Chapter 23: West Gate Keeper

34.4K 1.7K 88
                                    

UNEDITED. ENJOY READING.



DENISE



Ibinaba ni Sky si Silver na ngayon ay gising na. Agad na napansin ni Ice si Silver. Namilog ang mga mata niya at agad na lumapit dito. Nanggigigil na pinisil ni Ice ang mukha ni Silver. Hindi naman maipinta ang mukha ni Silver na halatang hindi natutuwa sa ginagawa ni Ice.



"Ang cute!" matinis na wika ni Ice.



"Who's this woman?" kunot-noong tanong ni Silver sa 'kin.



"Ang suplado mong bata ka! I'm Ice," nakangising pakilala ni Ice sa kanya.



"You're hurting me," Silver commented. Hindi man lang pinansin ang pagpapakilala ni Ice. Sumimangot naman si Ice pero hindi niya si Silver at niyakap. Nakaupo na sila ngayon sa lupa. Silver was sitting on her lap. Kinikiliti ni Ice ang tainga ni Silver. Napapansin ko ang paggalaw ng mga tainga nito at pamumula ng mukha. Halatang pinipigilan ang pagtawa. Silver bit his lower lip but suddenly he burst out laughing.



"Who's your master?" excited na tanong ni Ice.



"That woman," Silver pointed out to me. Sumimangot ako dahil sa itinawag ni Silver sa 'kin.



"I'm your master, Silver," paalala ko sa kanya.



"I know, human," nakangusong sabi ni Silver. Malakas namang tumawa si Ice. Ngumuso ako dahil sa itinawag niya sa 'kin. Kanina woman, ngayon human. He should have called me Master.



"You managed to get a rare pet," namamanghang komento ni Ice.



"Bakit? Wala ka bang nakalaban habang papunta rito?" kunot-noong tanong ko sa kanya.



"No. I just encountered some random wild beast," nakangusong sagot niya sa 'kin. "Unfair. Bakit ang swerte mo?" naiiling na sabi ni Ice.



"Nagkataon lang," nakangising sabi ko sa kanya. Napansin ko ang paglapit ni Cember kay Sky. Lihim akong sumimangot.



"Are you fine?" nag-aalalang tanong ni Cember kay Sky. Sky nodded.



"How about you? Let me see your cuts," kunot-noong tanong ni Sky habang nakatingin sa mga hiwa ni Cember sa braso at pisngi. Damn! Agad akong lumapit kina Ice. Hindi man lang niya napansin ang mga sugat ko kanina pero 'yong kay Cember, pinansin niya!



"Nakasabay mo rin si Cember sa daan?" bulong ko kay Ice.



Lumingon si Ice sa direksiyon nina Sky at Cember at nakakalokong ngumisi. Bumaling ang tingin niya sa 'kin. "Yes. Bakit? Mukhang may nagseselos dito ah," mahinang pang-aasar niya sa 'kin.



"Sana pinagaling na lang niya ang sarili niya," nakasimangot na sabi ko.



"You got bruises too. Sky didn't notice?" nang-aasar pang tanong ni Ice sa 'kin.



"Si Silver ang napansin niya. He's a jerk," naiiling na sabi ko.



Malakas na tumawa si Ice kaya napalingon sina Sky at Cember sa 'kin. I looked away but obviously I'm pissed. I hated it when I couldn't control my jealousy. I shouldn't feel this way. Mariin kong kinagat ang labi ko.



"Itali mo na kasi," bulong ni Ice sa 'kin.



"Ano'ng itali? Sa puno? Ibibitin ko ng patiwarik?" inis na bulong ko rin.



Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon