[W.O.S] CHAPTER 14: FINDING HER

3.1K 157 3
                                    

K I R O

Napatulala nalang ako sa mga nakita ko. Halos wasak na ang lahat maging ang mga gusali. Wala kang ibang makikita kundi usok.

"Kiro, sigurado ka bang dito mo siya iniwan?" tanong ni Zeth sa'kin.

"Oo Zeth." sabi ko naman. Siguradong-sigurado ako.

"Eh pero wala ng tao dito. Wasak na ang city na 'to. Nawasak na nang dumating ang mga kalaban kanina." sabi niya.

"Hindi. Alam kong nandito pa siya." sabi ko. Naglibot ako at binalikan ulit ang lugar kung saan ko siya huling nakita. Nakasunod lang sa akin si Zeth habang tinutulungan niya ako.

Hindi ako naniniwalang wala na siya dito.

"Ano? Nakita mo ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Kiro, wala talaga siya dito." sabi niya.

Nasaan ka na ba? Lumapit siya sa'kin at kinausap ako.

"Wala na talagang bakas na may tao pa dito. Hindi kaya nakatakas siya? Baka naman naka-alis na siya?" tanong niya.

Hindi ako sigurado pero sana ganun nga ang nangyari.

"Maghanap nalang tayo sa ibang lugar. Kailangan na rin nating umalis dahil baka may mga kalaban pa rin dito. Remember kanina lang nangyari 'to kaya delikado na sa lugar na 'to." sabi niya at umalis na kami.



W I S H (Z E T H)

Desidido talaga siyang mahanap si Asky. Kahit ako rin naman, gusto ko narin na makita namin siya. Pinapanalangin na sana, nakaligtas nga siya.

Napa-isip ako, bakit ba kasi sila naghiwalay? Maya-maya, nagulat nalang ako nang bigla siyang mangisay na parang nakukuryente.

"H-hoy anong nangyayari?!" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"H-hindi ko alam!" sigaw niya habang namimilipit.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ang familiar niya sa loob ng katawan niya, nagre-react na ito.

"Labanan mo Kiro! 'Yan lang ang paraan!" sigaw ko sa kanya. "Kaya mo 'yan!" dugtong ko.

Nangyari na kasi sa amin ito. I mean kay Mika. Ganitong-ganito ang na-experience niya kaya alam kong siya lang ang makakapagpatigil nito.

"P-pero--argh!" sigaw niya.

Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon. Hindi siya makatayo dahil sa sobrang sakit. Wala rin naman akong magagawa.

"Kiro you can do it!" sigaw ko sa kanya habang hawak siya sa balikat niya. Maya-maya, tumigil na din siya. Kumalma na siya. Hay thank God!

Hinayaan ko muna siyang magpahinga bago kinausap.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

"O-oo." sabi niya habang nakahawak sa braso niya. May mga lumabas na parang pantal sa buong katawan niya. 'Yan siguro ang epekto sa kanya nito. Pero yung mga pantal na lumabas sa katawan niya, hindi nangyari kay Mika 'yun.

Sabi ng mga familiar, kapag tumagal pa sila sa loob ng katawan mo at hindi mo pa sila napapalaya, mas lalo ka lang nitong pahihirapan. May posibilidad din na hindi kami makaligtas dito sa WOS kapag nangyari 'yun.

Kung tatanungin niyo ako, hindi ko pa din napapalaya ang familiar ko. But I'm working very hard on it. Kaya lang, kakaiba ang mission sa akin. May isang tao daw na malapit sa'kin ang nasa mundong 'to. Ang kailangan ko lang daw gawin ay hanapin siya at makita siya ng harap-harapan.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon