Seventeenth Dream

406K 22K 7.1K
                                    

Seventeenth Dream

"Hi Angelique."

Una kong nakita ang mukha ni Caleb. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Pero hindi ito 'yung usual na ngiti na ipinapakita niya. May bakas ng lunkot ang isang ito.

Napatingin ako sa mata niya. Nakangiti, pero nangingilid ang luha niya.

Ito na ang huling araw.

"Caleb..."

Napatakbo ako papalapit kay Caleb at niyakap ko siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mga braso niya na niyayakap ako.

"Welcome back," sabi niya pero hindi ito tulad ng pagkakasabi niya dati na masigla at puno ng buhay.

Basag ang kanyang boses. Nanginginig ang kanyang mga braso.

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at kita ko ang luha na bumabagsak sa mga mata niya.

Pero kahit na umiiyak siya, nagawa pa rin niya akong ngitian at punasan ang luha na bumabagsak naman sa mata ko.

Hinawakan ni Caleb ang kamay ko.

"Tara?"

Tumingin siya sa isa sa mga cherry blossom trees. Tumango naman ako and I let him lead the way.

Naupo si Caleb sa ilalim ng isa at tinabihan ko naman siya.

"Sabi ko sa sarili ko, bago ako mawala, gusto ko ito 'yung huling parte ng panaginip mo na pupuntahan ko. Ito kasi 'yung favorite place ko rito."

Napatango lang ako pero hindi ko na alam ang sasabihin ko. Alam kong wala na akong magagawa pero ang hirap tanggapin. Hinawakan ni Caleb ang kamay ko.

"Sorry Angelique ah? Sorry ngayon ko lang nasabi sa'yo. Sorry hindi ko hinayaang maghanda ka sa kung ano ang mangyayari sa akin."

Umiling ako, "Never akong makakapaghanda sa ganitong sitwasyon, Caleb."

At never kong matatanggap ang ganitong mga bagay. Ang hirap masyado.

"Pwede ba kitang akbayan?"

Medyo napatawa ako nang mahina sa tanong niya.

"Niyakap mo na nga ako kanina eh."

Napangiti rin si Caleb. Naramdaman ko ang pagpatong ni Caleb ng braso niya sa balikat ko habang hinihila niya ako papalapit sa kanya. Inihiga niya ang ulo ko sa dibdib niya.

At dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. Buhay na buhay. Masigla.

God, please, please...

Hinawakan ni Caleb ang noo ko at pinagapang niya ang mga daliri niya pabababa sa talukap ng mata ko, sa ilong, sa pisngi, hanggang sa makarating ito sa labi ko.

"Angelique...kaibiganin mo si Mama ha? Wala na kasi siyang kasama sa buhay eh. Sana palagi kang nandiyan para sa kanya. 'Wag mo siyang papabayaan ha?"

Tumango lang ako. Pero hindi ko mahanap ang boses ko.

"Magbigay ka naman ng pabaon sa akin na kwento oh. Isang magandang memory sa childhood mo," dagdag pa niya.

Umiling ako, "Parang hindi ko ata kayang mag-isip ng magandang bagay ngayon."

"Eh dali na. Please? Para sa akin?"

Pumikit ako at pilit humugot ng masayang alaala sa memory ko.

"Nung eight birthday ko, dinala ako nina Kuya at Nanay sa mall. Wala kaming binili nun. Nag-window shopping lang kami pero pinakain kami ni Nanay sa isang fastfood restaurant. Pero ang saya ko nun. Kasi 'yun 'yung nag-iisang araw na hindi nagtatrabaho sina Kuya at Nanay. 'Yung lumabas kami at nag-bonding kahit sobrang simple lang."

Tumingala ako at nakita kong napangiti si Caleb.

Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa mata ko. Napalunok ako.

"Ikaw naman ang magkwento sa akin. Ikaw naman ang magbigay ng pabaon. Isang magandang alaala."

Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Caleb. Hinawakan ko ang kamay niya at napakurap ako.

Parang unti-unting nagiging invisible sa paningin ko ang mga kamay niya.

Napahiwalay ulit ako sa kanya at tiningnan ko siya. Nakita kong nababalutan ng liwanag si Caleb.

"No. Hindi pa pwede! Caleb!!"

"Angelique," hinawakan ni Caleb ang magkabilang pisngi ko at tinitigan niya ako sa mata.

He gave me a sad smile.

"Isang magandang alaala?"

"C-Caleb!" umiling-iling ako. "Aalis ka na ba? Iiwan mo na ba ako? Ba't ang bilis? Hindi pwede! 'Wag muna please! Please! 'Wag muna."

"Shhh, Angelique, listen to me. Hindi ko pa nasasabi sa'yo ang magandang alaala na ipapabaon ko."

Ibinaba ni Caleb ang pagkakahawak niya sa mukha ko at kinuha niya ang magkabilang kamay ko.

"Matagal na ako sa panaginip mo. Matagal pa sa inaakala mo. Hindi lang ako nagpapakita sa'yo nun. Lagi kitang ino-obserbahan nun, Angelique. Kasi nakikita ko ang sarili ko sa'yo. Isang taong gustong tumakas sa reyalidad. Na-curious ako kung bakit. Kaya naman lagi kitang hinihintay sa panaginip mo. Tapos magtatago ako habang tinitingnan ko ang mga nangyayari sa panaginip mo. Hindi ko magawang umalis nun. Hindi kita magawang iwan. Hanggang one time napatitig na lang ako sa mukha mo, at ewan, tinamaan ako nun."

"C-Caleb."

"Ang foreign sa pakiramdam. Kakaiba. Something na nun ko pa lang naranasan. 'Yung bumibilis ang tibok ng puso ko pag alam kong pabalik ka na sa panaginip mo. 'Yung lagi kong ina-anticipate ang pagbabalik mo. 'Yung namimiss kita kada gigising ka. Hindi ko alam ba't ganun ang nararamdaman ko samantalang hindi pa naman tayo nagkakausap nun. Pero wala eh. Ganun talaga. Pagdating sa pagmamahal, hindi mo kontrolado ang mga mangyayari. Hindi mo alam kung kailan ka tatamaan. At ayun, bago pa ako magpakita sa'yo, bago pa kita makausap, tingin ko mahal na kita."

Napahagulgol ako ng iyak.

Bakit? Bakit ganito! Hindi pwede! Hindi!

"Angelique... mahal kita..."

"Caleb!"

Nagliwanag ang paligid. Wala akong makita. Nasisilaw ako.

Hindi ko na maramdaman ang hawak ni Caleb sa kamay ko. Hindi ko na alam ang nangyayari.

At nang maglaho na ang nakakasilaw na liwanag...

...wala na siya sa harapan ko.

Wala na si Caleb.

Lucid DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon