CHAPTER 8

112K 3.2K 373
                                    


Kakatapos lang ng game at parang naririnig ko pa rin sa utak ko ang sigawan kanina sa court. Grabe talaga. Ang intense ng game kanina. At medyo hinihintay lang namin na lumabas ang mga nasa paligid pero ang iba dito ay parang ganun din ang ginagawa.

"Gabe! Sa championship manood ulit tayo, please?"

"Mahilig ka pala talaga sa basketball?" Amused pa rin siya hanggang ngayon. Naaawa na nga ako sa kanya kasi lagi ko siyang hinahampas tuwing nakakashoot si Oliver.

"Hindi lang sa basketball. Mahilig din akong manood ng tennis pati nga golf pinapanood ko."

"Hindi nga?"

"Seryoso ako. Yung daddy ko kasi noong bata ako, laging sports ang pinapanood. Natutunan ko ang rules sa mga sport na pinapanood ko dahil sa dad ko. Anyway, tara na?" Tumayo na kami sa upuan at mauuna na sanang maglakad pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Baka mawala ka. Ang daming lumalabas."

"Right." Bulong ko saka tumingin sa magkahawak naming kamay. "Uhm pero kuya Gabe tingin mo hindi kaya nakakailang? Baka kasi kung may kakilala tayo rito tapos pag-isapan tayo ng kung ano."

"Parang masyado mong iniisip ang iisipin ng iba? Hindi ka ba nai-stress? Miru, hayaan mo sila. Alam mo namang hinawakan ko ang kamay mo para hindi ka mawala saka hinawakan ko lang 'yang kamay mo biglang kuya na ang tawag mo sa'kin. Mas nakakailang 'yun."

"Pwede mo naman hawakan lang yung likod ko katulad ng iba?"

"Woah, hindi lang ako ang lalaking niyaya mong manood ng basketball? Ibang klase ka." Aniya saka nito ginulo ang buhok ko. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa buhok ko para lagi nilang guluhin. Maiksi na nga 'to.

Binitiwan lang niya ang kamay ko nang makarating na kami sa hindi mataong lugar. Halos punuan rin ang mga restaurant sa paligid ngayon dahil sa mga taong nagsilabasan sa arena.

"Mukhang wala tayong kakainan." Nagugutom na ako at dapat ganitong oras ay kumakain na kami. Medyo nasanay na rin kasi akong kumakain tuwing gabi dahil kay Gabe.

"Magluto na lang tayo. Okay lang? May pizza pa naman ako sa apartment saka may ingredients din ako sa ref kaya---"

"Okay. Pero nagluluto ka?"

"Oo naman. Anong akala mo sa'kin?"

"Bili lang nang bili ng pagkain. At pinapakain ang lahat ng matripan mong pakainin." Nginitian na lang niya ako bago ako inakbayan patungo sa parking lot.

Isang oras ang layo ng apartment mula sa arena kaya kahit gutom na gutom na ako ay tiniis ko na lang saka isa pa totoong may pizza siya kaya ang pizza ang una kong kinain pagkapasok pa lang namin sa unit niya.

"Kailan mo iniba ang ayos ng apartment? Huling pasok ko dito ay noong si ate Yvette pa ang nakatira."

"Noong pagkalipat ko. Okay ka lang ba sa pizza? Hindi ka ba busy kasi magluluto pa lang ako? And one more thing, huwag mong tawaging ate ang kapatid ko. It's weird." Umirap lang ako nang sabihin niyang huwag kong tawaging ate si ate Yvette.

"Nagawa ko na ang lahat kanina bago tayo manood. Tutulungan na lang kita magluto." Lumapit ako sa kanya. "Ooh, spaghetti?"

"Parang disappointed ka, ah? Dapat nga maging masaya ka kasi baka ito na ang pinakamasarap na spaghetti na matitikman mo."

"Si Ms. Carol pinagluluto mo rin?"

"Oo pero bihira, lagi kasi siyang nagda-diet saka hindi siya masyadong magana kumain, nasasayang lang ang mga niluluto ko."

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon