HGG [12]

162K 3K 112
                                    

Chapter 12

Janine's POV

Nakarating na rin kami sa school. And as usual, pinag-usapan agad kami. 

"Bat andaming transferees sa school na ito?" 

"Hayaan mo na! Cute naman eh!"

"Anong cute? Eww! Panget! Lalo na yung desperadang nag-apply as Queen! Tignan mo at may pasa sa mukha oh!" 

"Ay oo nga noh!"

Ay shet. Pag-usapan daw ba yung pasa ko?

Nakakainis ka talaga oppa!!

"Janine!! Good morning! O mukhang dumami na naman kayo ah?" bati ni Riza. Waaaah~ namiss ko siya! Nakakasawa na kasi yung mga mukha ng co-gangsters ko eh!

"Hi! I'm Paris Paige!" pagpapakilala ni Paris.

"Andrea Corbinn" pagpapakilala naman ni Andrea. Tapos ngumiti sila.

"Riza Hernandez .Nice to meet you!" sabi ni Riza at nag-shake hands silang tatlo.

Nakisabay na rin sa paglalakad ko si Riza. "Hey Queen~" 

"Hmm?" 

"Bakit may pasa ka sa mukha?" tanong niya.

"Training." 

"Ahhhh~ Maalam ka na? Pwede mo ba akong i-train? Gusto kong sumali sa gang niyo~" sabi ni Riza habang nakapuppy- eyes.

"Wag na. Baka mapahamak ka pa" sabi ko. Totoo naman eh. I care for her. First friend ko siya na hindi gangster

"Chigi naa~" pagpupumilit niya. Haaayy.. bat ba gusto nitong maging gangster?

Baka para hindi na siya i-bully. Psh, di na niya kailangang maging gangster! Ako na mismo ang queen in shining armor niya!

"Well well well.. bakit parang dumadami ata ang mga basura dito?" 

Sino pa ba ang magsasabi niyan? Edi si clown

"Oo nga eh. Padami na ng padami ang mga clown na katulad mo" sabi ko. 

Nakita ko namang nainis siya sa sinabi ko. Suntukan na lang oh!!

"What did you say??" tanong niya at pinanlalakihan ako ng mata. Napatawa ako ng malakas. Mas lalo siyang naging mukhang clown.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon