Twenty-five

172K 4K 358
                                    

AVREIN

NADATNAN ko si Fria na nasa entrada ng kompanya kaya't mabilis ko siyang dinaluhan.

"Ba't nandito ka?" maagap kong tanong halata kasing natataranta siya e.

"E, paano ba naman 'yang boss mong may sa lahi yata ni Lucifer, sinesante lahat ng admin assistant. Natira lang ang oldies sa iba't ibang department gaya ko. Ito pa, pumasok ba naman na parang lasing pa at gulo-gulo ang damit pati buhok. Ano bang nangyari doon? Sinabi mo na ba sa kaniya na buntis ka!?" tuloy-tuloy na saad nito dala sa sobrang pagkataranta na hindi ko nagawang makasingit pa.

Nagising ako na wala nang kahit na anong bakas mula kay Vience. Ang naisip ko ay hindi siya pumasok ngunit narito pala siya.

"Kumalma ka muna, Fria." Nakita ko naman na bumuntonghininga ito, saka pa ipinaypay sa sarili ang sariling kamay.

Hindi ko pa nga pala nakakausap si Fria buhat nang manggaling ako sa bahay nila Vience noong nakaraang gabi.

"Fine. Explain now, Avrein."

"Sa palagay ko kaya't ganon siya nang pumasok siya ay dahil hindi na siya nagkaroon ng chance na ayusin ang sarili niya. Nanggaling kasi siya sa condo ko-"

"What!? Nanggaling siya sa condo mo!?" putol nito.

"Let me finish first."

"Fine," aniya at umakto pa na sumusuko dahil itinaas ang dalawang kamay sa ere.

"So 'yun nga nanggaling siya sa condo ko para lang sabihan ako na layuan siya." I had to cut the part that I gave in. Magagalit nang husto si Fria.

"Aba't ang talipandas na 'yon!?" galit na bulalas niya sa akin.

"Noong nakaraang gabi rin ay inamin ko na sa kaniya na buntis ako pero gaya nga ng paalala ni Aeickel, he rejected my child. Sinabi niyang si Luis ang ama at hindi siya."

Nakita ko kung paano biglang nanlaki ang mga mata ni Fria saka bigla akong tinalikuran at akmang papasok sa loob ng kumpanya. "Ano'ng gagawin mo?"

"Susugurin ko ang talipandas na 'yon! Ang lakas ng loob niyang ikama ka pero hindi niya mapanindigan!"

Hinigit ko siya sa braso para hindi siya makaalis. Ginamit ko ang lakas na mayroon ako para lamang mapigilan siya.

"Nagdesisyon na ako. Ipapasa ko lang sa kaniya 'tong resignation letter ko kaya ako narito," anas ko, saka ko w-in-ave sa kaniya ang sobreng hawak ko.

Halatang nagulat si Fria sa naging desisyon ko dahil nanlaki pa ang mga mata nito.

Ngumiti lang ako sa kaniya, saka nagpaalam na papasok na ako sa loob. Habang nakasakay ako ng elevator ay hindi ko maipaliwanag ang kaba at sakit na nararamdaman ko.

Hawak ko sa isang kamay ang resignation letter ko at sa kabilang kamay naman ay ang sulat na bigay ni Luis. Nadatnan ko kanina ang sulat na ito sa harapan ng pintuan ng unit ko na may nakasulat sa harapan ng sobre na, REMINDER: Don't open it yet. Alam kong balak mong mag-resign. Buksan mo ito sa oras na napirmahan na ni Montealegre ang resignation letter mo. - Luis. A.

Habang papalapit ako sa opisina niya ay nakakarinig ako ng sigawan pero malabo sa pandinig ko kung ano ang mga ito at kung sino.

Saktong ipipihit ko na sana ang seradura nang bigla itong bumukas at iniluwa nito si Luis na nakangisi. Hindi niya siguro ako napansin kaya't nabangga ako nito dahilan para mabitiwan ko ang bag ko maging ang mga sobreng dala ko. Pumikit ako dahil ramdam kong maari akong mapasalampak sa sahig.

Anak, kumapit ka lang sa Mommy.

"Are you okay?" Napabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Luis.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon