Chapter 3: Dating-datingan

3.7K 80 4
                                    

"Yuki! Hindi ka pa ba babangon dyan?!?" Bigla niyang idinilat yung mga mata niya at tiningnan ako ng masama. Tinitigan ko lang rin siya. Staring contest na naman ang hamon niya. Pero kailangan ko ng putulin yun dahil mamamalengke pa kami. "Anong tinitingin tingin mo dyan!? Pinapagising ka ni Papa!"

"Bakit walang 'kuya'?" tapos bigla siyang sumimangot

"Eh ano naman? Sabay tayong pinanganak na una ka lang ng ilang minuto!" bumangon siya at bigla niya akong binato ng unan, "Ano na naman ang problema mo?"

"Dapat kuya parin ang tawag mo sakin kahit na segundo pa yun! Kasi nauna ako, ako parin ang naunang lumabas!"

"Edi Kuya!" TInaasan ko siya ng boses sabay bato pabalik sa kanya yung unan niya.

"Bakit mo ako sinisigawan?!" tumayo na siya sa may kama niya kaya naka tingala ako sa kanya

"Hindi ako sumisigaw, tinataasan kita ng boses! Magkaiba yun! Ikaw nga itong sumisigaw eh." Tumalikod ako sa kanya, "Pag ikaw sinigawan mo ulit ako, hindi na kita tatawaging Kuya habang buhay!!"

"ANO—Yumi," ramdam ko yung pagbabago sa tono ng boses niya, "Hindi na ko sumisigaw. Kuya tawag mo sakin forever ha?"

Lumingon ako sa kanya bago ko isara yung pintuan, "Walang forever!"

Hay nako, iba talaga nagiging epekto ng hangover. Late na nga kung magising tapos minsan may toyo pa!

Nung nahimasmasan na si Kuya Yuki, lumabas na siya ng kwarto para mag toothbrush. Habang nagsipilyo siya ay silip siya ng silip sa kwarto ko.

"Bilisan mo na nga." Sabi ko sa kanya. Maya maya ay bigla siyang pumasok sa kwarto ko at pinagkikiliti ako.

Gulong na ko ng gulong sa kama para lang iwasan siya pero nacorner niya ko masyado. Hanggang sa hinila ko damit niya at siya naman napahiga sa kama at kiniliti ko. Nagsimula kaming mag harutan at tawanan.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakakulit ni Kuya Yuki. Ang sabi nila pag kambal daw usually magkaugali, pero bakit hindi naman ako kasing harot niya? Kalma lang naman ako sa mga bagay. Pero siya ibang klase mangharot. Mula pagkabata hanggang ngayong college na kami attached at ang harot niya parin sakin. Kaya tuloy pati yung mga babaeng nagiging girlfriend niya pinagseselosan ako. Mas iniintindi pa daw kasi niya ako kesa sa kanila. Well, maiintindihan ko naman yun pero ang pagselosan, awayin at paringgang ako ang hindi klaro.

Baka kasi factor din na ako lang yung babae sa pamilya kaya mas binibigyan nila ako ng atensyon at proteksyon. Hindi naman sa nagrereklamo ako kasi masaya ako sa natatanggap ko na pag mamahal kaya lang paminsan minsan siguro kelangan nilang bawasan yun para sa ibang bagay na pwede nila pagtuunan ng pansin.

Napalakas bigla yung pagtatawanan naming dalawa dahil biglang pumasok sa kwarto si Kuya Jin.

"Ano ba kayong dalawa? Ang aga aga tapos naghaharutan kayo." napatingin kami pareho kay Kuya Jin.

Hinampas ko ng very light si Kuya Yuki. "Si Kuya kasi" Bintang ko.

"Sorry." Sabay naming sinabi ni Kuya Yuki.

"Kayo talagang dalawa, lagot na naman kayo kay Papa pag narinig niya kayo." Sabi ni Kuya Jin bago pumasok sa kwarto nila nila ni Kuya Micky..

"Kanina pa kaya wala si Papa, pumasok na siya." proud kong sabi ko kay Kuya Jin.

Nanlaki bigla yung mata ko nang marealize ko yung nasabi ko. Nagkatinginan kami ni Kuya Yuki. Nagtakip ako ng bibig dahil nadulas ako sa sinabi ko. Pagmagsisinungaling kelangan panagutan ito hanggang dulo. Wag yung magpapabuko... tulad ko.

"Pinapagising pala ako ni Papa ha!" inakbayan ako bigla ni Yuki tapos ngumiti siya sa akin.

'He he he' lang yung nasagot ko sa kanya.

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon