan mo, brad! Pati asong nagse-s*x kinukuhanan mo ng video," humahalakhak na sabi ni Billy. Hindi naman kasi nai-share ni Anne na si Klang ang kumuha ng video.

"Marami naman sa p*rnhub oh kaya sa redtube, bakit naman pati aso pinagdiskitahan mo," gatong pa ng walang habas sa katatawa na si Vhong. Nanliit naman sa hiya si Vice kaya inagaw nalang niya ang cellphone at mabilis na binura ang video.

"Ana Klarisseeeeeee!!! Bumalik ka ditong bata ka, hoy!!"








Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon